Chapter 65:💀Kasunduan💀

Start from the beginning
                                        

"Kita mo iyan?" turo naman ni Red sa kalangitan "Kahit umuulan, maliwanag parin ang kalangitan diba? So, it means may liwanag! May pag-asa kami!"

"Pag-asa maka-takas sa potaena lugar na ito!" dugtong ni Miaka

"Pag-asa maitakas sa mga kamay niyo ang mga studyante matagal ng nakakulong rito!" dugtong rin ni Ross

"Pag-asa maisuplong sa mga pulis at kawani ng pamahalaan ang mga illegal na ginawa ninyo pagkulong sa mga estudyante rito!" nakangisi ko rin dugtong saka tinignan ang mga kasama

"Pag-asa maisawalat ang katotohanan ng Lagrimas na ito." dagdag din ni King habang nakangiti nakatitig sa akin na nasa likuran ko

"Pag-asa ipa-alam sa masa na hindi pa kami patay!" segunda ni Zach

"PAG-ASA MAPATAY KITANG HINAYUPAK K—"

"HEP, HEP!"

"HOY!"

Sabay sabay na sigaw ng mga kasama ko dahil sa balak pa yata sugurin ni Brian ang Tagapangasiwa para lang mapatay nito ngayon. Mabuti ay agad na nahawakan ni Ross ang braso ni Brian na bumabalak na sumugod sa mga Opisyales

"Bro, Tagapangasiwa iyan. Wala tayong laban diyan kaya chillax ka lang~" natatawa pigil ni Ian kay Brian

"Huwag masyado high blood." natatawa segunda rin nila Natha

Pero natahimik uli ang lahat dahil sa nag-salita na naman ang Tagapangasiwa

"Really? May kumakalat na ba ng sakit na KA-HAMBUGAN sa mga higaan ninyo? Kaya pati ang mga istilo niyo ay masyado ng nagma-mataas na para bang virus na madali kumalat, kaya lahat kayo ay akala kung sino. Kung gayon... AKO na ang magsa-sabi sa inyo na AKO ang gamot sa mga sakit ng inyong Ka-hambugan, AKO mismo ang papatay at mag-aalis sa mga sakit na nasa katawan niyo." madilim na sabi ng Tagapangasiwa

"Kahit mai-alis mo man sa katawan namin ang sakit na sinasabi mo ay hindi mo pa rin mai-aalis sa mga katawan namin ang pagkaka-isa namin." seryoso sabad ni Lyon saka hinawakan ang kamay ng mga katabi niya, na ginawa rin ng iba

Pagkatapos ay ipinakita sa harapan ng Tagapangasiwa ang makaka-hawak nilang kamay na para bang isa silang Team na handang magtulungan sa isa't isa, na handang magdamayan at sama-sama sa lahat ng pagsubok na dadaanan nila. Napangiti ako dahil sa sabay-sabay silang nagkahagikhikan na parang ipinapakita nila sa Tagapangasiwa ang isang kahalagaan ng PAGKA-KAIBIGAN na wala sa kanya

"Alam mo ba kung bakit ako umalis sa grupo mo?" tanong ni Clint sa Tagapangasiwa "Dahil sa kanila ki lang nakita ang importante ng pagka-kaibigan, ang kulay ng samahan at ang pagma-mahalan na namumutawi sa mga Crownian at sa grupo ni Kishie. Sa kanila ko lang nakita ang tunay na kahulugan ng 'Kaibigan' na kahit minsan ay hindi ko nakita sa grupo mo, tagapangasiwa..."

Kita ko ang pag-yukom ng kamao ng Tagapangasiwa na para bang ayaw ang nakikita, at ayaw ang naririnig lalo na ng makita nito ang pag-ngiti ng matamis ni Clint kila King at Red

"Ibinigay ko ang lahat sayo, Clint. I.bi.ni.gay.ko." nanggigil na bulong ng Tagapangasiwa saka matalim na tinignan si Clint "Lahat ng kagamitan at kapangyarihan meron ka ay ako ang nagbigay sayo no'n dahil itinuring kitang malapit na kaibigan, Clint. Maging ang trono mayroon ka ngayon ay ako ang nagbigay sayo, alam mo... A.LAM.MO... Alam mo na sa lahat ng Opisyal na kasama ko dito ay ikaw lang ang bukod-tangi malapit at nakaka-intindi sa akin! Tapos bigla ko malalaman ay pinag-taksilan mo ako, pinag-taksilan mo ako dahil lang sa mga walang kwenta studyante na iyan! Nakuha mo pang ipagpalit ang trono meron ka para lang sa mga hayo—"

"Nakaka-boring kana kasi, puro nalang papeles ang pinag-uusapan natin. Tulad ngayon, sa tono palang ng malamig mong boses ay ina-antok na ako." putol ni Clint saka humikab pa na parang ina-antok sa kausap "Saka hindi mo ako tinuring na kaibigan noh, tinuring mo lang ako ng mahalagang materyales. Binigay mo lang ang trono iyon, dahil alam mong isa rin akong susi sa kapangyarihan mo dahil nga sa malapit ako sa mga alaga kong Tigrez. May nakukuha ka lang benepisyo sa akin, kaya mo ako dinala sa TRONO tinutukoy mo. Pero nagtanong ka ba sa akin? Tinanong mo ba sa akin kung gusto ko iyon? Kung iyon ba ang klase ng samahan gusto ko? Kung iyon ba ang pagka-kaibigan na gusto ko? SHIT! Never mong tinanong sa akin iyon, kahit nga kalagayan ko hindi mo nakuha itanong! Kung okay lang ba ako? Kung malungkot ba ako? Kung may problema ba ako? Damn! Never kang nag-tanong sa akin, tapos isu-sumbat mo sa akin ang mga ginawa mo? Tapos sasabihin mo sa akin na tinuring mo ako kaibigan? Iyon ba ang meaning sayo ng Friendship ah? O baka Friendshit!"

☠️Demons Academy☠️Where stories live. Discover now