Chapter 1

1.7K 120 216
                                    

Grammatical errors ahead: feel free to correct me :)

————------------------------------------------------------

"Day 14, pero hindi ka pa rin nagigising. But even though you'll sleep for 1 year or more, still, I will love you as always. But hope magising ka na, aking Mahal."

"Mahal"

"Mahal"

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

I always hear someone says that and it's starting to annoy me! I wanna open my eyes but damn! I can't! I can't even move my hands. And I'm also really tired so I just wanna sleep again(-.-;)..

○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○○

Zyra's P.O.V.

"Dooooooc!!!!! Hellllpppp!!!" I can't even calm myself. Paroo't parito ako. How can I calm myself if my bestfriend finally woke up! She slept for ghad damn 14days! And now the princess finally  woke up.

Ako lang kasi ang naiwan na nagbantay kay Molly. Umalis kasi saglit 'yung Mom niya para mamili ng mga foods. At 'yung boyfy naman niya ay bumalik na sa kompanya nila. Sobrang swerte ni Molly kay Lewis kasi kahit hindi humingi si Molly sa kanya ay kusa niya na itong ibibigay sa friend ko. Anything, basta ikaliligaya ni Molly ay go agad si Lewis. And that's the thing I envy her for.

Tumatakbo ang Doctor na pumasok dito sa loob ng room ni Molly. Kumuha ng parang flashlight 'yung Doctor at itinutok ito sa mata ni Molly. The Doctor also checked the machine, I don't know if ano ang tawag dito, hindi naman kasi ako nurse or Doctor para alamin pa ang tawag diyan. Ang tanging alam ko lang ay tungkol sa mga negosyo.

"Doc., is she okay?" Kanina pa kasi tulala si Molly. She just looked at me for a sec. then tulala effect na naman siya. Hindi ba siya masaya na nakita niya na 'yung bestfriend niyang maganda?

Ang ganda ko kaya. Oh, h'wag na kayong umangal pa! Maganda rin naman kayo. Hindi nga lang halata.

"I think we need to monitor her situation again. Mas mabibilisan ito kasi gising na siya." Instead na magtanong pa ako sa Doctor ay lumapit na lang ako kay Molly at hinahaplos ko ang kanyang buhok habang nakatayo lang ako sa tabi niya. Wala rin naman akong kaalam-alam sa mga sitwasyon na ganito kaya ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay ang manatiling tahimik.

Hindi pa rin siya nagsasalita at napapagod na ako sa kakatayo kaya umupo na lang ako sa tabi niya. Habang hinahaplos ko pa rin ang kanyang mukha ay bigla  na lang itong nagsalita.

"Sino ka?"

I was shock! Really shock!

Tinignan ko kung saang direksyon ito nakatingin pero wala namang tao. Bukod sa akin ay 'yung Doctor lang at 'yung nurse ang nandito sa loob.

Napalunok pa ako ng laway bago nakapagsalita.

"Can't you remember me?"

"Magtatanong ba ako kung sino ka kung kilala naman pala kita?" Napatayo ako sa sinabi niya dahilan sa pagkagulat .

Is this my friend? Hindi naman 'to sarcastic magsalita, ah.

"Stop it Molly, hindi ka nakakatawa." I awkwardly laughed.

"Nagbibiro ba ako para tumawa ka?" Ito lang 'ata 'yung taong galing sa aksidente at naging sarcastic na lang bigla. Pero parang may mali kay Molly ngayon.

"I said stop, Molly! Nakakasakit ka na!" Hindi ko alam pero sobrang init na ng mga mata ko. Ramdam ko na 'yung tubig na dumaloy galing sa dalawa kong mata. Paatras akong umatras na lumapit sa Doctor. "Doc., ano po ba'ng nangyayari rito sa kaibigan ko?" Sabay punas ko sa mga luha ko bago humarap sa Doctor. Kahit hindi pa tapos sa pag-uusap 'yung Doctor at nurse ay sumabat na ako sa kanila.

MINMA (BRIDE SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon