Chapter 4

12 1 0
                                    

Xandra

Pagtapos ng audition ay naghintay kami saglit para malaman kung sinong mga nakapasok sa club.

"Xandra sa tingin mo makakapasok ako? Syempre ikaw matik na yon kase magaling ka naman kumanta tapos anak ka pa ng may-ari ng school." sabi nya sabay tawa.

"Magaling ka din naman eh. Tsaka wag ka nga masyadong maingay alam mo naman na ayaw kong malaman ng iba na anak ako ng may-ari ng school. Alam mong ayaw ko ng nagiging mabait sila saken at nakikipagkaibigan dahil lang don." sabi ko

"Fine. Pero madami na din ang nakakaalam non ngayon kase madalas mong kasama yung kuya mo. Alam mo ba yung ibang babae na hindi alam yung pangalan mo ay iniisip na baka jowa ka ng kuya mo hahaha" sabi nya.

"Ay ewan ko ba jan sa mga yan kung ano ano mga iniisip" natawa na din ako sa sinabi nya.

Nagkwentuhan pa kami ni Ella hanggang sa pinaskil na nila sa labas ng music room ang mga nakapasok. Nag-unahan sila kaya hinayaan na muna namin. Umunti na ang tao kaya tinignan namin kung nakapasok ba kami.

Music Club New Members

1. Terence Garcia
2. Bea Marco
3. Francine De Torres
4. Ella Celine Diaz
5. Andrei Cullen Hunt
6. Xandra Ashley Ford
7. Andrea Valdez

Congratulations. We have a meeting tomorrow at exactly 3:00 in the afternoon. The meeting will be held at the Music Room. Thank you. - Club President

"Omg sis nakapasok tayo. Excited nako" sabi nya habang yakap ako ng mahigpit.

"H-hoy teka d-di ako makahinga" nahihirapang sabi ko kaya agad naman siyang bumitaw.

"Hala sorry. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nya.

"Okay na haha. Grabe naman pag ka excite mo ansakit non ah" natatawang sabi ko.

Nginitian niya lang ako. Naisipan ko nang umuwi dahil wala na din namang klase.

"Ella uwi nako wala na din namang klase." paalam ko.

"Ang aga pa naman Xandra. Tara punta muna tayo sa mall. Shopping tayo. Pleaseee" excited na sabi nya.

Hindi ako mahilig magshopping pero dahil wala akong magawa ay pumayag na din ako. Gusto ko din bumili ng konting damit kase minsan lang naman ako gumala sa mall hahaha.

"Sige. Wait paalam lang ako kay kuya." sabi ko at tumango naman sya. Tinawagan ko na si kuya para mag paalam.

Calling Kuya...

Dalawang ring lang ay sinagot niya agad yon.

"Kuya?"

[Why baby?]

"I'm going to the mall"

[Sino kasama mo?]

"I'm with Ella. We'll just buy some clothes."

[Alright. May pera ka pa ba?]

"Yes Kuya." nag-iipon ako kaya meron akong extra na pera. Isipin mo yon anak ako ng may-ari ng school pero nag-iipon ako hahaha.

Hindi lang talaga ako palagastos kaya iniipon ko yung nga natitirang pera ko.

[Okay. Take care.]

Binaba na nya ang tawag dahil mukhang may ginagawa ata siya. Yinaya ko na si Ella para makauwi din kami agad. Pagdating namin sa mall ay hinigit nya agad ako papunta sa forever 21. Sabi ko na nga ba mapapagastos ako dito hahaha. Ayaw ko pa naman gamitin yung credit card ko. Nevermind minsan lang naman to.

First LoveWhere stories live. Discover now