Chapter 3

172 28 5
                                    

Delavina Elleanor Salvedo

Sa tanang buhay ko ay hindi ko kailanman naisip na dadating ang araw na masasaktan ako ng sobra at ang pamilya ko pa mismo ang dahilan.

My Mom reached me out 3 days ago but she didn't even told me about the event, she didn't invite me. Kahit na alam ko sa sarili ko na tatanggihan ko ang imbita niya ay nakaka-tampo at ang sakit parin na hindi niya manlang ako inimbita o sinabihan manlang.

Mapait akong ngumiti sa pamilya ko na masayang nagk-kwentuhan sa table nila, tapos nang sumayaw si Dad at Ate Dasha, siguro ay mga napagod na.

Pinunasan ko na rin ang basang pisngi ko dahil sa mga tumulong luha, dapat ay maging masaya nalang ako para sa pamilya ko dahil nagagawa nilang maging masaya kahit na hindi nila ako kasama.

I came here to relax and not to have a drama and be emotional. I sighed and left before anyone of them could see me.

Nang tuluyan na akong makalabas sa open area ng rooftop ay agad akong tumungo sa paborito kong spot dito na kung saan ay medyo malayo sa tao, nasa bandang gilid ito ng rooftop at hindi gaanong napupuntahan ng mga tao.

May swimming pool, mini playground, at star gazing area dito sa rooftop ngunit hindi naman na gaanong matao dahil may oras din naman ang pwede maglaro sa playground.

Habang papalapit ako sa favorite spot ko ay may napansin akong isang bulto ng lalaki. Malaki at makisig ang katawan nito, medyo madilim ang part na ito kaya hindi ko pa makita ng maayos ang itsura niya.

He is holding a cigarette in his right hand's finger while his elbows are resting on the railings. Oh? P'wede na pala manigarilyo dito ngayon?

Out of curiousity ay nilapitan ko siya.

"Excuse me? Don't you know that smoking is not allowed in this building?" Matapang na pagkausap ko rito habang naglalakad papalapit sakaniya.

Pansin ko na bahagya siyang napalingon sa gawi ko, and somehow, his side profile was kind of familiar to me. Nilagay nito ang sigarilyo sa pagitan ng bibig, humithit ito ng isa at saka maangas na ibinuga ang usok sa hangin bago walang pagaalinlangan na pinitik ito sa ere dahilan para mahulog ito sa ibaba.

I gasped and frowned because of what the guy did.

"Hey! Why did you do that!? Hindi mo ba alam na nagkakalat ka!? Hindi mo ba alam kung paano magtapon sa tamang basurahan!? What if may matamaan kang tao sa ibaba!? What kind of a person you a—" Nabitin ang sasabihin ko nang bigla nalang itong humarap sakin, at sa hindi malamang dahilan ay muling tumibok ng mabilis ang aking puso nang magtama ang aming mata.

Siya nanaman!? Bakit ba ang lakas ng trip sakin ng tadhana ngayon!? Una, nagkita ulit kami ng lalaking 'to kanina sa loob ng elevator, napahiya ko nanaman ang sarili ko sakaniya. Pangalawa, 'yong sa pamilya ko. Tapos ngayon, siya nanaman!

"I-Ikaw nanaman?" Pilit kong pinatapang ang boses ko dahil tila nawala bigla ang katapangan ko samantalang kanina ay ang lakas ng loob ko itanong kung sino siya at pagsabihan siya.

Matiim siyang nakatitig sakin nang biglang umihip ng malakas ang hangin, dahilan para maamoy ko nanaman ang napaka bango niyang amoy. Halos mapapikit pa ako sa bango niya, gan'tong amoy ang gusto ko sa isang lalaki, hindi masyadong matapang at napaka manly, nakakapang-akit.

Shit, ano nanaman ba 'tong mga iniisip ko? Ito nanaman ang nararamdaman ko, para nanaman akong nawawala sa sarili dahil kaharap ko ang lakaking 'to na hindi ko naman kilala. Sino ba kasi siya? Bakit ako nagkaka-gan'to kapag siya ang kaharap?

"Hmm? It seems like you don't like me here, huh?" His husky voice filled my ears. Para akong napako sa kinatatayuan ko nang magsimula siyang maglakad papalapit sakin. His both hands are inside his pants' pocket.

Passionate SerenadeWhere stories live. Discover now