42: First night back home

Start from the beginning
                                    

Hinawakan nya naman yung kamay ko.

"Meiko Sorry, Hindi ko sinasadya na bigyan ka ng ibang address sa store! Meiko sorry talaga.."

"Okay lang yun Maureen, Ikaw talaga.. Wag mo na masyadong isipin yun"

Ayoko nang pag usapan yung nangyari nung araw na yun..

"Talaga? Salamat meiko ha.. Mauna na ako sa cafeteria, may naghihintay saken dun basta sorry talaga!"

Tumango ako at dali dali naman syang lumabas ng room..

"Maling address? Yun ba yung pinunta mo kahapon? Ano bang nangyari, Meiko?"

Yung nangyari..

'Miss teka! Wag ka namang ma arte!'

"Mei----"

*SLAP!!*

?!?!!?!

"Meiko? O-okay ka lang? H-hinawakan ko lang naman yung balikat mo.."

A-ano bang ginagawa ko.. Bigla ko nalang hinampas yung kamay nya na nakahawak sa balikat ko..

"Ivan, sorry, h-hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako.."

H-hindi ko dapat iniisip yung nangyari kahapon..

"It's okay.."

Hindi na ako kumibo at hindi rin naman sya nagsalita pa..

Patayo na sana ako para lumabas, naging uncomportable na ako dahil sa ginawa ko pero hinawakan nya yung kamay ko kaya ako napahinto..

"San ka pupunta?"

"Sa cafeteria.."

"Tara.."

Hindi nalang ako nagsalita, naglakad ako palabas at sumunod naman sya..

Kumuha naman kami ng makakain at nagtungo sa isang bakante na table..

"Oh nga pala, sabik ka nang makita ni Ate Lin sa bahay mamaya"

Si Ate Lin..

Muntik ko nang makalimutan...

Tsaka.. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya..

"I-Ivan.."

"Hmm?"

"Kasi.. Babalik na ako sa bahay.."

Napatigil naman sya sa pagkain at uminom muna ng tubig bago magsalita.

"Bakit? Kelan?'

"Ngayon"

"Ano? Meiko.. Bakit... Bigla bigla nalang----"

"Babalik at babalik rin naman ako sa bahay namin, Ivan. Hindi pwedeng habang buhay nalang ako manatili dun sa inyo, nakakahiya na tsaka---"

"Meiko, wala akong tiwala sa lalakeng yun! Possible na uulitin nya lahat ng mga ginagawa nya sayo noon!"

"Nagkakamali ka----"

"Hindi mo mababago ang isip ko"

Napabuntong hininga nalang ako.. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw nila sa isat isa.

"Hindi mo alam kung ano ang nangyari nung nanatili ako dun sa bahay.. Si Keiji, ang dami nyang ginawa para saken Ivan.. at wala syang ginawa saken na kung ano gaya ng iniisip mo.. Nagbago na si Kei-----"

"Hindi mo masasabi yan, Meiko. Hindi mo alam kung ano ang takbo ng utak ng lalakeng yun habang ginagawa nya yung sabihin na nating, mabubuting bagay sayo. Hindi dahil naging mabuti sya, mabuti na rin yung iniisip nya. Malay mo may pinaplano pala sya? Baka nga sinadya nyang gawin yun para kunin ang loob mo at-----"

[R18] My Step Brother Where stories live. Discover now