ulan

109 4 0
                                    

Ulan, Ulan
Kelan ba titigil?
Ang pag patak mo,
sadyang ayaw papigil

Ulan, Ulan
Nakikiramay ka rin ba?
Sapagkat dala mo ang lamig
at poot na aking dinadala

Ohh ulan, ako ba'y ramdam mo?
Sapagkat tulad mo
Ayaw mag pa-awat
nitong puso ko

Malakas na ulan
ako'y damhin mo
gusto ko sayo'y mag paka basa
para sabay tayong mag hilom

Kay bigat nga ba ng dinadala mo?
oh ulap na mag bibigay ulan
pero alam nating dalawa,
na dapat kang tumila at matuto

Sabay ng pag sikat ng araw,
lalabas ang tunay na kulay
isang bahag-hari
na nag bibigay buhay

kasing ganda ng dapat na sayo
ang bahag hari na dala mo
kailangan mo lang kayanin
ang matinding bugso

---

unstableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon