Between blood and water
JULIUS POV
MAHIGIT— limang oras na ako nandito sa hideout ni Professor na nasa loob ng kung tawagin nila ay "Gang House" na para sa akin ay hindi naman nakakatakot...
Ang hideout ng Prof. Jade na ito ay nasa pagitan lang naman ng Crownian House and Phoenix House—pero ang hindi ako makapaniwala dito ay nandito na sa loob ng hideout na ito ang iba't ibang klase patalim pero MAS HINDI AKO MAKAPANIWALA nang hawakan ni King ang kamay ko ngayon hababg natutulog siya na para bang ayaw niyang bitawan...
Kung hindi lang kay Scarlet at kung 'di lang din ito nanghihina ay kanina ko na sinapak ito.
Wala sa oras na napakurap-kurap ako dahil ang putragis ay hinalikan ba naman ang kamay ko, kaya hindi ko maiwasan mangilabot at mandiri sa ginawa niya
"I love you Kishie..." sambit pa ng mokong and then he kissed again my hand "I love you..."
So, anong akala niya sa kamay ko? Si Scarlet? Kung upakan ko kaya ito para malaman niya na hindi kamay ng binibini ang hinahawakan niya kundi kamay ng isang sanggano katulad niya na may dalawang eggnog!
Tila nang-aasar pa yata sa akin ang kapalaran dahil hinila ba naman ng mokong na ito ang kamay ko kaya ang ending ay nasa itaas ako ng mokong na King na ito
"Mahal kita, Kishie..." Sambit pa ng gago sa akin
Akmang uupakan ko na sana ang mukha niya pero nagkataon naman na nagbukas na ang mata ng gago
"Kishie, bakit paran—" napatigil si King habang minamasdan ang mukha ko—nang magkataon siguro na lumiwanag na ang paningin niya at maaninag na ako ang nasa itaas niya at hindi si Kishie ay —Nanlalaki ang mga mata tinulak niya ako papalayo sa kanya "THE FVCK JULIUS!"
Napaupo naman ako sa sahig sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin. Kita ko naman na hinila niya ang kumot at tinakpan pa ang katawan ng tukmol na parang ako ang nangrape sa kanya, eh samantala siya ang muntikan ng pagsamantalahan ang pagkalalaki ko!
"W-WHAT YOU'RE DOING HERE?!" utal pa ng sigaw ni King sa akin "ANO BALAK MO GAWIN SA AKIN? BAKLA KA BA JULIUS?!"
Aba't—tarantad0! ako pa ngayon ang naging masama at ginawa pang bakla
"Huwag ka pavictim dito King dahil ako ang biktima dito sa katarantaduhan mo." nakasimangot ko sabi sabay punas sa kamay ko sa kumot niya dahil kitang-kita ko pa ang laway sa kamay ko "YUCK!"
Kumunot naman ang noo ni King sa ginawa ko dahil hindi niya siguro alam na hinalikan ba naman niya ang kamay ko
"Pinabantay ako ni Scarlet sa iyo." sabi ko saka nandidiri inamoy pa ang kamay ko kung may amoy laway pa "May alcohol ka ba diyan?"
Imbes ba sagutin naman ang tanong ko ay tanong din ang binato ng tukmol "Saan siya pumunta?"
"Sa Tagapangasiwa, binigay niya lang namab iyon lumang mapa sa kany—"
Sa punto ito ay pareho kami napatigil dahil iisa lang ang sumagi sa isip namin
"Si Kishie!"
"Si Scarlet!"
Magkasabay na sigaw namin nang marealize na mapahanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik dito saka pareho kami napatayo
"Ilan oras na siya hindi bumabalik dito?" tanong ni King
"Mga nasa limang oras na." sagot ko
Baka ano'ng ginawa na ng Tagapangasiwa kay Kishie!
"Tawagin mo ang mga Crownian at sabihan sila na sumabay sa akin papunta sa office ng mga Opisyales."
YOU ARE READING
☠️Demons Academy☠️
Mystery / ThrillerDEMON's ACADEMY isang skwelahan na maganda, maayos,may respeto at magalang---Sa Paningin ng lahat... Subalit sa loob ng apat na sulok ng Campus ay naroroon ang katotohanan.. na walang respeto, masama, mahina, patayan at matagal nang nasasaktan ang m...
