Chapter 6 Malditang Sofia

171 2 0
                                    


Papakyat na ako sa taas habang nakasuot ng bath rob. Si Denise kasi laging pikun saka ayaw niya talaga akong galawin kasi nga tinutupad talaga niya ang pangakong binitawan.

Papasok na ako ng kwarto ay bumungad sa akin ang pulang damit sa kama na may mahahabang laylayan saka mukhang mamahalin ito. May malambot siyang tela at may tag pa nakalagay mukhang bago nga.

" Si Denise talaga. " ngiti kong sabi at kinuha ito.

Makalipas ang ilang minuto, nasa harap ako ng salamin para magsuklay at maglalagay ng lotion.

Bubuksan ko na sana yong lotion ng biglang may umagaw sa akin. Damned, ang asawa kong naka tapis ng tuwalya at mukhang galing sa shower.

" Sweetheart, you look ko so beautiful. " ngisi niya.

Ano ba yan, bat siya nasa harapan ko?

" Magbihis ka na nga, " sabi ko sa kaniya.

Bigla nalang niyang tinanggal ang tuwalya sa baba niya.

"Oh my gosh," takip ko ng mga mata ko at nagtago sa kumot.

Narinig ko na lamang na ngumingisi siya.
" ano? Handa ka na ba? "

huhuhu, mukhang nasa harapan ko siya. Ayoko talagang mapahamak ngayon e.

" Sweetheart! " tawag niya sa akin habang dahan dahang hinahatak ng kumot ko.

Mapapa pikit na lamang ako hanggang sa,
" my Sweetheart! " bigla niya akong hinatak at pinahiga sa kama.

Mama, need help! Ayoko pa ng ganito.
" Denise, nahihibang kana ba? " atras ko sa kaniya.

Pero ayan siya gumagapang papunta sa akin. " Pinainit mo ako kanina kaya pagbibigyan kita ngayon. " ngisi niyang sabi na ewan mukhang seryoso siya.

Patay na, ayoko ng ganito. Isip ka ng paraan Sofia para mapigilan mo siya.

" Denise, " kumot ko na lamang sa sarili ko at humikbi. Bigla nalang siyang tumawa at umupo sa tabi ko.

Kainis siya lagi niya talagang trip na manakot sa akin.

" You're so cute kaya mahal na mahal kita eh. " kurot niya sa pisngi ko.

Kainis talaga siya, " Denise naman e, " hampas ko sa kaniya ng unan.

Hinawakan na lamang niya ako sa pisngi.
" Ayan ang ganti ko sayo dahil panay ang pang asar mo sa akin kanina. Titiklop ka rin pala, " halik niya sa noo ko.

Grabi ang ganti niya nakakatakot nga, " ano natakot ka ba? " tawa pa niya sa harapan ko.

Wala talaga siyang konsensiya mamatay na ako sa kaba tapos siya patawa tawa lang.

" tskk! Diyan ka na nga! " iwan ko sa kaniya sa kama at bumaba.

Argh, humanda ka talaga Denise hindi ako tatabi sayo sa kama. Grabi ang kaba ko doon akala ko talaga tutuluyan niya ako. Haystt, para akong makahiya na tumiklop na lang bigla sa engot kong asawa. Humanda ka talaga mamaya hintayin mo ang ganti ko.

" Señorita, handa na ho ang dinner." wika ni manang.

Ay, dinner pa lang pala muntik ko nang makalimutan. Bahala siya hindi ko siya tatawagin.

Pagdating ko sa hapag ay agad kong umupo ay naglagay ng tissue napkin. Saka kinuha ang kutsara at tinidor.

Kukuha na ako ng kanin ng biglang dumating si Denise, " Sofia, gutom na gutom ka ata? " usisa niya na tila nang iinis na naman.

Sige, inisin mo pa ako dahil lalayasan talaga kita. Bweset na bweset na talaga ako sayo.

" pray muna tayo! " titig niya sa akin.

SS 2: BLACK HELL UNIVERSITY-COMPLETEDWhere stories live. Discover now