Chapter 16

86 14 14
                                    

Author's Note: Happy New Year, everyone! May we fill our 2024 with joy and love. Enjoy reading!

Delavina Elleanor Salvedo

My heart never calmed down ever since last night. What he confessed kept me awake for the whole night, kahit pagod na pagod na ako ay hindi ko magawang matulog dahil iniisip ko ang sinabi ni Phoenix.

Ang mga mata niya ay nakatitig sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang 'yon, he sounds so serious and I could really see how honest he was. There are no hopes on his ash gray eyes, as if he just wanted to tell me what he feels towards me.

But up until now, hindi ko parin gustong maniwala, ang hirap paniwalaan. Just like how I let him kiss me for the second time is something that I just can't believe.

Nag-confess talaga sakin si Phoenix? Seryoso ba siya? 'Yon ba talaga ang dahilan kung bakit siya nag-selos kay Herald at pati kay Gabriel na kaibigan niya? He likes me, is that the reason why; everytime I look into his ash gray eyes, all I could see is an emotion that I can't name? Mga tanong na bumabagabag sa isipan ko simula pa kagabi.

Isa sa dahilan kung bakit ako nahihirapan na paniwalaan siya ay dahil sa pagiging mapagbiro niya. Palagi siyang nagbibiro about kasal at ang pagiging mag-asawa namin in the future. It is so hard to believe him since he's fond of joking things like that.

Kung gusto niya nga talaga ako, does that mean that he would try to pursue me? How can he pursue me if I am not ready to face my fear yet?

Ayaw ko pa ulit pumasok sa isang relasyon, kahit ang magpaligaw ay ayaw ko pa ulit, I am too scared to feel the same pain again.

'Tsaka, hindi ko pa rin naman lubusan kilala si Phoenix, paano kung mas malala pa siya kay Carl? By the looks of him, halatang playboy siya, naalala ko pa ang sinabi sakin ni Tanya noon, he has a lot of ex-flings before. Before? How about now? Imposibleng wala siyang ka-fling ngayon, so how come he likes me? Kung balak niya ako isali sa mga naging babae niya ay hindi na.

Maybe... he was just overwhelmed by the happiness he was feeling to the point that his happiness made him said something out of nowhere and he wasn't sure about.

Nandito ako ngayon sa office ko sa Salvedo's Restaurant since today is Monday. I am trying my best to focus on what I'm doing, kanina pa ako dito sa inventory at hindi pa ako natatapos sa ginagawa ko dahil tuwing sinusubukan ko mag-focus ay si Phoenix ang naiisip ko, lalo na ang sinabi niya at ang nangyari kagabi.

Dagdag pa na wala akong tulog kaya mas lalong hindi ako makapag-concentrate nang maigi. Malia keeps on asking me everytime she had a chance to go in my office, tinatanong niya kung ayos lang ba ako, sa tingin ko ay nahalata niya na wala pa akong tulog at napansin niya na natutulala ako.

Kasalanan 'to lahat ng lalaking 'yon! Dapat lang na sisihin ko si Phoenix. Kung hindi ba naman siya nagsalita ng gano'n at kung hindi niya ako hinalikan, edi sana kanina ko pa tapos ang ginagawa ko, edi sana may tulog ako, at hindi ako mukhang panda ngayong araw, all thanks nalang sa concealer dahil natakpan ko ang madilim na bilog sa ilalim ng mga mata ko.

Akmang magt-type na muli ako sa laptop ko nang mag-beep ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at binasa ang text. Speaking of...

Astro:
Hi :)

It was Phoenix. Nickname ko 'yon sakaniya dito sa contacts ko, I just find his second name sexy and handsome.

Going back, ano naman kaya ang na-trip-an nitong lalaking 'to at nag-text sakin?

Nagdadalawang isip pa ako kung magre-reply ba ako, ngunit tila ba may sariling utak ang kamay at mga daliri ko upang magtipa ng reply sakaniya.

Me:
What do you want?

Passionate SerenadeWhere stories live. Discover now