Chapter Twenty Three

30 4 0
                                    

I yawned as I got up and stretched every limbs my body has. Taya ko, iyon na ang pinakamahaba at mahimbing na tulog na naitulog ko sa tanang buhay ko.

Pagkatapos kong magmuni-muni ay agad ko nang hinanap ang cellphone ko para i-switch iyon.

Siguro kaya mahaba ang tulog ko dahil bumawi ako sa mga gabing wala akong tulog at puyat sa karereview. Maybe the reason why I'm sound asleep is I turned off my phone in order to stop myself from being anxious as I close my eyes.

Napalunok ako nang sunod-sunod ang pagpasok ng mga messages sa walang tigil ng pagtunog ng phone ko. It only means two things: it will either bring bad or good news.

They might send me a congratulatory message or comforting words or a cheer up message. However, I don't need the latter, hindi naman iyon effective at hindi makakatulong sa akin. In fact,  it will only make me feel worst because not everyone wants to be pitied.

Pumikit ako at huminga nang malalim bago tignan ang mga iyon. I scanned every message and I felt relieved that it was all congratulatory messages. I passed the CPALE. Nakakatawa lang dahil mas naunahan nila akong malaman ang resulta  kaysa sa ako mismong taker.

I am happy, but it's not level of happiness that can be compared when someone induced a morphine. It's because I manifested it and I think I deserve all of it because of my hard work. Iniyakan ko nga lahat ng subject. I even ugly cried when I hardly passed that subject I mentally cursed.

Isa pa doon ang pag-check ko almost every five minutes ng blood sugar ko isang oras bago ang exam. I'm paranoid and I needed to make sure that it's neither low nor high. Ayaw kong maging light headed in the midst of the exam at masayang lang lahat ng pinaghandaan ko. After that, my fingers showed how bruised they were after pricking them multiple times.

Natawa na lang ako bigla nang sa pinakadulo ng mga iyon ay nakita ko ang mga pangalan ng mga kaibigan ko. Sila ang naunang bumati sa akin at hula ko ay hinintay talaga ang maghating-gabi para tignan ang resulta. I typed my replies to my friends. Nagpapalibre sila sa akin samantalang nasa Manila sila. Sila Reva lang at Asher ang nandito.

Tumingin tingin pa ako sa ibang messages. Mostly are from my batchmates and some of my acquiantances. Mamaya ko na lang sila ime-message. Madali namang pekehin na kagigising ko lang ng mga bandang tanghali.

Natitigilan ako sa ilang mga messages na galing sa mga ilang company. They were really fast in recruiting new passers of CPALE.

Hindi pa ako nag-reply sa kanila dahil pag-iisipan ko pang mabuti kung saan ako karapat-dapat na magtrabaho. I cannot act impulsive when my future depends on my decision.

Nagtungo rin ulit ako sa Messenger para tignan ang mga messages. I heart reacted every congratulatory messages I received and even thanked them. Nawala ang katamaran ko at ginanahan na makipag-interact dito sa Messenger dahil hindi magastos sa load.

I scanned all the other messages but stopped to send my message to my review buddies. Masaya ako na sa kabila ng paghihirap at luha na nailabas namin pati na rin ang sakit ng ulo, it was definitely worth it.

Bumalik na ulit ako sa pagtingin ulit ng messages at natigilan nang makita ng mata ko ang isang specific message galing sa isang taong kilala ko at naging ka-close ko. I even have to blinked my eyes several times para makumpirma kung totoo ba ang nakikita ko o namamalikmata lang.

That's just a simple congratulations but it affected me in a way that stilled me and almost stopped me from thinking rationally.

Why?

And he unblocked me, huh. Kailan pa? Hindi ko na kasi matandaan dahil hindi ko na siya naiisip pa.

Baka ginagawa niya lang ito para makipag-ayos kung iniisip man niya na may hidwaan sa pagitan namin dahil sa nangyari, pero wala naman talaga. It's not a big deal to me now. He must be thinking that he's quite unfair before, well, he was pero wala na akong pakialam. O baka naman mamamatay na siya kaya nagdesisyon siyang i-contact ang mga naging malapit sa kanya.

The Lost Helianthus (COMPLETED)Where stories live. Discover now