Chapter 13 A Date

107 3 0
                                    

Buhat buhat ni Denise ang asawa habang patungo sa likod bahay.

Si Sofia naman ay panay ang palo sa asawa dahil gusto na niyang lumakad pero si Denise ay hindi siya binibitawan sa pagkabuhat.

" Denise, " tawag nito sa asawa.

" wag kang malikot! "

" Gusto ko nang bumaba! "

" Behave ka muna diyan at ibababa kita sa venue ng date natin."

Nginitian na lamang ni Denise ang asawa niyang panay ang pagpupumiglas sa pagkabuhat niya.

" Saan ba tayo pupunta? Sabi ko doon lang sa mga may paru paru eh. " anggal niya.

" Basta may place ako na maraming paru paru na mas maganda pa diyan. " wika naman niya sa asawa para mawala ang pagkainis nito.

" Sabi mo yan. Magtatampo talaga ako pag walang paru paru doon."

" Mayroon nga, " sandaling halik niya sa noo nito.

Dinala niya ang asawa sa tapat ng isang punong malaki.

" Anong ginagawa natin dito? " tanong ni Sofia na mukhang inis na inis na at hindi maipinta ang mukha.

Sandali namang yayapusin siya ng asawa nito, " aakyat tayo riyan?" sabay hila ng isang tali at bumukas ang pintuan sa likod nito.

" Wow, tree house? " mangha niya sambit na pinalitan ng pagkamangha ang mukha niya sa mga sandaling iyon.

" Hali ka at maghahanap tayo ng mga paru paru." yaya niya sa asawa.

Umakyat ang dalawa sa likurang bahagi ng hagdan ng puno patungo sa taas nitong bahagi.

" Excited ka na bang makita ang nasa loob nito? " usisa niya sa asawa na nasa harap ng pinto.

" Buksan mo na." excited na wika ng dalaga.

Sa hudyat na tatlo ay binuksan na ang pintuan. Bumungad na lamang ang mga paru parung nasa loob ng kwarto habang nakadapo sa mga bulaklak na ikinalat sa wall ng nito.

May mga pula, indigo at mga sari saring kulay na mga paru paru.

Napalukso sa tuwa si Sofia, " ang gaganda nila Denise. " tulo luhang sambit niya kasabay ng mahigpit na yakap sa asawa.

" Hali ka, lapitan natin at hulihin. " yaya niya rito.

Paghakbang palang ng dalawa ay biglang nagsilaparan ang mga paru paru at isang salita ang mga nabuo sa kanilang paglisan sa mga bulaklak.
" I LOVE YOU, SOFIA! "

Namula na lamang ang dalaga na tila kinilig sa nabasa. Yayapusin niya ang asawa ng mahigpit na mahigpit at pauulanan ng halik sa pisngi.

" Maraming maraming salamat Denise. " yakap niya uli rito.

" Mahal na mahal kita Sofia. " sandaling hinawi ang mga buhok nito at tinitigan.

" Halikan mo ako kung gusto mo. " wika niya sa asawa.

Binuhat na lamang ni Denise si Sofia at inihiga sa kamang yare sa mga petals ng mga bulaklak.

Ang halimuyak ng mga rosas ay nakapag dagdag sa romantiko date ng mag asawa.
Inilapat ang bawat kamay at inilapit ang mga mukha. Sandaling magkakatitigan at ipipikit ang mga mga mata nang kusa na hudyat ng pagdampi ng kanilang mga labi.

Isang matamis na halik ang pinakawalan sa isat isa kasabay ng pagliparan ng mga paru parung nasa bintana ng ginawang tree house ni Denise para kay Sofia.

Magkakatitigan ang dalawa sa kama habang nasa ibabaw si Denise at nasa ilalim si Sofia.

" I'm so happy dahil ikaw ang pangarap ko kahit noon pa mana. You're my biggest dream that I reached. My Sofia, wala na akong ibang hihilingin pa kundi mag ingat ka palagi. " habang hinahawi ang buhok nito tulad ng haplos ng pagmamahal sa isa't isa.

Babangon si Sofia at magtatanong, " ilan ang gusto mong anak? " tanong niya sa asawa.

" Depende kung ilan ang ibibigay mo? " tugon naman ni Denise sa kaniya.

" Denise pwede bang dalawa isang boy at isang girl. " tugon naman ni Sofia at sandaling humiga sa dibdib ng asawa.

" sige! " tipid nito tugon na may kasamang halik sa noo.

Mapapahawak na lamang si Sofia sa baba ng dibdib ng asawa.

" Ba't matigas? " puna niya rito.

Ngingisi na lamang si Denise sa kaniya.
" abs ko yan. " tugon niya.

Itinaas ang damit ng asawa niya para tingnan kung abs nga, " tskk! Hindi mo ako maaakit sa abs mo no. " sabay palo rito.

" Sofia naman, kababaeng tao tapos hindi naatract sa abs. "

" Paano ganun ako eh, "

" Gusto mo bang tingnan yong sa baba? " ngising tukoy ni Denise sa pantalon niya.

" Manyak ka talaga." suntok niya sa asawa.

" Sofia naman, minsan nga lang ako mag trip ang kill joy mo naman. " ani Denise.

" Paano ang dami mong alam. " bangon nito.

Susuyuin naman siya ni Denise, " Sofia, kiss mo ng ako. " turo nito sa labi niya.

" Gusto mo kiss! Kiss mo kaya to." sabay harang ng bulaklak sa bibig niya.

Tatanggalin naman ito ni Denise at ilalapag sa kama.

" Sofia, " sabay halik sa pisngi ng asawa.

" Tigilan mo ako Denise hindi na ako natutuwa." pikung sabi ni Sofia na halatang nag iba na agad ang mode niya.

Pasimple naman siyang yayapusin ni Denise, " 'wag nang magtampo. " suyong halik sa noo at saka pinahiga sa bisig niya.

" H'wag ka nang malungkot diyan ang ganda ganda mo kaya. " wika niya sa asawa at pasimpleng may inabot sa may mesa.

" Denise, naiinis na ako. " ani Sofia.

" Ito oh, para hindi ka na mainis. " abot ng isang box na may pulang ribon.

" Ano na naman ito? " usisa niya sa asawa.

" Buksan mo nalang kasi." tugon ni Denise habang nag aabang sa reaksiyon ng asawa.

Nanlaki na lamang ang mga mata ni Sofia nang makita ang laman ng box.

Tatlong libro ang nakapaloob doon na may makakapal na pahina.

" Wow, binilihan mo ako ng paborito kong libro Denise! Ay kainis ka. " hampas niya sa asawa nito habang napaluha sa saya.

Mangingiti na lamang si Denise, " ano? Naiinis ka pa rin? " usisa niya.

" Hindi na saka ang ganda talaga nito! Maraming salamat Denise. " dagang yakap niya sa asawang nakahiga.

" Walang anuman Sofia kong maganda na maldita pa. " tugon niya.

" Thank you talaga." kiss niya sa pisngi ng asawa.

" Wala bang kiss sa lips? " hirit pa nito.

" sige na nga, " payag nito.

Humiga na lamang si Sofia na pumailalim sa asawa niya.

Sandaling hahawiin ang mga buhok at titigan sa mga mata.
Dahan dahang ilalapit ang mga labi sa isat isa.

Isang madiing halik ang pinakawalan ng mag asawa sa mga sandaling iyon.
Titigang malalagkit na parang asukal ang tamis.

SS 2: BLACK HELL UNIVERSITY-COMPLETEDWhere stories live. Discover now