Prologue

15.5K 333 119
                                    


Prologue

NAKANGITING agad niyang tinahak ang direksyon ng kanyang kaibigan na subsob sa trabaho sa isang sikat na cafeteria sa siyudad.

"Fina..." Tinawag niya ito nang may ngiti sa kanyang labi.

"Dynee..." Nakangiti itong humarap sa kanya na may dala-dalang tray sa mga kamay.

"Maraming customer ngayon ah, tamang-tama at makakarami ako ng alok ngayon dito." Nakangiti niyang untag rito sabay tingin sa buong paligid.

"Hay nako sinabi mo pa. Heto nga at aligaga na naman ang lahat dahil sa sobrang dagsa ng mga customers. Girl, gusto mo umextra ka ngayon habang magaalok ka ng mga cosmetic mo sa mga customer?---"

"Fina, ang order sa table five dalhin mo na." Nalingunan namin pareho ang manager na patungo sa direksyon naman.

"Ay, oo nga pala hinihintay na pala ito ng customer. Dynee, maiiwan muna kita huh? Umupo ka muna diyan at sasabihin ko kay boss na pag-extrahin ka ngayon." Sabi nito sabay kumindat sa akin.

"Fina, hindi na kailangan---" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng tinalikuran na siya nito.

"Oh Dynee, kumusta ka Ija?"

Hinarap niyang nakangiti ang ginang na may-ari nang sikat na cafeteria. "Hi po Madam, heto okay lang ho. U-Uhm, raraket sana, uhm magaalok na naman sana ako ng mga--"

"Oh, sure Ija you can do that basta hindi mo lang kukulitin ang mga customer ko sa paninda mo." Untag nito sa kanya.

"Ay sure ho 'yan madam. So--"

"Uhm Dynee, pwede ba habang raraket ka dito sa cafeteria ko ay umextra ka muna ng kahit ilang oras o isang araw lang? Look, we are all busy here at may absent pang isa sa mga waitress ko, pwede bang ikaw na muna ang pumalit?"

"H-Huh? Ay madam nakakahiyan naman ho?"

"Dynee, minsan ka nang umextra dito nang dahil sa nirecommend ka ng kaibigan mong si Fina. So why not now." Sabi nito sa kanya.

Tumikhim siya at sabay ngumiti rito ng malawak. "S-Sige ho madam, hindi ko 'yan tatanggihan." Sagot niya dito.

"Then you go inside Dynee. May spare uniform doon na kakasya sa'yo, go to Fina at magpa-assist ka muna sa kanya."

"Sige ho madam."

Agad nga siyang sinamahan ni Fina sa locker area at nagpalit ng kanyang damit. Tulad nito ay naka overall dress na siya. Ipinuyod nalang niya ang buhaghag niyang buhok.

"Ano ba 'yan Dynee, bakit ba hinahatak mo yang damit mo." Naiiritang puna ni Fina sa kanya.

"E sa maiksi itong damit na ito e. Hindi ako sanay. Look at my legs, na exposed na. Pambihira, kaya ayoko sana umextra e, dahil ito talaga ang ayoko e." Reklamo niya habang panay hatak pababa ng laylayan ng kanyang bestida.

Napatampal si Fina sa noo nito habang nakatingin sa kanya. "Pambihira ka naman, maikli na ba 'yan sa'yo? Halos bandang tuhod mo na 'yan ah. Dynee naman huwag ka nang maginarte sa ngayon. Look we are so busy, everyone is busy so please not now for that complain. Come, come, come. Ayos pa naman 'yang lipstick mo at mga kolorete sa mukha so let's go out now at kailangan na tayo sa labas." Sabi nito sabay hila sa kanyang braso palabas ng locker area.

"Fina, wait..." Hindi siya nito binitiwan hanggang sa makalabas na nga sila at nasa harap na sila ng counter area.

"Oh mga Ija, mabuti at tapos na kayo sa loob." Sinipat ni Mrs. Rivas ang kanyang kabuoan at ngumiti. "The dress suit you Dynee, it's wonderful."

A Love Deal [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon