MEMOIR#12: OKAY, I GIVE UP

19 2 1
                                    

Chapter 10.3: Okay, I give up


"Democritus devoted the study of causes of natural phenomena." panimulang bigkis ni Ma'am Jean habang palakad lakad sa harap at pokus sa makapal na textbook na hawak hawak niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at madiin na kinuwit ang taong katabi ko.

Agad namang lumingon sa'kin si Samuel, since our classmates avoided me. Dito na umupo sa tabi ko si Samuel madali niyang nauto 'yung kaklase kong dapat na katabi ko. I frowned ng makita ng merong maliit na papel sa mukha niya and what makes it weirder meron pang nakalagay 'Langhapin ang aking pisnge, tiyak ikaw'y mahihimatay'

Dahil wala ako sa mood agad kong sunupalpal sa pisnge niya ang isinulat ko kanina ng mga tanong. He giggled. Enjoy na enjoy pa siyang nasaktan ko siya. Utak nito, nasa jupiter. Nang nakita niya ang nakasulat sa pink sticky note na binigay ko sa kanya agad na kumulot ang kanyang noo.

"Ask her," tukoy ko kay Ma'am Jean na ganadong-ganado na naman sa pag Di-discuss. Magtatanong  pa sana siya ng tumingin ako sa harap ko.

"He was also the first to propose that matter is composed of tiny particles called atom----"  I cut her.

"Ma'am, may sasabihin po si Samuel," agad na tumigil sa paglalakad si Ma'am Jean ganon din ang mga kaklase namin na ngayon ay nakatingin na samin.

Umangat ng ulo si Ma'am Jean mula sa textbook na nakaharang sa kalahati ng kanyang mukha. I look at Samuel and he look  pissed off and that's how I want him to be. Serious while asking her those questions. Dahil wala namang choice si Samuel ay sunod-sunod niyang binasa ang mga nasa sticky notes ko. Tinignan lan niya iyon saglit at isang segundo na saulo na niya lahat ng sinulat ko.

"Ano ang Unang nabubuo, manok o itlog? Bakit pine-tree ang tawag sa pine-tree kung hindi naman siya fine? Bakit blackboard ang tawag sa blackboard kung 'di naman siya Black?" napa-facepalm ang buong klase but ma'am Jean composed her posture. Hindi s'ya nagpakita ng pagkainis o pagkadismaya sa mga tanong ni Samuel.

Umawang ang labi ko. Tsk.

-----

"MA' AM JEAN, nagbubogbugan na naman po sila Madoxx sa gym." karepas, hingal na hingal na sabi ni Lauren ng sakto niyang madaanan si Ma'am Jean sa pasilyo.

"Call the guidance officer immediately, I'll give you some time." seryoso at may halong paga-alala na sambit ni Ma'am Jean na tumawag pa ng ibang kaklase naming lalake para umawat.

"Amity, pwede mo ba akong samahan sa restroom." salubong sa'kin ni Espera sa pasilyo. Tumango ako bago mulling tinignan ang kinaroroonan ni Ma'am Jean.

Napaangat ako ng labi. Nakita ko na lang ang mabilis na paglakad niya paalis.

"TEKA, Amity!" napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Nasa gilid na ako ng faculty papunta sa senior building. Agad akong lumingon sa isang mini-garden na ka harap mismo ng faculty.

Hindi naman ako nagkamali sa akala na si Sir Alejandro ang tumawag sa'kin. Hindi na ako nag dalawang isip na lumapit sa kanya. Meroon siyang dala-dalang isang carton na puno ng mga brown and white folder na pinaghalo-halo.

"Pwede mo bang ilagay 'to sa lamesa ko," he said in a polite way. Dito ko lang napagtanto na meron pala siyang kasamang babae na mukha ng kaedad niya. Maybe in her late 40s. Kulot ang kulay kape niyang buhok at napaka-disente ng kanyang suot na napapalamutian ng mga dyamante.

"Okay, sir." siguro asawa niya 'yun kaya napakaimportante ang makausap siya kesa sa karto na to.

Mabilis kong nahila ang sliding door ng faculty, agad na sumalubong sa' kin ang lamig ng  aircon. Buti na lang talaga nautusan ako dito ni sir Alejandro. Bumati muna ako sa lahat ng teacher na nasa loob ng faculty bago sinilip silip ang bawat cubicle ng silid. At nakita ko naman agad ang cubicle ni sir Alejandro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rules of MemoirWhere stories live. Discover now