24: Teacher

335 22 21
                                    

Jessy's POV

Tama ba ang desisyon ko? Tama ba talaga na mag tratrabaho ako sa lalakeng yun? Tapos nakikita ko sa kanya si Matthew?! Umayos ka Jessy!

"Girls, nakita niyo ba? Nakita niyo ang transferee na hottie?" kinikilig na sambit ng student sa kanyang kaibigan.

Di ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila pero ang lakas naman kasi ng kwentuhan nila. Naalala ko nung student rin ako, halos parang artista kung sambahin ang limang kumag na yun. May pa Sole Heir Joes na silang nalalaman. Pero syempre, ibang generation na ngayon. Binangga pa ako ng studyante, para makipag chismisan rin sa mga babaeng nag bubulungan.

"Ay, sorry Miss." ibang klase rin itong Maven, wala paring nagbabago. Di ata ako kilala. Ngumiti lang ako sa kanya. Lagot ka kung estudyante kita.

Sumusunod rin ako sa kanila, papunta na ako sa pinaka first first lecture ko bilang kabayaran sa pagiging scholar. Magandang part time naman ito, maganda rin ang bayad.

"Nakita mo yung sa College of engineering na returnee? Ang gwapo niya rin!!" tili ng isa.

" Diba, dalawa sila? Pero ang gwapo rin yung isa. Magkaibigan sila eh. " sabat ng isa.

"beshies, yung sa Accounting department ang hottie rin. Dito sa department natin!  You know na mysterious look type? Exactly na ganun. Para siyang vampire. Nakasama ko siya kumuha ng books nung nag release ang School Book Store natin. Beshie!! Napaka gwapo niya talaga. " pumasok na sila sa room kung saan gaganapin ang unang lecture ko. So mga estudyante ko pala ang mga batang yun. Pumasok rin ako at sinilip kung marami rami naba sila. Pero di pa nangangalahati ito, lumabas ako ulit at nag antay ng ilang minuto. Walang bumabati saken, at wala naman ako kaso dun. At nung papasok na sana ako....

"ayan siya oh. Sheeet. Ang swerte natin kaklase natin siya. " bulong ng papasok ring estudyante sa kasama niya. Lumingon ako saan sila nakatingin.

Unang tingin, para siyang artista. Makinis ang mukha. Maputi, mapupula ang labi, matangos ang ilong, sobrang itim ng buhok at bagay sa misteryosong mukha niya. Bagay na bagay sa kanya ang ayos niya. Pero mas matured siya tingnan kesa sa mga kaklase niya. Alam mong may ibubuga siya. Nagbabasa ito ng libro. At yun ang dumagdag sa kagwapuhan niya.

Anak naman ng tipaklong. Sinabi ko yun?

Kagwapuhan niya?!

Bakit siya nandito?!

And the bell rang. It is time to enter and start the class.

***
Navin's POV

Well well well... I'm such a lucky bastard. My employee slash PA is my teacher in one of my subjects. Halos di nga makapaniwala ang kaklase ko na isa pala siya sa lecturer namin. Paano naman kasi?

Tiningnan ko ang ayos niya, long sleeve na dark blue at slacks na stripes na di tugma sa ayos ng buhok niya at suot niyang sapatos. Mukha siyang estudyanteng nag cracram sa isang thesis report.  At wala man lang make-up para kulayan ang napaka dry niyang labi.

Damn it. Do I need to check her out?  Tsk. Totally not a lady to me. Kaya madalas ko pinapagalitan sa opisina sa mga suot niya. Pero mabuti na rin yun, di naman siya pumunta sa trabaho para lumandi.

"Sorry Ma'am I didn't know you are our professor. You look young.  " sabi naman ng isang lalake sa klase namin.

Pfft. Young?

Nahiya naman siya. I just want to end this lesson.

"So, hello class. I am Camellia Jessy Gonzales, I am 23 years old, soon to be 24. I am also studying  for my masteral here in Maven. And, I graduated also in this university and I am the only scholar during my time. Luckily, I made it. " my classmates gasp. What's the big deal?

TIG2: Intertwined FatesWhere stories live. Discover now