Chapter 17 Black Street

100 2 0
                                    

Makalipas ang isang oras ay agad namang dumating sa lokasyon na tinext sa kanila.
Ang lokasyon na kanilang pupuntahan ang pinagsimulan ng lahat.

" Lero, niloloko na naman tayo ni Black Angel. Kalye ng mga adik ang lugar na ito baka mapagtripan tayo dito. " pag alala ni Chris.

Kakamot na lamang si Lero na tila kanina pa nakatayo sa gilid ng kalsada.

" tol, " tawag ng isang binata na kakilala niya.

" Leoses, kayo rin? " ask ni Lero habang kasama sina Luke at Jonh.

" Oo e, " bungad ni Leoses na may maangas na porma.

" Mr. President! Libre naman diyan. Birthday mo kaya." wika ng mga binatang paparating sa kabilang banda.

" Nandito din pala kayo. " pakikipagkamay sa bawat isa.

" Paano, nakatanggap kami ng mensahe sabi daw kailangang pumunta. " tugon ni Kenji, ang binatang mula sa Educ Department.

Biglang nalang may huminto na van sa harap nila.

" Boys kanina pa kayo hinihintay ni sir Denise sa kabilang kanto. " pa alam ng isang ginoo.

" teka, si sir Denise? " pagkagulat nilang lahat sa narinig mula sa isang ginoo.

" Sumakay na kayo at yong iba ay doon sa kabila. " tugon pa ng ginoo na nakasuot ng puting kimona na tila siya'y isang driver at higit na pinagkakatiwalaan.

Sumakay na lamang sa mga van ang mga binata na tila naguguluhan sa kanilang nalaman.

Magsisitahimikan na lamang ito habang nasa loob ng sasakyan.

" Hello sir, papasok na kami ng village." radyo ng driver sa kabilang linya.

Makikitang papasok na ang mga van sa San de juanico village.

Igagarahe ang mga Van sa parking lot at bubuksan ang pintuan.

" Nasa sala si sir Denise tumuloy na kayo." turo sa kanila ng malaking bahay na bukas ang pintuan.

" Good afternoon, mga sir." bati ng mga ginang.

Bumungad na lamang ang loob ng sala sa mga binatang tinulungan ng nagpapanggap na itim na anghel na nagtatago sa mukha ng malditang señorita.

" Sir Denise, nandito na ho sila. " pa alam ng manang sa ginoong abala sa pagbabasa.

Sandali na lamang siyang tatayo sa kaniyang kinauupuan at haharapin ang mga binata.

" Take a sit boys. Manang, maghanda ka nga ng meryenda saka sabihin mo doon sa señorita niyong pinagbubuntungan ng galit ang punching bag na maligo na siya dahil nandito na ang mga bisita niya. " utos nito sa isang manang.

" okay sir! " tugon nito at saka sinunod ang utos.

Isa isang magtatanong ang mga binatang naroon para klaruhin ang boung katotohanan.

" Si ma'am Sofia ay si black angel? " Sabay na tanong ng mga binatang naroon sa sala.

" exactly! " tugon ni Denise.

" Woah, ang astig no'n. Nakakamangha siya." puri ng binatang si Lero ganun din ang mga kasamahan nito.

Magbubulungan na lamang ang mga ito na tila hangang hanga sa dalagang kaklase niya.

Paparating naman ang isang manang na galing sa gym room.
" Excuse me sir Denise pero ayaw magpa disturbo sa training niya. " pa abot ng manang.

Tatayo na lamang si Denise sa sofang kinauupuan niya na tila may pupuntahan.
" Gusto niyo bang makita kung paano nagagalit ang isang anghel? " usisa niya sa mga binata.

SS 2: BLACK HELL UNIVERSITY-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon