Chapter 1: Thank you

1.1K 47 16
                                    

AN: Napag isipan ko na ipublish ko na kahit di na umaabot sa quota ang reads ko sa book1, aabutin pa taa ng taon dun! hahaha! di bale, so here's chapter 1. :) Enjoy

Dedicated to:iamjeng02


3 years prior

Jessy's POV

"Ate... gusto ko na umuwi." Tiningnan ko si Alvin. Isang tingin ko palang alam ko nanghihina parin siya. Pero, pinapakita niya sa mukha niya na kaya niya ang sarili niya. May puso na para kay Alvin, pero pinag iisipan namin ni mama kung itutuloy ba namin o hindi. Aware kame na maari siyang mamatay sa loob ng operating room at ayaw namin mangyari yun.

Gusto namin siya mabuhay, pero bago siya tuluyan gumaling, kailangan niya palang dumaan sa critical na sitwasyon. Wala nabang madali sa panahon ngayon? Hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Ah...kasi Alvin.." iniisip ko kung ano ang susunod kong sasabihin. "Ate.. alam ko mababa ang chance para humaba pa ang buhay ko." tiningnan ko naman siya. Pano niya nalaman yun?

"Nakita ko kayong umiyak ni mama. Kaya, gets ko na agad. Akala mo slow ako? Katulad mo?" ngumiti pa siya saken at parang ginagawang biro ang kondisyon niya. "Alvin...pinag iisipan namin ni mama ang kondisyon mo. Ahm... Alvin, sabi ng doctor dapat bumuti ng kaunti ang kondisyon mo--"

"Ate, ayaw ko na ng bagong puso." Hinawakan niya naman ang kamay ko. Ano bang pinag sasabi niya? "Kung mapupunta sakin ang puso, tapos hindi naman successful....sayang lang. Maraming gustong mabuhay dahil sa isang puso na yun." lumunok muna ako dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Gusto ko umiyak pero ayaw ko pag hinaan ng loob.

"Gusto ko rin mabuhay ka.Gusto ni mama na mabuhay ka Alvin."

"Ako rin Ate. Kaya gusto ko lumabas na dito. Please, hayaan mo ako mabuhay sa labas ng kwartong 'to, kasama kayo. Staying here isn't living, it's killing me. " Nakikiusap naman ang mga mata niya saken. "Vin, sumusuko kana ba?"

"Kung tatanungin mo ako Ate, hindi ako sumusuko. Pero, ang katawan ko..Oo. Hindi na kaya ng katawan ko. Kaya, please na umuwi na tayo. Hmmm? Gusto ko lang makita ang labas ng kwartong 'to." At hindi ko na rin napigilang umiyak, dinala ko ang kamay niya sa labi ko at hinalikan ito.

Sinabihan ko si mama sa hiniling saken ng bunso ko. Alam ko naintindihan ni mama ang pahiwatig ni Alvin samin. Gusto niyang makasama niya kame na walang nakakabit sa katawan niya, tumingin sa masilaw na araw at maramdaman ang mainit na panahon sa labas ng malamig niyang hospital room.

Matapos ang mahabang oras na pag iisip, napag pasyahan namin iuwi si Alvin. Pinag sabihan kame ng doctor na hindi siya pwedeng iuwi dahil sa kondisyon niya, pero nakapag desisyon na rin kame. Hiniling nalang namin na ibigay ang puso sa ibang tao at pakinabangan ito kung sakali darating na ito. May nilagdaan naman kameng papeles na nag sasabing na hindi na obligado ang hospital sa anumang mangyayari kay Alvin.

Wala ako sa sarili ko nang niyaya muna ako ni Nathan at Ren na uminom ng kape. Nakatunganga lang ako nakatingin sa makintab na table habang hawak ko ang baso ng kape.

"Jessy... Sorry." sabi naman saken ni Nathan. Nakayuko lang rin si Ren katulad ko. Wala naman si Matthew dahil kailangan niyang umalis at kapalit nun ang puso ni Alvin. Tinulungan kame ng papa niya sa paghahanap ng puso ni Alvin, kapalit ng pagsasama nila ng tinuri niyang ama at mahumay bilang isang simpleng individual.

Sinabi saken nina Nathan at Ren ang dahilan ng pag alis niya, at dahil sa nalaman kong dahilan--- natatakot ako. Natatakot ako baka hindi na siya babalik matapos ang lahat ng sakripisyong ginawa niya.Hindi ko alam paano ko sasabihin na hindi rin pala gagaling si Alvin kahit ginawa na namin ang lahat.

TIG2: Intertwined FatesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora