Chapter 3

13 1 0
                                    

Xandra

Medyo nalate ako ng gising ngayon dahil nahirapan nga ako makatulog kaya binilisan ko na maligo dahil baka iwan ako ni kuya.

I'm wearing a black track pants,white shirt and my white shoes. Pagbaba ko ay nagsisimula na silang kumain kaya binilisan ko na.

"Tara na Xandra." kuya.

"Okay. Bye Mom and Dad." at hinalikan ko sila sa pisngi

"Take care" Mom.

Mabilis lang ang naging byahe namin papuntang school. Pagdating ko sa room ay buti nalang wala pa yung teacher. Umupo ako sa tabi ni Ella at binati sya.

"Good morning.Kanina ka pa?" tanong ko.

"Oo" sagot nya. "Bakit antagal mo naman? Di ka naman nalalate ah"

"Nalate kase ako ng gising e" sagot ko.

"Huh? Di ka naman nagpupuyat ah? May iniisip ka kagabi noh?" pang-aasar nya.

"Nakakainis kase. Ala una ng madaling araw may tumawag saken na unknown number tapos ang sabi nya saken i miss you so much. Naiinis ako kase kulang na yung tulog ko iniisip ko pa kung sino yon." inis na sabi ko.

"Wao naman sino naman kaya yon. Di mo ba nakilala sa boses?" curious na tanong nya.

"Hindi nga eh nakakainis."

Dumating na yung teacher kaya di nya na dinugtungan yung sinabi ko. Bago matapos ang klase ay sinabihan kami ng teacher namin na kailangan na naming pumili ng mga club mamayang hapon. Every year kase pwedeng magpalit ng club.

LUNCH

"Ella sasabay ka ba samin ng lunch?" tanong ko.

"Hindi na muna sis. Kakain daw kami sa labas nila mommy eh." sagot nya.

"Alright. Take care." tumango naman sya at umalis na.

Mag-isa akong pumunta sa cafeteria habang tinetext si kuya.

To: Kuya
Kuya sabay ba tayo ngayon maglunch? Nandito nako sa cafeteria.

From: Kuya
May kasama ka ba? Wait lang susunduin ko lang girlfriend ko. Kasabay natin sya.

Buti nalang hindi sasabay samin si Ella ngayon. Panigurado masasaktan lang yon pag nakita nya na magkasama si Kuya at Ate Tin.

To: Kuya
Wala akong kasama. Bilisan mo kuya hahaha. Miss ko na si Ate Tin.

From: Kuya
Alright.

Excited nako makita ulit si Ate Tin. I really miss her. Di na kase sya masyadong pumupunta sa bahay kase busy daw sya. Maya maya pa ay nakita kong paparating na sila. Tumayo ako at sinalubong ng yakap si Ate Tin.

"I miss you Ate Tin." sabi ko habang yakap ko sya.

Natawa naman sya at niyakap din ako pabalik.

"Buti pa sya miss mo" bulong ni Kai.

Nasa may gilid ko pala si Kai di ko agad napansin. May binulong sya pero hindi ko naintindihan or baka hindi naman talaga sya bumulong? Nevermind basta masaya ako ngayon.

"I miss you too Ash" sabi ni Ate ng nakangiti

She's the only one who call me Ash na kaclose ko. Well i don't mind kung anong gusto nya love ko naman sya e hahaha. Sya yung pinaka nagustuhan ko sa lahat ng naging girlfriend ni kuya kase sobrang bait nya tapos ang sweet nya hahaha.

First LoveWhere stories live. Discover now