Chapter 6 and 7: ☠️Hustisya☠️

3.4K 148 4
                                        

KISHIE POV

"Gusto ko ng umuwi!"

"Umuwi?" kunot- noo saka ngumisi ang lalaki may asul na mata sabay humalukipkip

"Sorry about that, young lady. Unfortunately, but it's... No turning back..."

No turning back...

No turning back...

Pa-ulit ulit na re-play sa utak ko hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili

Soon, my tears streamed down to my cheeks na kanina ko pa pinipigilan

"Give me a valid reason." King Campus uttered when he saw me crying like an little pumpkin

I answered "M-miss ko na ang pamilya ko... Si Jairuz, R-red, P-papa—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsimula na ako nagpasinok-sinok sa tindi ng pag-iyak. Ito ang ayoko sa lahat, ang umiyak sa harapan ng ibang tao kaya todo ang punas ko sa luha ko at nanalangin na sana tumigil na ang unlimited kong luha

Tahimik na nanonood lang sa ka-dramahan ko ang Crownian Officer hanggang sa maglakad na ang King Campus papunta sa isang cabinet dito sa Crownian Office na parang may kung ano ang kukunin doon

"Siguro alam mo naman na bago ka makakalabas dito ay dadaan ka muna sa butas ng karayom..." maya-maya ay sabi ni King Campus habang may kung anong hinahanap sa cabinet

Sisinghap-singhap tumango nalang ako

"So, napaisip ako. Let's play a game..." sabi ni King Campus bago nakangisi humarap sa akin

Nagka-tinginan naman ang ibang Crownian sa sinabi ng lalaki may asul na mata hanggang sa sabay-sabay na napangisi sila na parang may napagkasunduan gamit lang sa mata na tanging sila lang ang nakakaintindi

"G-game?" I asked habang sumisinghap na pinunasan ang mga luha ko

"A Dark Game..." sabay-sabay na sagot nila

Napapitlag naman ako sa gulat nang may bigla ibinato na kung ano ang King Campus sa akin kaya agad na sinalo ko ang sangkaterba susi na ibinato niya bago nagtataka napatingin sa kanya.  Ano ang gagawin ko dito?

"As far as I remember ay 560 key iyan, kailangan mong hanapin ang isa sa mga susi diyan para makalabas ka ng Campus." sabad ng isa sa mga Crownian Officer na chinito at halatang may lahi

"Yes, It's for you to find out the key of this Campus, all you have to do is seeking for the exit. So, goodluck." Segunda ng Prince Campus na nasa likuran ko

"The Game is now start." sabi lang ng King Campus saka tumingin sa relo suot niya "You only have 20 minutes."

"Medyo maulan na sa labas kaya kung ako sayo dalian mo kung ayaw mong maabutan ka ng ulan." nag-aalala sabi naman ng isa sa mga Crownian Officer na halatang pinakamabait sa pito

Napatitig ako sa hawak na sangkaterbang susi saka ngumiti, makakaya ko ito... magagawa ko ito at makikita ko na rin uli sa wakas sila Papa at masusumbong ko na rin ang kasamaan na ginawa ni Ate Shiela sa akin kay Papa lalo na ang illegal na pagpapatakbo nila sa Campus na ito

"Good luck, young lady... It's neither a goodbye or see you again." King Campus said like he sounded like a evil master mind

So I smirked "It's goodbye."

Pagkasabi no'n ay patakbo na ako lumabas ng Crownian Office. Hindi ko pa man nakakalahati ang hallway ay nagsimula ng pumatak ang ulan hanggang sa unti-unti na itong lumakas pero imbes na  sumilong muna ay hindi ko na ginawa dahil time is ticking... 20 minutes lang ang meron ako kaya mahalaga para sa akin ang bawat segundo

☠️Demons Academy☠️Where stories live. Discover now