ibon

17 4 0
                                    

Sa bawat pag galaw nang mga pakpak, sa bawat araw na paglipad sa kalangitan. Sa bawat sandaling sinusulit ang kalayaan, kakaibang pakiramdam ang maaring maramdaman.

May laya na dapat i pag malaki,
lawak ng kalangitan na wag isantabi.
Hangin patungong himpapawid,
kasing tayag ng bunok na matarik.

Sa pag lakbay sa isang malawak na lupain,
pagmasdan ang mga magagandang bagay na ibinigay saatin.
Dahil di mag tatagal ay lahat nang ito ay masisira lang din,
sulitin ang bawat sandali, lumipad nang malaya sa himpapawid.

Napapagod man ay di titigil,
Sa pag lalakbay ay hindi titinag.
dahil kailangan kong makita ang isang paraiso,
Na matagal ko nang pinapangarap

Ngunit tila ako'y nabulag nang aking pangarap,
Unti-unti akong naligaw patungo sa lugar na aking pinapangarap.
Hindi ko namalayang sa sobrang taas nang aking paglipad ay diko na makita ang daan na aking tinatahak,
masyado akong nabulag nang mga pantasya na nabuo sa isipan ko.
Ngayon ay tila nawawala na ako,
malayong-malayo sa lugar na inaasahan ko.

--
-Ryan

unstableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon