Chapter 6

5 1 0
                                    

Xandra

Mabilis na lumipas ang thursday at friday. Nalate ako ng gising kase saturday naman at wala akong masyadong gagawin. Hindi pa din mawala sa isip ko yung pinag usapan namin nung gabing yon.

*flashback*

"K-kai" nauutal na sabi ko.

Wala akong makitang emosyon sa mukha niya. Sobrang nagtataka ako kase hindi naman siya mahilig sumama sa mga ganito so bakit siya nandito? Sa bagay, people change naman. Haynako nevermind.

"Can we talk?" he asked coldly.

Ano nanaman bang kailangan niya. Ginugulo nanaman niya ako. Sasagot pa lang sana ako ng bigla nanaman siyang nagsalita.

"Just the two of us." dagdag niya. "Would you mind leaving us alone?" tanong niya naman kay Drei.

Sakit naman sa bangs neto puro english.

"I won't mind." sagot niya sabay tingin sakin. "Mauna nako sa loob. See you later." paalam niya bago umalis.

Pagkaalis niya ay agad akong tumingin ng masama sa lalaking epal nasa harap ko.

"Ano nanaman bang problema mo? Bakit lapit ka ng lapit sakin?" inis na tanong ko.

"Is he your boyfriend?" cold pa din niyang tanong.

"Why do you care? Ano ba kita?" tanong ko din.

"Just answer my fucking question!" sigaw niya.

Aba mukhang galit na ang epal ah.

"Hoy wag mokong ma fucking fucking jan ha. Ano bang pake mo kung boyfriend ko nga siya? Inggit ka? Bakit? Type mo ba siya? Sige sayo na." mahabang sabi ko.

Paalis na sana ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat. Nang matauhan ay agad ko siyang tinulak.

"Ano ba!? Bakit mo ako niyakap!? Ano bang problema mo ha!? Pwede bang tigilan mo na ako!?" galit na sigaw ko.

"I'm so sorry. For everything that i did. Mahal pa din kita. Please, give me another chance." mahinang sabi niya.

"Ano? Second chance? Tanga ka ba? Ano yon isang sorry mo lang tapos nanghihingi kana ng second chance? Bobo ka ba?" galit na tanong ko.

Di ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko.

"I'm really sorry. I'm willing to do everything. Just please give me another chance." pagmamakaawa niya.

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero agad ko itong nilayo sa kanya.

"Hindi mo alam kung anong klaseng hirap ang pinagdaanan ko nung iniwan mo ako noon. Nung time na nakipagbreak ka sakin naghintay ako. Nanatili ako sa condo dahil ang nasa isip ko is baka wala ka lang sa mood nung araw na yon alam kong babalikan mo ako kase mahal mo ako pero wala. I waited there for 10 fucking hours but you didn't came back."

"X-xandra" nauutal nyang banggit na tila nagmamakaawang wag ko nang ituloy ang sinasabi ko.

"Dun ko narealize na wala na talaga. Iniwan mo na talaga ako. Tapos bigla mong sinabi sakin nung nakaraan na nakipag break ka sakin kase paalis ka? Kase naisip mo na baka hindi natin kayanin ang ldr. You could have at least told me about your reasons. Hindi yung pinaniwala mo ako na hindi mo na ako mahal." umiiyak na kwento ko. "And now you're here saying you're sorry and want me to give you another chance? Well, fuck you i would never give you a fucking chance again." galit na sigaw ko sabay alis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First LoveWhere stories live. Discover now