lamig

29 4 0
                                    

Pagmamahal na kay pait,
Bakit saakin kumapit?
Hagkan ka gusto ay kay lapit,
Ngunit nararamdaman ko ngayon ay sakit.

Mapaglarong tadhana,
Sa akin pa tumama.
Ako'y nagmamakaawa,
Nawa'y itigil na ang larong ako lang ang kawawa.

Yakap ang tuhod,
Pilit na itinutulog.
Panaghoy ay 'di maiwasan,
sa biglaan mong pag lisan.

Akin mang pilitin,
Na ibahin ang daang tatahakin,
Ngunit kahit ang daan ay baliktarin,
Sayo'y babalik at babalik pa rin.

Hindi alam ang gagawin,
Pero sana ay palarin
Dahil kahit anong gawin,
Ikaw parin ang gustong makapiling.

-

-Luna

unstableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon