"Xandriah! Can we talk?" Napa angat ako ng tingin at nakita ko si panget sa may pintuan ng classroom namin.

Napatingin naman silang lahat sa akin. Pati si Trey na natutulog ay nagising pa sa lakas ng boses ni panget.

Tahimik akong tumayo sa upuan ko at lumabas.

"What is it this time?" tanong ko sa kaniya at sumandal sa may pader ng corridor namin.

"Help me convince Trey to go back to the team" deretso niyang sabi. Napatawa ako ng wala sa oras. May kailangan pala siya pero kung maka bugbog siya kay Trey parang anlaki laki ng kasalanan nung tao.

"And why would I do that?" tanong ko ulit. Napa buntong hininga naman siya at lumapit sa akin.

Palapit siya ng palapit sa akin hanggang sa konti nalang ay mahahalikan na niya ako. Aatras sana ako nang maalalang nasa pader na pala ako naka sandal.

"Cause you're responsible for it."sabi niya at ngumiti bago ako iniwang naka kunot noo dun. Responsible? WOW! Eh wala nga akong alam sa away nila na yan eh!

"Gago!" sigaw ko sa kaniya. Wala na akong pakealam kung may nagklaklase.

"Rules lady!" sigaw niya pabalik at tumawa. Napasinghap naman ako.

Susundan ko na sana siya nang may pumigil sa kamay ko. Napatingin naman ako dito.

"No need to convince me. I'll go" sabi ni Trey ng hindi nakatingin sa akin at linagpasan ako.

Oh no. Are they gonna fight again? Oh baka mas malala na! Napa iling ako. I'm sure Trey can handle him.

Nakangisi akong bumalik ng room. Wala pa silang ginagawa hanggang ngayon. Graduating na pero hindi naman na attend ng klase yung mga guro nila.

"Xandriah! Anung nangyari?" bulong sa akin ni Xhianna. Minsan nagiging chismosa na din tong babaeng to.

"We just talked. That's it." sagot ko. Napansin ko naming masama yung tingin ni Kathrina sakin. Napangisi ako.

Maghapon nang hindi ko nakita yung dalawa. Hindi naman sa hinahanap ko sila pero, parang ganun na nga!

Umuwi ako kay lolo. Wala lang, parang gusto kong magpunta dun. Nang makarating ako sa may parkingan niya at sumilip pa ako dahil baka andito yung magaling kong nanay. At sakto wala kaya dere deretso akong pumasok sa loob at nagpark.

Pumasok ako sa loob ng tahimik. Gusto ko sanang isorpresa si lolo.

"Senator Calix Montenegro muling nagsalita sa eskandalong inilabas sa publico nung nakaraang 2019."

Napatingin ako sa pinapanood niya.

"Hays. I'm really looking forward on changing my surname. It doesn't fit me" sabi ko kaya bigla namang napatingin si lolo sa akin sabay pinatay niya yung news na pinapanood niya.

"O-oh! Max! I'm sure you can wait sweetie. Ilang taon nalang at makakahanap ka na din ng mapapangasawa. I'm thinking of what surname fits you the most" ika niya.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Asawa? Sino? Ako? Aba!

"Lo naman! I'm still 18. You're already kicking me out!" biro ko naman at umupo sa tabi niya.

"Let me tell you something Max. Before that, promise me you won't get mad at me." napatingin naman ako sa kaniya. Mukang seryoso siya.

Tumango naman ako at saka ngumiti sa kaniya. Kahit ano naming gawin niya o sabihin pa niya ay hindi ko makakayang magalit oh magtampo man sa kaniya.

"Both, your Mom and Dad are my child." Did I heard him right?

"Is that, like when my they had me, you treated my dad like your own?" tanong ko sa kaniya.

Umiling naman siya at ikinagulat ko. He's joking right? Hindi naman yung,,

"I adopted your Mom when she was 10. Ang hindi ko alam simula nuong tumira siya sa amin, ay may nabubuo na palang pagmamahalan sa kanila ng ng Daddy mo."

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita,

"I thought everything went well for the both of them dahil nuong una ay hindi matanggap ng Daddy mo na may inampon ako. Ni hindi ko sila maiwan ng sila lang sa bahay dahil iniisip ko baka mag away sila."

"She was from the orphanage na pinapatakbo ng Lola mo. But they became close. I was happy of course. Hanggang sa napag katiwalaan ko na silang dalawa at naiiwan dito sa bahay."

Hindi ko alam pero basta nalang tumulo yung luha ko sa kwento ni lolo. Mahal naman pala nila ang isa't isa. Pero bakit,

"Hanggang sa nalaman kong meron na palang little Max sa sinapupunan ni Amira. I wasn't so happy with that lalo na nung umamin ang Daddy mo tungkol sa kanilang dalawa." Natatawa pero naluluha niyang paliwanag.

"You know, I'm grateful to bless the both of them dahil kita kong nagmamahalan silang dalawa, at isa pa, kahit itinuring kong anak si Amira, I can't still hide the fact that she's not my own. Besides, they were, we were the happiest when you came" sabi niya at hinawakan pa ako sa pisnge at pinunasan yung mga luha ko.

"But that day came, your Mom got into college and unexpectedly, she got bullied kasi nabuntis daw siya ng kapatid niya. We tried our best to cover that issue hanggang bumigay na ang Mommy mo."

So that's the reason kung bakit hindi niya ako matanggap.

"Your Dad tried to fight for you, pero hindi na talaga niya matanggap at nagtangka ang Mommy mo na ipalaglag ka, believe me apo, your Dad loves you so much to the point na siya na ang kusang umalis at hindi na nagparamdam sa inyo ng Mommy mo."

Nagtangka siyang ipalaglag ako? Ang sarili niyang anak? Samantalang sa bago niyang pamilya ay mukang apaka swerte ng mga anak niya.

"Your Mom blamed you and your father dahil sa issue tungkol sa kaniya. Tinanggap ko at naging masaya sa kaniya nuong nagpakasal siya kay Calix dahil magkakaroon ka na ng ituturing na ama, ng kapatid, ng pamilya, pero hindi ko alam ang trato nila sayo apo." Napayuko siya at napa hawak sa kamay ko. 

He loved me so much. Kahit na apaka selfish ng nag iisa kong nanay. Siguro ako na ang nagdudusa sa mga kagagawan niya dati.

"Mali pala ang naging desisyon kong ipaubaya ka sa mga Montenegro apo." sabi niya at may naramdaman akong pumapatak na luha sa kamay ko.

Mas lalo akong napaiyak.

"Lo. Hindi mo kasalanan yun Lo, you're just being a good father to the both of them and you saved me."

"Gustong gusto ni Xander na magpakilala sayo. Gusto ka niyang bawiin sa kanila apo. Ang kaso, natakot siya sa anumang kayang gawin saiyo ng Mommy mo sa oras na malaman niyang bumalik na ang ama mo."

Xander. So that's my Dad's name?

"C-can you tell me my Dad's real name Lo?" tanong ko at saka namunas ng luha.

"Your name came from his. His name is Xander Maxime. And yes. He is alive."

"Kahit bali baliktarin natin ang mundo apo, isa ka paring tunay na Villareal"

Ngumiti ako at muling pinunasan yung mga luha ko. Feeling ko ay gumaan yung loob ko dahil kahit papaano ay alam ko na din yung pangalan ng papa ko diba? At hindi lang yun, andito pa siya kaya posible ko pa siyang makita.

In a heartbeat ( Xandriah Maxime )Where stories live. Discover now