Chapter 1

260 30 5
                                    

Delavina Elleanor Salvedo

Habang nasa byahe ako pauwi ng apartment ko ay biglang kumulog. Shit naman! Mukhang uulan pa yata! Wala pa naman akong dalang payong pero ayos lang, pauwi na din naman na ako. Sana lang ay hindi ako abutan ng ulan.

Tumingin ako sa wrist watch na suot ko upang tignan kung anong oras na. 4:21pm. Kailangan ko nang bilisan makauwi para makapag-prepare ako ng surprise ko for Carl, he's my boyfriend at 1st Anniversary namin ngayon. Mamayang 7:00pm pa naman ang out niya sa work niya kaya I have time pa naman, nagmamadali lang ako dahil alam ko sa sarili ko na mabagal akong kumilos at kapag binilisan ko naman ang pagkilos ay inaatake ako ng pagka-clumsy ko.

Hindi pa ako nakakalapit sa gate ng apartment na tinutuluyan ko ay napansin kong naka-park ang motor ni Carl sa labas. May kalayuan pa ako mula dito ngunit tanaw na tanaw ko na agad ito.

Nagtakha ako. Nandito na siya? 7:00pm pa ang out niya ah? Napaaga ata uwi niya ngayon? Pero bakit? Kahit kailan naman ay hindi siya pinayagan ng boss niya na umuwi ng maaga, kahit pa importanteng bagay ang paalam niya ay hindi ito pinapayagan. Nakakapag-takha na ngayon ay nandito na siya.

Bigla akong kinabahan. Parang may nagsasabi sakin na h'wag akong pumarada sa harap mismo ng apartment, na huminto na ako at itabi muna ang sasakyan ko. Alam kong hindi ako masa-satisfy kung hindi ko ito gagawin that's why I decided to follow my instincts.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa tabing kalsada. Bumaba na ako ng kotse ko at nagmamadaling naglakad patungo sa apartment, saglit lang ang nilakad ko at nakarating na din ako.

Nasa may tapat palang ako ng gate at bubuksan ko na sana ito nang marinig kong sumigaw si Carl. What the hell!?

"H'wag ka umalis! Please!" Sa tono ng pananalita niya ay halatang may kausap siya. Sa apartment ko? Mas lalo akong kinabahan kaya naman napag desisyonan ko na makinig nalang muna.

Dahan dahan kong binuksan ang kawit ng gate para hindi ito gumawa ng ingay, para na din hindi maging aware si Carl at kung sino man ang kausap niya sa loob ng apartment ko. Nang tuluyang mabuksan ito ay agad akong naglakad patungo sa tapat ng pinto ng apartment ko. Hindi agad ako pumasok upang mag usisa muna.

"N-Niloko mo ako..." Nang marinig ko ang boses na 'yon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Shane... Carl's ex-girlfriend. Bumalik na ang taong mahal na mahal ni Carl. Actually, their relationship really didn't end up well. Iniwan lang ni Shane si Carl nang walang paalam at ilang buwan na ang lumipas na wala siyang contact dito. 2 months of no contact from Shane, Carl and I met. Doon ay nagsimula kaming mag-usap hanggang sa niligawan niya ako, sinagot ko siya and the rest is history.

If you all are wondering why I know the voice of Shane, it is because I once watched a video of Carl and Shane, they are talking about life. Aksidente ko lang nakita 'yon dahil naiwan noon ni Carl ang cellphone niya and I had this urge na pakielaman ito, at nang mapadpad ako sa gallery ng cellphone niya ay bumungad sakin ang sandamakmak na mga litrato nilang dalawa ni Shane, doon ko rin napanuod ang video na sinasabi ko na kung saan ay sweet silang naguusap.

"N-No, I did not, Shane—"

"Kaya ba nandito ka pa sa apartment niya at 1st year anniversary niyo na ngayon dahil hindi mo ako niloko!? Ang sabi mo sakin hindi mo siya mahal! Ang sabi mo sakin pinaglalaruan mo lang siya at ako ang mahal mo! Ang sabi mo sakin ako lang ang mamahalin mo! Sinabi mo sakin 'yan sa email, Carl! Anong akala mo, ha!? Na hindi ko nababasa yung mga pinapadala mo sakin na mails!? Lahat ng mga sinabi mo doon ay pinanghawakan ko, pati yung mga pangako mo na hindi kayo magtatagal pero bakit mo ako niloloko ngayon!" Sabat ni Shane na nagpaawang ng labi ko.

Passionate SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon