RavenWood High. Basa ko sa nakasulat sa bulletin sa loob ng court. Hays. May laban nanaman sila at gusto nanaman nila na andun ako eh wala nga akong naitutulong sa kanila. Kahit yang schedule schedule nayan? Wala akong ginagawa sa mga yan. Bahala sila. Mas marami pa akong importanteng problema kesa yan.

"Sige na please. Isang chuckie lang." napatingin ako sa mga grupo ng lalake na naka kumpol sa gilid ng mga bleachers. Naka jersey naman sila kaya nilapitan ko ang mga ito.

"Lumayas ka nga sa harapan ko! Nakaka sira ka ng araw alam mo yun?" Napakunuot noo ako nang marinig ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Trey yun!

Napansin ko namang wala yung mga tropa ni panget at yung mga ibang grupo lang ang andito. So it means, kay Trey ang hati at kay panget naman yung kalahati? Aba. Kagaleng.

"I see someone's back in the team" sabi ko nang nakangiti. Nagsitinginan naman silang lahat sa akin dahilan para maka alis sila na nakaharang kay Trey.

"Oh! Andito ka pala!" sabi nung isa sa mga kasama niya at pumagilid para magkaharap kami ni Trey.

Hindi siya naka jersey kundi naka uniform nanaman siya nang hindi naka butones. Napa iling ako.

"Are you gonna play?" tanong ko sa kaniya.  Yumuko naman siya. Anu naman yun?

"MAXIME!"

"ooh. Maxime daw" asar nang mga tropa ni Trey. Napa iling naman ako.

Muli kong hinarap yung lalaking umagang umaga ay tinatamaan ng tantrums. At isa pa, He never called me Maxime. No one has ever called me Maxime besides from my Lolo.

"Anu yun Kapitan?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay sabay nameywang pa ako sa harapan niya.

Inirapan naman niya ako at bumaling kay Trey.

"Hindi ka maglalaro diba? Anu pang ginagawa mo dito?" matalim na tingin kay Trey at inakbayan pa ako. Pilit ko namang tinatanggal yung pagkaka akbay niya sa akin pero wala talagang effect eh. Mabigat yung kamay niya.

"Actually, I changed my mind. Maglalaro ako." sabi niya at walang pasabing umalis ng bleachers at dumiretso sa may locker room.

"Ooh. Point guard is back"

"Ehem. Something's fishy"

Asar pa ng mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung sino yung tinutukoy nila pero wala akong pakialam.

"Bitawan mo na ako pwede ba?" Singhal ko kay panget at umalis sa court.

Nagugutom ako kaya naman ay dumiretso ako sa may 7/11. Wala akong natitipuhang kainin kaya kumuha nalang ako ng dalawang freshmilk at isang malaking Nova.

Napatingin ako sa may umuusok na hotdog at shiopao. Parang ang sarap kainin yung mga yun pero, ayoko.

Dumiretso ako sa may counter at nagbayad. Good thing walang sumulpot sa harapan ko ngayon. Mukhang makakahinga ako ng maluwang ngayong araw na to ah!

Nang makabayad na ako ay umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa loob.

"Cool nga pero mamamatay ka ng maaga"

"Hindi yun cool Vanessa. Sumama kana sa kaniya"

"I will never eat junk foods yuck tataba ako"

Napatingin ako sa mga studyante na nasa likuran ko at napatingin sa mga pinamili ko. HIndi ako pwedeng magkamali. Ako ang pinaguusapan nila. At ang kakapal naman ng mga muka ng mga to!

"You think she heard us?"

Confirm. Ako nga!

Wala sa oras akong napatayo sa upuan ko at nakiupo sa pwesto nila. Ngitian ko lang sila dahil mukang nagulat sila. Ampapanget naman ng mga to. Napangisi ako.

In a heartbeat ( Xandriah Maxime )Where stories live. Discover now