Chapter 62: AS ONE

Start from the beginning
                                    

“Pakiban ang dalawang yan at huwag papapasukin dito sa loob…” saad nun nurse bago umalis.

“Wait, you can’t do this to me. I am a SY!”

“SY ka lang, MONTENEGRO ako, hoy!” si Pam.

Hinila kami papalabas sa hospital samantalang yung tatlo ay kumakaway lang sa amin, wala man lang balak na tulungan ako.

“It’s your fault…”

“Kung hindi ka nagpunta dito, wala sanang gulo…”

Kahit siguro saan kami magpunta o magtagpo, mag-aaway at mag-aaway kaming dalawa. Ever since nung mga bata pa kami, hindi na kami magkasundo. Si Jireh nga iniintindi na lang kami.

“Did my brother said that to you, na batayan kami?”

Nabigla ako ng sumeryoso ang mukha nya. Yun ang gusto ni Jireh para hindi na daw madamay ang kapatid nya at mga kapatid nito.

“After his birthday, wala na kaming balita sa kanya. Hindi nga naming sya ma-contact o malaman kung nasaan sya but if he said that to you, sa tingin ko okay lang sya…”

Naandoon din ako nung birthday party ni Jireh pero hindi ito nagpakita sa lahat. Humingi na lang ng paumanhin ang parents nya sa nangyari at pilit na itinago ang gulong yon.

“Hindi ko alam kung anong gulo ang pinasok ni Jireh but he’s been through a lot at alam kong may dahilan sya sa lahat ng ito.”

At sana tama ako…

DYLAN POV

Ang sama talaga ng taon na ito para sa akin, ano bang kasalanan ang ginawa ko at pinapahirapan ako ng ganito.

“Here” saka ipinatong ni Noah yung ulo ni Haruna sa balikat nya.

Kulang na lang talaga langgamin sila, bakit ba ako kasama ng mga ito? Kung hindi dahil kay Bloody Maria, wala sana ako dito ngayon eh.

Tanda ko pa noon nung halos magpatayan na ang gang namin at ang Death Monarch dahil sa gang war tapos ngayon, naandito ako sa byaheng ito kasama ang mga taong nagtangkang patayin ako.

Kasalanan ito ito lahat ni Lyra.

Mamamatay na ako sa loob ng van na ito, hindi ko makausap si Noah at Haruna dahil para silang may sariling mundo na dalawa at si Eiji naman, parang ayaw akong kausapin.

Kanina pa sya hindi nagsasalita.

Lumipat ako sa tabi nito at kinuha yung bag ko, mas ok ng kausapin sya kesa dun sa dalawang yun noh.

“May tinapay ako gusto mo? Snacks? May drinks din…” bulong ko kay Eiji.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now