Chapter 11

89 17 0
                                    

Delavina Elleanor Salvedo

"My sweetie!" Salubong ni Mommy sakin nang maka-pasok kami ni Phoenix sa loob ng mansyon. Agad itong lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Marahan akong bumuntong hininga at yumakap rin.

"Hey, Mom..." Nakangiti kong bati.

Humiwalay si Mom ng yakap saka si Phoenix naman ang binalingan.

"Phoenix, hijo, thank you for fetching my daughter" Sabi ni Mommy kay Phoenix.

"No problem, Tita—"

"Oh, my handsome son! You're finally here!"

Napatingin ako gawi ng kusina nang may mag-salita do'n. Mula doon ay nakita ko ang isang magandang babae na sa tingin ko ay ka-edad lang ni Mommy, may suot itong apron na black. Parehas sila ni Mommy ng suot na red maxi dress, wala lang suot na apron si Mommy, para silang kambal.

"Ma" Phoenix said and hugged the woman— his mother. He kissed his mother's forehead and looked at me, I raised a brow on him making him smirk.

Naghiwalay na sila ng Mama niya at sakin naman ito bumaling. Nahihiya akong ngumiti dahil sa nararamdaman ko na kaba. She is not just a family friend, she is also the mother of Phoenix! Why am I feeling this? I feel like I was about to meet my boyfriend's mother!

Nakangiting lumapit sakin ang Mommy ni Phoenix. I gasped in shock when she hugged me.

Unexpected? Yes!

"I finally met you, hija!" Bago pa ako gumanti ng yakap ay humiwalay na siya sakin, "I'm your Tita Eliza"

Ngumiti ako kay Tita Eliza, "Hello po, I'm—"

"Hija, no need, I already know you," Tita Eliza giggled, "Bukambibig ka ba naman sakin ng Nanay at Tatay mo"

Parehas na natawa si Tita Eliza at Mommy. They talk about me? Si Mommy at Daddy? Ano naman kaya 'yon?

"We always tell them how beautiful, smart, and kind you are, anak" Sabi ni Mommy.

"You're so pretty, hija! Magkamukha na magkamukha kayo ng Mommy mo!" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi ni Tita Eliza.

Ngumiti ako, "Salamat po" Nahihiyang sabi ko.

Wala sa sariling napalingon ako kay Phoenix na nasa tabi ni Tita Eliza, naka-akbay siya sa Mama niya. Nang magtama ang tingin namin dalawa ay kinindatan niya ako sabay ngisi, namula tuloy ang mukha ko kaya naman ay nag-iwas nalang ako ng tingin sakaniya.

He's sweet. Halata na close siya sa pamilya niya at mahal na mahal niya ang Mama niya. Sa tingin ko ay Mama's boy siya.

"Tara, sa living room muna tayo, doon na natin hintayin ang iba" Aya ni Mommy at nanguna nang maglakad papunta sa living room, sumunod naman agad sakaniya si Tita Eliza.

Naiwan naman kaming dalawa ni Phoenix sa doorway. Nang makalayo na samin sina Mommy at Tita Eliza, bumaling ako sakaniya na masama ang tingin.

"Bakit ka kumikindat?" I hissed.

"What are talking about, Elleanor?" Talagang pa-inosente pa siya, oh!

I groaned, "Paano kung nakita 'yon ni Mommy!?"

"Edi, maganda" Sabi niya at nakangising sumunod kila Mommy sa living room. Masama nanaman ang tingin ko sa likod niya, kung nakakapatay lang ang tingin ay baka kanina pa naka-bulagta 'to si Phoenix sa lapag. Nakakainis, ang lakas niya mang-asar!

Bumuntong hininga ako at pinakalma muna ang sarili bago sumunod sakanila. Umupo ako sa mahabang sofa dahil ang dalawang pang-isahang upuan na sofa ay inu-upuan na nina Mom at Tita Eliza.

Passionate SerenadeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu