Chapter 1:☠️Lagrimas☠️

8.4K 227 7
                                    

Welcome to Brgy. Lagrimas

~~•Kishie Pov•~

["Hey, babe. Are you sure you don't need my company? Kagagaling mo lang sa hospital, baka mapano ka uli diyan..."]

Wala sa oras na napangiti ako dahil sa pag-aalala ng boyfriend ko si Jairuz

"Nah, okay nga lang ako. Nahilo lang ako kahapon kaya pinacheck-up ako ni Manang Sonia, alam mo naman si Manang... Mas OA pa yata kay daddy." malambing ko sabi kay Jairuz

Kahit sa call lang ay alam kong hindi na ito mapakali ngayon at gusto ng umuwi ng pinas kahit kararating lang ng Japan, dahil sa nag-aalala siya sa akin na baka mapano na ako. At ito ang parte na nagustuhan ko kay Jairuz, masyado maalalahanin at maalaga kaya hindi ako nagkamali siya ang pinili ko. Dahil napaka-swerte ko sa boyfriend, bukod sa gwapo na, mayaman na, at mapag-mahal pa! He is the right man for me kaya walang dahilan na pakawalan ko pa siya

["Babe, take care. Huwag mong kalimutan isara ang pinto bago matulog ah? Baka manakawan at mapano ka diyan lalo na ay wala pa man din ako sa tabi mo. I have to go..."]

"Sige na! Bye Jairuz, ingat ka diyan ah? Bye-bye! Muah, muah, muah!" nakangiti ko sabi

Narinig ko naman na napahagikhik siya na parang kinikilig na naman ang gwapo kong boyfriend kaya natawa ako

["Silly, ikaw ang mag-ingat diyan, osige. Bye na rin, muah!"]

Base sa boses palang ng boyfriend ko alam ko namumula na ito ngayon at pinipigilan ang sarili huwag kiligin habang kausap ako sa cellphone

"Uy, ibaba mo na." natatawa ko kausap sa kanya sa cellphone

["No, ikaw na...]

"Geh, bye! Ingat, muah!" ngiti ko sabi saka ipinatay na ang tawag

Nakangiti ipinatong ko ang cellphone sa glass table bago sinimulan basahin uli ang libro binabasa ko na naudlot kanina, habang nagbabasa ay hindi ko maiwasan mahina mapatili dahil sa ka-sweetan ni Jairuz

*Kring Kring*

Kunot noo napatingin uli ako sa screen ng cellphone ko nang mag-ring uli iyon, pero sa pagkakataon ngayon ay hindi na si Jairuz ang tumatawag kundi si...

Ate Sheila calling...

Ibinaba ko naman ang libro binabasa ko at nagtataka kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa glass table

☠️Demons Academy☠️Where stories live. Discover now