Chapter 5

5 1 0
                                    

Xandra

Habang nasa sasakyan kami ay naisipan kong itanong kay Kuya kung saan ang lakad namin.

"Kuya saan daw tayo pupunta?" tanong ko.

"Di ko din alam eh. Baka papakilala nanaman tayo sa mga business partners nila. Sana naman wag nila maisipan na gawin yung fixed marriage." inis niyang sabi.

Ayaw ni Kuya kapag sinasama kami nila Mom sa gatherings tapos ipapakilala kami sa mga business partners.

"Sana nga." sabi ko at tumahimik na.

Binuksan ko yung phone ko para idm si Ella. Hindi niya kasi masyadong ginagamit yung facebook niya kaya sa instagram nalang. Bago ko idm si Ella ay nakita ko na may message si Drei kaya nireplyan ko muna ito.

dreicullen: Hi.

fordxandra: Hello.

Pagkareply ko ay si Ella naman ang minessage ko.

fordxandra: Ella may lakad ba kayo later?

ellacelinediaz: Meron. Parang hotel ata tapos kailangan kasama family.

fordxandra: Really? Sana parehas tayo ng pupuntahan. I really hate those things. Ang boring.

ellacelinediaz: Sana nga hahaha. Bye na. Kakain muna ako. See you later kung parehas man tayo ng pupuntahan.

Natawa naman ako sa reply niya. Di ko na nireplyan. Papatayin ko na sana yung phone ko pero nakita ko na nagreply si Drei.

dreicullen: Sayang hindi kita nakausap kanina. Umalis ka kasi agad eh.

fordxandra: May lakad kasi kami eh.

dreicullen: Boyfriend mo ba yung sumundo sayo?

Hindi ba talaga kami magkamukha ni Kuya? hahaha. Asarin ko nalang muna mukhang di naman siya madaling maniwala eh hahaha.

fordxandra: Secret walang clue.

dreicullen: So, boyfriend mo nga?

fordxandra: Hahahaha

dreicullen: Sayang naman.

fordxandra: Bakit naman?

dreicullen: Kala ko wala ka pang boyfriend eh.

Luh? Naniwala HAHAHAHA. Bahala siya jan HAHAHA.

Di ko na siya nireplyan dahil nakarating na kami sa bahay.

Pagdating sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pagpasok ko ay may nakita akong isang simple red dress. Eto siguro yung susuotin ko.

"Ma'am magbihis na daw po kayo sabi ng Dad nyo." dinig kong sabi ni yaya sa labas.

"Okay yaya. Thanks" sagot ko.

Naligo muna ako bago sinuot ang dress. Pinatuyo ko ang buhok ko at naglagay ng pulbos at liptint. Hindi naman siguro kailangan mag make-up.

Nang matapos mag-ayos ay pumunta na ako sa sala. Nakita kong nakaupo si Kuya sa sofa at mukhang busy sa kausap niya sa phone. Nagulat siya ng bigla akong tumabi sa kaniya at biglang itinago ang kaniyang cellphone.

"Sige Kuya kunwari hindi ko alam na si Ate Tin yung kausap mo." natatawang sabi ko.

Natawa din siya sa sinabi ko at hindi na sumagot.

First LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt