Xandriah Maxime Montenegro

Car engines, city lights, people's noise, yan lang ang ilan sa mga naoobserbahan ko habang nakatanaw sa may veranda ng unit ko.

Muli kong isinara yung sliding door at pumasok na sa loob. Napatingin ako sa orasan at napabuntong hininga nalang ako nang makitang alas dose na ito.

Ano nalang bang ginawa ko at umabot ng alas dose yung pagtatambay ko sa may terrace?

Napatingin ako sa tv na kanina pang nakabukas. Napasinghap nalang ako nang balita nanaman yung pinapalabas. Agad kong inabot yung remote at pinatay yung tv.

Kakauwi ko lang galing LA at wala akong balak umuwi o magpakita manlang sa mansion ng mga Montenegro. Simula nung umalis ako dito sa Pilipinas ay inalis ko na din ang ni isang koneksyon ko sa mga Montenegro.

I had enough. Hindi ko totoong apelyido ang dala dala ko kundi ang apelyido ng asawa ngayon ng nanay ko. If I had that enough amount of money, hindi ako magdadalawang isip na palitan yun.

I have my own belongings though, galing ito sa lolo ko na Daddy ni Mommy. Im grateful I have him. Siya nalang ang meron ako ngayon and I can't bare to lose him.

*

"Hey new girl. What's popping?" sulpot sa akin ng isang lalake kaya agad ko naman siyang inirapan bago ko siya dinaanan. What a freak.

"Grabe ang sungit ni ate. Wala manlang Hi or Hello diyaan?" parang malungkot niyang sabi habang sinusundan ako.

"What is it that you want?" sigaw ko sa kaniya at kita ko naming napa atras siya ng kaunti.

"U-umm. Ako kasi yung mag t-tour sayo dito sa campus" utal niyang sabi at nanginginig na yung hawak niya sa papel na dala dala niya.

I rolled my eyes.

"Sinabi mo sana" sabi ko at lumapit sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at tinignan lang ako.

"Are we going or what?" taas kilay kong tanong sa kaniya kaya nagsimula siyang naglakad.

"U-umm. Uunahin nating pupuntahan yung Gym dahil yun ang pinaka malapit dito." sabi niya at binilisan yung paglalakad. Napa buntong hininga ako.

"Hey. Aren't you gonna introduce yourself first?" tanong ko sa kaniya. Nag ayos siya ng tayo at lumapit sa akin.

"S-sorry. I'm Tristan Alejo. Senior in B. Building. And you're Xandriah Maxime Mo-"

"Maxime lang." nakayuko kong sabi kaya tumango siya at naunang naglakad.

"So this is our Gym. Hindi tayo makakapasok diyaan dahil under construction pero sa loob niyan, may 12 na chambers na ginagamit sa mga clubs and also, mahigpit sila pagdating sa paggamit ng gym. Nakalimutan ko sa office yung copy kaya idadaan ko nalang sayo mamaya."

Grabe ha! Andaldal niya. Andami niya pang sinasabi.

"And next is our cafeteria. During lunch lang ang mga kumakain dito dahil bukod sa cafeteria, may 7/11 sa tabi ng A. Building. Kaya halos lahat ng mga studyante hindi na pumupunta ng cafeteria. Prohibited ang mga outsiders dito. Kaya kung may dadalhin ka, ipapaalam mo muna sa taas."

"Ayon sa listahan mo, nasa A. Building ka? Hmm. Talino mo teh ah." inirapan ko siya.

"Ay sorry. Ok so, pupuntahan na natin yung A. Building. Ang building nato, hanggang limang palapag. Wag ma wag mong babalaking tumalon duon. And don't worry. Lahat ng mga newbies sinasabihin ng ganyan."

Ang creepy niya ha.

"Sa may 3rd floor ka. Tandaan mo, private ang 4th and 5th floor ha? baka masobrahan mo yang pindot sa elevator at hindi kana makakalabas ng buhay duon. So nasa Galaxy ka and #3957 ang room mo. Pero, hindi ka papasok ngayon dahil maglilibot pa tayo at kukuha ka pa ng mga libro mo."

Ugh. Who need books anyway,

"And one more thing, nasa A ka kaya kailangan mong imentain yung mga grades mo ngayon or you can get higher grades. Pero wag na wag kang babagsak dahil ililipat ka sa B."

"Oh magsalita ka naman at baka mapanis yang laway mo."

Magsasalita na sana ako nang unahan niya akong maglakad. Kung pwede lang siyang barilin agad agad dito sa harapan ko ginawa ko na.

"Next stop is library. Ang library, may limang palapag. And, private din yung pang lima."

Bigla tuloy ako nacurious kung anong meron sa mga taas ng mga building na to kung bakit pa sila may nalalamang private.

"Khia, paabot naman nung set nung A-76 na libro duon. Kailangan nitong si Miss Ganda eh" sabi niya sa may babae na nakatayo sa may counter ng library. Inirapan ko siya dahil tinawag niya akong Miss. Ganda and I dont like it.

Inabot naman nung babae yung siguro sa tansya ko mga pitong makakapal na libro. Inabot ko naman pero tinabig ng lalakeng to yung kamay ko.

"Ako na magbubuhat ng mga ito dahil baka mahirapan ka pa at pagpawisan." nakangiti niyang sabi at naunang naglakad.

"Our last will be the lockers. Iiwan na natin tong mga libro mo dahil alam kong ayaw mong bitbitin to pauwi." hindi na ako nagreact at sumunod nalang sa kaniya.

May napansin akong ngayon lang at hindi ko napansin kanina pa. Anliit pala nitong lalaking kasama ko. Ang email kasi sa akin yung ay President ang mag t-tour sa akin so meaning to say siya yung President nila dito? Kawawa naman. Buti may nakikinig sa kaniya.

"#365 ang locker mo. Ay sakto! May kukunin pala ako malapit duon." sambit niya at hindi ko nalang siya pinansin. Nagsasalita ba siya mag isa oh kausap niya ako?

"Ito lock mo. Tignan mo nalang dito yung password dahil ayoko mapagbintangan kung may nawala diyaan." binuksan naman niya at linagay yung mga libro duon.

"Teka lang ha. Inutusan kasi akong kumuha ng tshirt sa locker 357 eh" sabi niya at pumunta sa katabi kong locker.

President siya tapos siya pa inuutus utusan? Aba'y kawawa talaga siya. Anlilit liit na ngalang niya eh.

Tinitignan ko siya habang nagbubukas ng locker at pagbukas niya ay nagsihulugan ang apaka daming love letters, well masasabi mong love letter ang mga ito dahil sa may puso puso at kulay pink pa ito.

"Siraulo talaga yung lalakeng yun." bulong niya pero binalewala ko nalang.

Inantay ko lang siyang magpulot nung mga yun dahil naiinip na ako at gusto na ring umuwi.

"Hays. Sorry about that. So! Xandriah! What can you say about our tour?" tanong niya. Ngumisi ako.

"I think, you're lacking of informations Mr. Pres." sabi ko at nag crossed arms sa harapan niya.

Sumingkit naman yung mata niya na parang may mali sa mga sinabi ko.

"Pres? As in President?" tanong niya pabalik.

"Um yeah?"

"HAHAHA." malakas niyang tawa at halos pinagtitinginan na kami ng mga tao na nadaan duon.

"What's funny?" tanong ko at tumgil naman siya.

"Ow. Sorry sorry. It's just that, I'm not the President. You see, itong bait kong ito malayong malayo sa President. At itong muka nato? Sus. Hindi pa siya naka kalahati. Believe me, his face is as worst as his attitude." explain niya. So I was wrong all the way here? Damn this little guy.

"Where is he then?" tanong ko.

"Nandun. Inutusan niya ako dahil may gagawin daw siya. Pinakuha nga niya tong gamit niya." paliwanag niya at pinakita yung hawak niyang tshirt na mula sa locker na 357. So, sa President lahat nung mga letter na yun? Hmm.

"See you tomorrow then. Bye. Ingat ka Miss Ganda!"

In a heartbeat ( Xandriah Maxime )Where stories live. Discover now