Chapter 19

12.5K 253 3
                                    

NAPABUGA nalang sa hangin si Elio nang tignan nya ang tatlo sa mga kaibigan nya na nakaupo sa sofa nya sa sala.

He faced his cousin. "At bakit nagsama ka pa nang back up dancers?." Tanong nya dito. Hindi nya kasi maintindihan kung bakit pati si Gael at Rye ay nasa harapan nya rin ngayon.

"Bakit hindi nyo pa sinama sina Prince at yung iba para kumpleto tayo?." Sarkastikong tanong nya.

"Easy El, sabi kasi nang gagong to" Gael pointed at Clyde. "may hahantingin daw kayo. Kaya sumama na kami ni Rye."

"Bored kasi ang mga yan..." paliwanag ni Clyde sa kanya.

"Ano na namang drama kasi ito?." Rye asked while frowning.

"We are going to look for a fugitive man." Walang kaabog-abog na sagot nya sa tanong ni Rye.

Halatang napatanga si Gael sa sinabi nya. Sa kanilang magbabarkada ito ang pinakachill sa buhay. "You mean the father of your beloved girlfriend?."

"Yes him."

"And what do we get from this?." It was Rye.

He looked at Clyde. "Kapag nahanap ko si Don Renato para kina Sandy at Nori, may chance na magustuhan ako ni Sandy. Mas makakalamang ako kay Alcantara."

"Sorry but that did not answer my question." Maktol ni Rye.

"Moral support at least?."

"Okay okay, I'm in. Kaso nahihirapan nga yung mga pulis na hanapin sya, tayo pa kaya?." Tanong ni Gael.

"We can hire some people or you know use our connection."

"Sa tingin nyo magugustuhan ako ni Nori kung mahahanap ko yung tatay nila?." Wala sa isip tanong ni Clyde. Obviously Clyde has his own reason for this. Kaya alam nyang maaasahan nya ang pinsan. Kahit naman wala itong gusto kay Nori ay kumpyansa parin syang tutulungan sya nito.

Sabay naman na nagkatinginan sina Gael at Rye. "You like his girlfriend's sister? Bakit maganda ba?." It was Rye. Hindi pa kasi nito nakikita si Nori dahil si Clyde lang naman ang nakasama nya noon nang nasa apartment si Nori. At mukhang simula nga nun ay di nito nilubayan si Nori.

"Maganda..." Clyde answered.

"Pakilala mo naman kami."

"Keep on dreaming." Sagot nang pinsan nya na nakapagpa-ismid sa dalawa.

Nakita nyang bumuntong hininga si Gael. "El, yung sinasabi mo bang Sandy Delos Reyes at Sandy Lobangco ay iisa? I still don't get it."

"It's a long story."

"And where is she right now?."

"She broke up with me."

"So kaya natin hahanapin tung tatay nya para balikan ka nya, ganun ba?." It was Rye.

"Tumpak! Kaya kumilos na tayo."

Biglang tumaas ang dalawang kamay ni Gael na para bang may bumabagabag dito.

"Ano na naman ang tanong mo Gael?!." Bakit ba kasi ang ang hihina umintindi nang mga to?!

"Did you know that I was invited for the 65th birthday of Don Roman Alcantara." Gael bit his lower lip before continuing. Mukhang pinag-iisipan kung itutuloy pa nito ang sasabihin. "I heard that they will announce also the engagement of his only son to.. to a woman called Sandy Jean Lobangco."

Natigilan si Elio. Engagement??

Ganun ba nagmamadali na magkasama ang dalawa? Paano na sya? Ano yun after break up nila kasal agad ang aatupagin nang mga ito?

Desirous Men 1: ELIO | CompletedWhere stories live. Discover now