Ulan, Ulan
Kelan ba titigil?
Ang pag patak mo,
sadyang ayaw papigilUlan, Ulan
Nakikiramay ka rin ba?
Sapagkat dala mo ang lamig
at poot na aking dinadalaOhh ulan, ako ba'y ramdam mo?
Sapagkat tulad mo
Ayaw mag pa-awat
nitong puso koMalakas na ulan
ako'y damhin mo
gusto ko sayo'y mag paka basa
para sabay tayong mag hilomKay bigat nga ba ng dinadala mo?
oh ulap na mag bibigay ulan
pero alam nating dalawa,
na dapat kang tumila at matutoSabay ng pag sikat ng araw,
lalabas ang tunay na kulay
isang bahag-hari
na nag bibigay buhaykasing ganda ng dapat na sayo
ang bahag hari na dala mo
kailangan mo lang kayanin
ang matinding bugso---