"Hi Miss G- ay hindi pala. Hi Xandriah! Kamusta yung unang araw mo?" sulpot sa akin ng maliit na tao. Hays. Kilala niyo na kung sino.

"It's not good cause you're in it." nakangisi kong sagot sa kaniya at inunahan siya sa paglalakad pero nahabol pa ako. Ang liliit na nga ng mga paa niya ang bilis pa niyang maglakad.

"Teka teka, wala pa tayong ma ayos na usapan eh." pigil niya sa akin habang naglalakad ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"What do you want then?" tanong ko sa kaniya nang naka pameywang.

"Una, gusto ko sabihin sayo na bagay pala sa iyo yang uniform namin. Pero alam mo kung anong mas bagay? You, wearing my varsity jacket." Ew.

Teka, did I heard him right? Varsity? Sa liit niyang yan nakasali pa siya sa may varsity team? Wow ah. Buti nananalo pa sila dito.

"No thanks." Sabi ko at naglakad na nang pigilan nanaman niya yung braso ko.

"Xandriah teka-"

"Elf!"

Naputol pa yung pagsasalita niya nang may sumulpot sa aming dalawa sa may hallway. Pagka tingin ko ay nanlaki ang mga mata ko. Si President nanaman? Tong panget na to laging nasulpot katulad ng mga iba nilang kaibigan.

"That includes harassing Alejo." sabi niya at napa 'huh' naman si liit.

"Stay away form the newbie. She's a nightmare." sabi pa niya at inirapan pa ako bago siya naglakad paalis.

Nightmare niya muka niya ulol! Muka nga siyang bakla kapag umirap eh. Kasalanan ko ba kung nagagandahan yung kaibigan niya sa akin? At siyaka bakit ba sobrang init ng ulo niya pagdating sa akin? Pinaglihi ata yun sa iniisip ko.

"Sige na. May praktis pa kami eh. Magagalit nanaman yun. Kailangan pa namin mag work out" paalam niya sabay tumakbo na paalis sa kinatatayuan ko.

They are all weird. Kala naman nila gusto kong pumasok sa ganitong school? Asa sila. Mas gugustuhin ko pa nga sa Japan kasi duon mlaya ako at nagagawa ko mga gusto ko.

"Balita ko may laro daw sila mamaya"

"Omg. Gusto ko Makita si daddy Trevor pagpawisan"

Napatingin naman ako sa dalawang babaeng dumaan sa harapan ko. An lalande ng mga to ah. Alam ba ng mga magulang nila na ganyan sila umakto dito sa loob ng school? Oh baka ako lang ang umaakto ng kakaiba kasi lumaki akong walang magulang?

Napailing nalang ako sa naisip ko. Anu namang magagawa ko. Hindi ako pinili eh.

"Hi Riah! Sabay kana" aya sa akin ni Xhianna. Wala talaga akong balak makipag kaibigan sa ni isa dito sa school pero pagbibigyan ko siya.

Pagdating namin sa room ay nakatayo silang lahat at may kanya kanyang ginagawa. Hindi naman na ako nagsalita at tahimik na nagtungo sa may upuan ko nang magsilapitan silang lahat sa akin. Halos maging sardinas na kami sa sobrang lapit nila sa akin.

"Are you really the daughter of Calix Montenegro?"

"Bakit ka nagtransfer?"

"Grabe ate sobrang sikat mo"

"May boyfriend kana ba?"

"Tumahimik kayo mga kupal. Isa isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban" Awat sa kanila ni Xhianna.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nasabi ko na sa kanila kahapon na I am the daughter of Calix Montenegro kahit hindi naman. Bakit ba kasi sobrang sikat ng lalakeng yun? I have to stay hidden pero hindi ko alam kung bakit ko nasabi yung bagay na yun kahapon.

"I am not the daughter of Calix Montenegro ok? We just have the same last name but we're not really related to each other" sagot ko at kita ko namang nalungkot yung iba.

"But you really look like Alliah. His younger daughter." Tanong ng isa kong kaklase.

Napatigil ako dahil sa tanong niyang yun. Yun ay dahil kapatid ko siya sa ina? Hindi ko pwedeng sabihin yan.

"No way. Mas maganda naman ako kay Amanda" Halos mapatakip na sana ako ng bibig dahil sa sinabi ko pero huli na. Nasabi ko na eh.

"Ay oo nga noh. May hawig kayo ng konte pero mas hot ka girl!" Sabi sa akin ni Xhianna at tumawa.

"EVERYONE BACK TO THEIR SEATS"

Ok guess who? Eh di si president nanaman na pasulpot sulpot kung saan saan.

"Let me remind all of you na hindi ibig sabihin na wala kayong ginagawa ay pwede na kayong mang istorbo ng mga ibang klase! You!" Sabi niya sabat turo sakin. Sakin ngaba?

Tumingin pa ako sa may gilid gilid ko pero mukang ako talaga yung tinutukoy niya dahil ako lang yung magisang nakaupo sa may bintana. Hala. Di kaya may nakikita siya na hindi ko nakikita? Hala walang kwenta. Anu ba.

"Come with me" seryoso niyang sabi at lumabas ng classroom namin.

Tinignan ko naman si Xhianna na parang tinatanong kung anong gagawin ko. Sinenyasan naman niya ako na sumumod nalang sa kaniya.

"What's so special about her"

"At talagang sinundo pa siya ni Pres. sa classroom niya ah"

"Ang kapal ng face. Hmp"

Grabe ha? Binibig deal na nila kapag tinawag ka ng President nila sa classroom? Sa totoo lang ha? Tamad ata to eh. Inutusan nga yung kaibigan niya na siya mag tour sa akin dito sa school imbes na sana siya ang gagawa.

"What is it again Mr. President?" bigla kong tanong habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad. Napatigil naman siya sa akin at tumingin sa may direksiyon ko.

"I said come with me. Andami dami mo pang sinasabi" naiinis niyang sabi kaya tumahimik nalang ako.

Habang nasa likuran niya ako na naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa likuran niya. Kahit nakatalikod ito ay masasabi mong may itsura. Gwapo rin naman siya kaso ang panget ng ugali niya kaya panget na din siya.

Habang napapalayo kami sa A building ay parang napapansin ko na palayo na kami ng palayo. Parang iba na to ah kasi wala ka nang makikitang building dito.

"Hoy! Stop right there!" Sigaw ko at napatigil naman siya.

"San moko dadalhin?" kalmado kong tanong sa kaniya at tinaasan pa siya ng isang kilay.

"What a freak. Do you actually think na papatulan kita? Excuse me. Hindi ka pa nakalahati sa mga type ko." iling iling niyang sabi at siyaka tumalikod

Aba't walang hiya tong isang to ah.

"San mo ba ako dadalhin ha?" tanong ko uli pero hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nakarating kami sa may pinakalikod na parte ng school at merong parang sports complex kung nasaan yung mga kaibigan niyang nag jojogging kasama na dun si liit.

"What am I gonna do here?" tanong ko.

Nag abot naman siya ng listahan at pinaupo ako sa may bench na may mga kasamang bottled water at mga pamunas.

"Your gonna be our little manager. I want you to arrange all of our schedule" sabi niya at nakisabay na sa pagtakbo kasama ng mga kateam niya,

Ptangina lang eh. Anung klaseng trabaho to?

In a heartbeat ( Xandriah Maxime )Where stories live. Discover now