Chapter 20

81 14 2
                                    

Delavina Elleanor Salvedo

"Why am I not informed na kasal na pala ang best best friend ko!?" Tanya yelled the moment she entered my office here in the restaurant. Halos takpan ko na ang tainga ko nang dahil sa lakas ng boses niya.

"Ang aga-aga, nambubulabog ka" Biro ko.

Nahinto siya sa pag-upo sa harap ko, she exaggeratedly gasp and dramatically held her chest with mouth parted and eyes widening.

"Oh em gee? Tama ba ang narinig ko? Sayo?" Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat saka sinuri ang kabuuan ko, "You never talked to me like that, sure ako, hindi ikaw ang best friend ko, sino ka?" Nagtakha ako nang itaas niya ang kamay sa noo ko, "Hoy, masamang espirito, lumayas at lisanin mo ang katawan ni Delavina Elleanor Salvedo-ah! Hindi na pala siya Salvedo, De Vensillia na pala—"

"Tanya!" I screamed her name, sigurado ako, kasing pula na ng kamatis ang buong mukha ko.

Humalakhak siya, umayos siya ng tayo saka umupo sa harapan ko.

"First and for most, hindi ako nandito para mambulabog, I am here to have make an interview"

Nag-iwas ako, I pretended to be busy. I knew this was coming, that's why I also came here with prepared answers.

"First question! In the next five years, what do you think about having a child with Phoenix?" She extended her arms with closed fist, as if she was holding a microphone.

Tumalim ang tingin ko sakaniya, "Tigilan mo ako, Tanya"

"What a nice answer! 'Tigilan mo ako, Tanya'," She sarcastically mocked with matching ugly faces, "Girl! Question and Answer 'to, hindi gan'yan ang tamang sagot"

"Eh, ano ba?"

"Gan'to dapat. Thank you for that wonderful question, Ms. Tanya-maganda, I think it would be great to have at least three children with my husband-Phoenix, I would love to have a big family with him, he's very caring, handsome, and has a big—"

"Tanya!"

"—Heart, and I, thank you. Gano'n! At, heart kasi 'yon!"

The image of his noticeable bulge in his middle part last night came into my mind. Halos hindi na nga ako patulugin ng imahe na 'yon, and now Tanya's words are bringing it up. If a tomato could see my red face, it will probably tell me that I can already replace her as a tomato.

Dumapo ang dalawang kamay ko sa mukha, mas lalo lang akong namula nang mapang-asar na tinignan ako ni Tanya.

"Huy! Big ba ang ano?"

"H-Huh?"

"Yung ano!"

"A-Anong ano?"

She chuckled, "Ano..."

Tinanggal ko ang pagkakatakip ng dalawang kamay sa mukha at tinaliman siya ng tingin.

"Big ba ang—"

"Tanya, hindi ko alam, hindi ko pa naman nakita!"

"—Heart?"

Her laughter roared the whole office, gusto ko nalang magpalamon sa lupa sa kahihiyan. Paano naging berde ang utak ko? Hindi ko alam.

"Patapusin mo muna kasi ako! Ano? Malaki ba ang heart ni Phoenix?"

"H-Hindi ko alam, h-hindi ako Doctor para makita ang puso niya" I said, stuttering.

"Alam mo, there's a psychology facts, they say that when a man has a big heart, they also have a big—"

"Lumayas ka na nga dito, Tanya, puro kahalayan ang lumalabas sa bibig mo" I cut her off.

Passionate SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon