Chapter 16 The Justice

101 2 0
                                    

Matapos ang mahabang exam ay nagsi uwian na ang mga running candidates for graduation. Ilang buwan nalang at magtatapos na ang mga ito at makukuha na ang mga diploma nila.

Two months nalang ang bibilangin para makaalis sila sa magulong university na naging pangalawang tahanan ng mg studyanteng mapalad na makaka akyat sa entablado.

Mayroon namang mga studyanteng nabaon na sa limot sa madilim na bahagi ng skwelahan na hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya.

May mga kaluluwang nagiging saksi nalang ng bawat taon na lumilipas na hindi man lang naririnig ang mga hikbi nila.

Tanahali noon, ang araw ay tirik na tirik sa kalangitan.

Tahimik ang loob ng hallway at halatang walang magpapa iwan sa bawat classroom sa oras ng uwian dahil baka gawin silang pananghalian ng mga buwitreng nagmamatyag lang.

Samantala ang bawat leader naman ng mga department ay mayroong natanggap na mga message galing sa isang unknown number.

Kaya dali dali itong nagtawagan para magtanong sa isa't isa.
Pero wala silang nakuhang sagot at napatungo sa lokasyon na pinapapuntahan sa kanila.

Sa May Basement
Naguluhan na lamang ang mga binata na naroon kung bakit sa basement pa sila pinapunta. At hindi sa hallway dahil hindi lang madilim sa basement kundi naroon ang mga kaluluwang nakulong sa mahabang panahon.

Magkakagulatan na lamang ng magsidatingan pa ang ibang ka - department nila.

Magtatanungan kung sino ang nagpapunta sa kanila doon.

Ngunit walang makakapag sagot ng mga katanungan nila.

" Sino ba ang nagpapunta sa atin dito? " tanong ni Lero na kanina pa naghahanap ng daga este kanina pa nagpapa ilaw ng flashlight niyang dala sa paligid nito.

" Para tayong tanga dito hindi man lang sinabi kung anong mayroon dito sa basement? " pagkainis ni Jonh.

Magtatakbuhan na lamang ang lahat at dati sariling hanap ng daan papalabas ng makarinig ng kalanting ng tubo sa paligid nila.

Magkukumaripas ang mga ito ng biglang,
" ang duduwag ng mga ito! " sumbat ng babaeng naka itim at naka maskara sa tapat ng pintuan.

" takbo! " pagkagulat ng mga ito at napabalik sa kinaroonan nila kanina.

Hiningal na lamang ang mga ito ng biglang may nagsalita.  " Hindi naman kayo kakain ni Black Angel gusto lang niya kayong kausapin. " wika ng lalaking naka maskara na kanina pa nasa tabi nila.

Nagkagulatan na lamang ang mga ito at nagtilian sa pagkatakot.

" Parang mga bakla, " wika naman ng babae sa wall na nakasandal at may dalang tubo.

Mukhang siya ata iyong nagkalanting kanina na ikinatakot at nagtakbuhan ang mga binata.

" Ano ba ang kailangan niyo? " tapang na tanong ni Chris na nawala ang pagka kaba kanina.

Lalapitan sila ng tatlong naka maskara at isa isang kikilatisin ang mga ito.

Tatawa na lamang ang isang naka maskara na babae at saka tatahimik. Mukhang tinawanan niya ang leader ng Hm department.

" May problema ba? Tawang tawa ka ata sa mukha ko? " pagkainis na wika ni Chris na tila hindi natutuwa sa isang naka maskara na pinagtawanan niya.

Hindi na lamang sasagot ang nakamaskarang babae at maghuhudyat ng kalantig sa sahig.

Maririnig na lamang ang mga yabag ng sapatos na paparating. Mula sa madilim na bahagi ng sulok ng basement ay mayroon kung anong lumalabas roon. Ang madilim na kulay na lalong nakakapag bigay tago sa likod ng maskarang suot niya.

SS 2: BLACK HELL UNIVERSITY-COMPLETEDWhere stories live. Discover now