Nang makarating ako sa bahay ay agad akong nagtungong closet para maghanap ng ipapares sa binigay ni panget na jersey.

Halos mahalungkat ko na lahat ng damit sa may closet ko pero wala parin akong nahahanap na damit. Pag tingin ko sa orasan ay nanlaki ang mata ko nang Makita kung anong oras na. 4:59 ampta. Bakit ba ang bilis ng oras?

Wala na akong nagawa at nagpulot nalang duon ng isang high waist na shorts at sinamahan ko ng high cut na converse at pinuyod ko yung buhok ko. Napatingin ako sa may salamin. Napangiti ako. Hindi ko nga kamukha yung nanay ko. Posibleng kamuka ko si papa pero hindi ko pa siya nakikilala o nakikita man lang.

Nagmascara lang ako at naglagay ng lip gloss. Hindi naman ako mahilig sa mga make up na yan eh. Tumakbo ako patungong elevator pero pababa na siya ng 2nd floor. Pumunta ako sa kabila at gayundin. Nawalan na ako ng choice kaya ginamit ko na yung hagdan. Patay talaga ako neto kay panget.

Dali dali akong pumasok ng kotse pagkababa ko ng basement ng building na tinitirhan ko at siyaka pinaharurot papunta kung saan gaganapin yung laro nila. Alam ko siguradong nag aantay na yung mga yun ngayon.

Kita ko pang pawisan ako at may mga nahulog na hibla ng buhok ko kaya naman kumuha ako ng tissue at siyaka namunas ng muka at leeg. Duon nalang ako mag ayos.

"Where have you been? Your 20 mins late!" Sigaw sa akin ni panget pagkadatong at pagkadating ko sa may parking lot.

Mag isa naman siya dun. Ah. Baka inaantay ako. Inirapan ko nalang siya at bumaba.

"Why the heck are you wearing that kind of clothes?" Sigaw ulit niya. Damn. Masasakal ko na tong isang to pag di pato tumigil kakasigaw. Like. Magkaharap naman kami.

"First of all Mister, ikaw ang nagsabi na ganito ang suotin ko" sigaw ko sa kaniya pabalik. Oh great.

Nagsisitinginan na yung mga tao na dumadaan sa paligid namin but I dont care! Nakita ko namang naka jersey din siya ng katulad sa akin at may tatak don sa likod na Montreal 01.

"Yeah but, ugh F*ck nevermind" sambit niya at hinila ako paalis ng parking lot ag nagtungong gymnasium ng school nato.

Malaki din tong school na to pero kung ikukumpara mo sa school namin ay mas maliit to ng kaunti pero parang parehas lang yung laki ng gym.

"Hi Miss Man." Bati ng mga barkada niya pagkadating na pagkadating namin sa may bench ng mga players.

Napatingin ako sa paligid at as in sobrang dami ng tao. Punong puno yung gym at halos wala na akong makitang liwanag sa may labas. Nasasaraduhan ata lahat ng bintana dito.

Nag simula na ang laro at unang pumasok ay ang HOME. Tsk. Mahihina pala tong sina panget eh.

Well, hindi ko pa naman yun alam dahil hindi pa napasok si panget sa court. Bench player pala tong isang to. Kasama ng buong tropa niya at si maliit. Pft.

Nagring yung bell para sa break at lamang sila ng 11 na puntos sa amin. After naman ng break ay pinapasok na silang lahat na magtrotropa. Now this will be fun.

"Ano bayang mga inuutos sayo ni Trevor iha?" Napatingin ako sa nagtanong at yung coach pala nila.

Ngumiti naman ako.

"He told me to write down they're scheds and others" sabi ko naman. Napailing nalang siya at napatawa.

"Hays. Trevor. That kid." Sambit niya habang umiiling nang nakangisi at dahang dahang lumayo sa may pwesto ko.

"Hey." Napairap ako. Buti hindi to sumigaw ngayon.

"What?"tanong ko.

"You better do good" sabi niya at pinitik ako sa noo. Aba't sumosobra na tong isang to ah.

Habang nanonood ako sa kanila ay may isang taong umagaw ng atensiyon ko na umupo sa mga bleachers sa may itaas ko. Nanlaki ang mga mata ko. It's Amanda. Anu naman kayang ginagawa niya rito? Posible kayang dito siya nag aaral? Hindi to pwede.

*prrrt*

Muling bumalik ang tingin ko kina panget at medyo nabawasan yung kabog ng dibdib ko nang Makita kung paano siya magshoot ng bola. Sh*t. Ganito ba talaga ako pagdating sa mga lalake? Pero hindi eh. Iba to.

Muling ipinasa ni liit yung bola kay panget na nasa gitna ng court at simula duon, tumalon siya at shinoot yung bola at saktong naishoot naman niya. That counts three points. Nagsi apiran naman sila at tumingin sa may bandang direksiyon ko. Taas.

Sinundan ko kung saan siya nakatingin at halos lumabas yung puso ko sa lakas ng tibok. Bakit siya nakatingin kay Amanda? Anung meron sa kanilang dalawa?

Muling nagsigawan ang mga tao ng makapasok nanaman ang ilang puntos kina panget. Ang totoo? School ba nila sinosoportahan nila oh sina panget?

Hindi nagtagal ay natapos na din ang laro. They've won. Nagsilapitan naman nila sa may bench na katabi ko. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan silang magsitawanan pero nawala yung pag iisip ko nang may lumapit kay panget na babae. Just how I expected. Si Amanda.

Bigla akong napatalikod dahil duon pero, hindi nga ako namukaan ng nanay ko, siya pa kaya? Bumuntong hininga ako at inayos na din yung mga gamit ko. Tumayo ako at akmang aalis na nang may humigit sa kamay ko. Si liit,

Tinaasan ko siya ng kilay na sinasabing bakit niya ako pinigilan.

"Hinahanap ka ni Cap." sabi niya at hinila ako palapit sa direksiyon kung saan sila nakatayo. Bwisit na liit to.

"Man, this is Man." napatingin ako sa kaniya ng may pagtataka. Anu bang pinagsasabi niya?

"I mean, Amanda, this is Xandriah. Xandriah, this is Amanda." pakilala niya.

Napatingin naman ako kay Amanda na parang nagulat. I guess namukaan niya ako. Buti siya, let the game begin Amanda. Ilabas natin ang totoong ugali mo.

"I assume you know each other?" tanong sa amin ni panget at umiling naman ako. Anong binabalak mo?

"Hoy, May dinner with the team. Wanna come?" aya sa akin ni panget pero napatingin ako kay Amanda na ngayon ay nakayuko na. Ngumiti ako

"How about you Amanda? Are you going with them?" tanong ko sa kaniya at mas linawakan pa yung ngiti para maasar siya.

"U-um may aasikasuhin pa ako eh. You guys go. Next time nalang" sabi niya at inayos yung suot niya.

"You want me to take you home?" alok ni panget pero umiling lang siya. Nagulat siguro siya sa akin. At malay mo, baka natakot din.

"Ok then. Mag iingat ka" sabi sa kaniya ni panget at tumango nalang din siya at nag paalam sa kanila bago siya umalis. Napa ngisi ako ng konti.

"San mo siya nakilala?" tanong ko kay panget at napatingin naman siya sa akin na naka kunot noo.

"Best friend ko siya since we were 14. Mag bestfriends yung mommy niya at mommy ko simula high school palang pero late na kaming nagka kilala ni Amanda." mas lalo akong napangiti.

"Who? Amira?" tanong ko ulit. Alam kong naguguluhan na siya pero wala akong pakialam.

"Y-yeah. Do you know her?" tanong niya. Umiling ako at ngumiti. Mommy pala ah, so ang alam ba ng lahat ay totoo niyang anak si Amanda?

This is gonna be fun.

In a heartbeat ( Xandriah Maxime )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon