Season 3 Chapter 28

3.1K 46 2
                                    

Chapter 28


Previously on Gossip Girl, we're at the Ashford mansion para umattend ng 19th birthday bash ni C! She doesn't have any idea at all. On the other hand, I'm glad I do...


'Oohh dark eyeshadows'

Sinipat sipat ni Charm ang newly applied make-up sa kanya ng make-up artist na ngayon pa lang niya nakilala. They were in her room at hindi daw siya pwedeng lumabas dun hanggat hindi pa siya tapos ayusan.

In fairness, hindi pa niya natatry magpamake-up para magmukhang vampire, as in bukod sa kanyang dark eyeshadows, her lipstick is bloody red. Pinagsuot pa siya ng red contact lenses.

Napatingin si Charm sa kanyang suot na bathrobe at fluffy bunny slippers. "Anong isusuot ko? Come on, excited na ako!"

Ngumiti sa kanya ang make-up artist. "Wait lang po ma'am hintayin na muna natin yung hairstylist."

Dumating ang tinutukoy nito after five minutes na may kasamang mga helper. They fixed Charm's hair in a messy but stylish bun. After that, they have to wait again para sa kanyang outfit na isang red tube gown na may mahabang slit.

Isinusuot na sana niya ang red pumps nung biglang namatay ang ilaw.

"HEY! Brownout ba?!"
she called for the attention of her attendants. Sa kasamaang palad, wala ni isa ang sumagot.

Narinig na lang niya ang langitngit ng pinto pero hindi niya matukoy kung may pumasok ba o lumabas.

"Fine. Since ayaw ninyo akong sagutin, I'm going out now." aniya sabay kapa sa mga pumps.

Nawawala ang pumps na susuotin niya! Sigurado siyang katabi lang yun kanina ng left foot niya pero ngayon ay hindi niya malaman kung nasaan na ang mga yun.

Bumukas ulit ang pinto. Naaninag niya ang red pumps dahil umiilaw yun. Bigla rin iyong naglakad palayo.

Napangiti si Charm. Someone was wearing her pumps pero naka-all black yun kaya kung hindi titingnan nang maigi ay aakalain mong naglalakad yun mag-isa.

"Well, the chase is on!" ani Charm. Nangapa siya hanggang sa makalabas siya ng kanyang kwarto at sinundan ang trail ng kanyang red pumps. She doesn't even care if she's barefooted.

Tak. Tak. Tak.

Dinig na niya ang lagutok ng heels na tumatama sa marble flooring. Nakarating siya sa balcony kakasunod sa pumps.

Napatingin siya sa first floor. There is a tree in the middle of the hall. Parang ang mga dahon nun ay gawa sa red glitters.

Dahan-dahan siyang bumaba ng stairwell, and as she was doing so, a light from somewhere projected a flowing river on the stairs. Ang masaya dun ay para talaga siyang bumababa sa bahagdan na river.

Umagos ang projected water patungo sa puno na nag-emit ng liwanag.

Speechless siya sa ganda ng special effects. Some were real, like the butterflies na palipad lipad.

The next moment, surrounded na si Charm ng mga ballet dancers. She loves to see ballet on her birthday!

Lumapit sa kanya ang dalawa at pinaupo siya sa isang throne na katabi ng enchanted tree.

May lumapit sa kanya at nakilala lang niya yun nung tinapatan iyon ng spotlight.

Sure siya na si Xian yun. Nakasuot iyon ng black suit over a white shirt at may hawak na violin.

Tinugtugan siya ni Xian. Her smile is broad kahit pa hindi niya kilala ang piece that he played for her.

Mayamaya nakita na rin niya si Yuan. Palapit iyon sa kanya. He asked for her hand and they danced. Nagpalakpakan ang mga guest.

"I love you Yuan." she whispered to him. Every birthday niya, palagi niyang hinihiling na sana ay magtagal pa sila. Hindi niya maiimagine ang life na wala ang isang Yuan Sy.

"Happy birthday, and I love you too." he whispered back.

Present ang lahat ng mga ineexpect ni Charm, like her half sisters. And expected din niyang hindi aattend si Kimi kahit pa alam niyang inimbita yun ni Yuan.

They have a fantastic night and at the end of the program, ang lahat ng guest ay binigyan ng pomegranate na may nakaattach na blank paper with strings.

"This is Chinese." nakangiting sabi ni Yuan sa lahat. "Pero instead of orange, we're using pomegranate. Now, I want all of us to write down our wishes at pagkatapos, we'll throw the pomegranate at the tree. Kapag nakasabit sa sanga ang strings, or hindi nalaglag ang fruit, your wish will come true—"

"Cool! I'll wish for superpowers!" bulalas ni Athena. Nagkatawanan dahil sa kanya.

Pinauna nilang maghaging ng fruit ang birthday girl. Inalalayan siya ni Yuan.

"Here we go... One... Two... Three—"

Sumabit sa pinakamalaking sanga ang string kaya napa-yes si Charm. She even clapped. Halos lahat naman ay success na naisabit sa puno ang kani kanilang mga wish dahil mababa lang ang puno.

Sa Ashford mansion na nagpaovernight si Charm at si Yuan. First time ni Yuan makikwarto sa room ng asawa niya. Ang una niyang ginawa ay magbutingting ng mga gamit ni Charm.

"Matagal tagal din tayong naging magbest friend pero hindi ko pa narurummage tong kwarto mo na to." komento ni Yuan habang chinecheck ang mga CD collection ni Charm sa isang estante.

Nilingon ni Charm ang asawa. She's sitting in front of her dresser at nagpapahid ng residues ng inapply niyang cold cream.

"—Nandiyan pa yung mga CDs na binigay mo sakin. I remember, ayoko sa music na gusto mo. But I don't know. Isang araw naappreciate ko na sila."

Itinigil ni Yuan ang pagtingin sa mga CD then lumapit siya kay Charm.

He patted her cheeks. "Matulog na tayo señorita."

"Okay. Pakipatay po ng ilaw please."

Yuan did so. He switched off the main light while Charm climbed up the bed.

May liwanag pa naman kahit paano dahil nakasindi ang lampshades. Pinatay rin ni Yuan ang mga yun nung nasa kama na siya.

——

The following week is a busy week for F-Club. Unti unti na kasi silang nakikilala sa market. Pinaplantsa na rin nila ang tungkol sa pagbubukas ng branch sa isang mall.

No show na talaga si Kimi kaya hindi magkandaugaga ang tatlo sa pagmamanage. They depended too much on Kimi before. Kapag si Kimi ang gumagawa, effortless at flawless. Samantalang sila, stressed.

"Abi, hindi ito yung hinihingi kong records!" pinagalitan ni Charm ang kanyang newly hired secretary dahil mali ang iniabot nun sa kanya.

Napatungo ang secretary. "Sorry po miss Charm. Kukunin ko na—"

"THEN GO!" sigaw na niya.

Hindi na maganda ang pakiramdam niya tas sasabayan pa siya ng kunsomisyon at—

Ring.. Ring..

Nagring ang landline. "—Yes hello, this is Signet Co.'s office..."

Discomfort na ang nararamdaman ni Charm. She quickly covered the mouthpiece at ninudge si Daniela na katabi lang niya. "Dan? Please take this call?"

"Uh sure."

Pagkapasa niya ng reciever, agad siyang tumayo ng upuan niya at lumabas ng office. Dali dali siyang nagtungo sa comfort room. Her level of saliva is rising. Parang gusto niyang masuka na ewan.

'Did I ate something bad this morning?' she thought. Wala naman siguro.

Binuksan niya ang faucet tas pinadaloy lang ang tubig. Nung dumukwang siya sa sink, tuloy tuloy na ang kanyang pagthrow up. Hindi pa rin bumuti ang pakiramdam niya kahit pa sumuka siya ng bubbles.

She decided to go to the hospital. Bumalik lang siya ng F-Club office para kunin ang kanyang bag.

"Charm! Aalis ka na?!" Daniela scowled at her. "Wag mong sabihing iiwan mo sakin ang lahat ng paperworks?"

Charm sighed. "Please Daniela, I'm not feeling well. Babawi ako bukas promise!"

Before Daniela could protest, bumira na siya ng alis. Doble ingat siya sa pagdadrive lalo pa ngayong hindi siya okay.

Narating niya ang isang private hospital in Pasay in less than thirty minutes at nakipagkita sa kanilang family doctor.

Chineck niyon ang kanyang pulse, bp, as in general check up.

"Were you expecting?" tanong nito sa kanya.

"P-po?" she looked stupid.

Expecting?! She's pregnant?!

Napaisip si Charm. Was there a day that she skipped her contraceptive pills?

"—Well, yun ang tingin ko. Pero irerefer kita sa OB-GYN para makasiguro ka." anang doktor niya.

Nagdial iyong ng numero mula sa landline tapos ay may kinausap.

"—Rose? Come here please." tinawag ng doktor ang kanyang nurse dali dali iyong lumapit.

"Bakit po doc?"

"Samahan mo itong si Miss Ashford kay Dr. Figuerroa."

Tumango sa doktor ang nurse bago bumaling kay Charm. "Tara na po ma'am."

Habang papunta sila sa OB-GYN, binilang ni Charm ang mga buwan. If ever buntis nga siya, lagpas naman siguro ng graduation ang due date niya right?

Pagdating niya kay Dr. Figuerroa, ininterview muna siya nito before running several tests and ultrasound.

"Congratulations Miss Ashford, three weeks na." masayang balita sa kanya ng doktor.

Pati siya ay masaya kahit unexpected. Tiyak na matutuwa si mommy Karine niya kapag nalaman nun na preggy na siya. Actually kay mommy Karine niya unang sasabihin ang good news bago sa kanyang asawa.

Bago siya umalis, kinamayan niya si Dr. Figuerroa at nagpasalamat.

Papunta na sana siya sa elevator when she saw a familiar face. Nakaupo iyon sa wheelchair at tulak tulak ng isang nurse.

Kilala niya talaga kung sino yun eh. What Charm did, hinabol niya iyon.

Nagulat yung nurse na nagtutulak sa wheelchair nung humarang si Charm sa dadaanan nila.

Charm ignored the nurse and stared at the person sitting in the wheelchair. "—Kimi, what happened to you?"


—Nacorner din ni C ang taong napakahirap hanapin, as in kahit ako kaya niyang pagtaguan! What comes next?

You know you love me, XOXO Gossip Girl!

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon