Chapter 7

6.7K 124 4
                                    

Chapter 7


--Gossip Girl here lower-East siders. Look who's live in Manila! It's Panic! At the Disco. If you're super sad from the sold-out ticketbooths, I'll be your eyes here at MOA Concert Grounds, promise!-- Ooh.. Just spotted here at the event, bffs C and Y. Having a hard time seeing them? Definitely, if they're not in VIP seats...

"Yuu, what's the meaning of this? Nagtitipid ka ba?" lukot pa rin ang mukha ni Charm simula pa kaninang pagkaumpisa ng concert. Kanina pa rin niya iniinda ang mga nagkakandarapang commoner fans na bumabangga sa kanya.

Ngumiti lang ang mokong sa kanya. Kundi lang bumagay kay Yuan ang kulay mais nitong buhok, malamang ay times two ang inis niya dito.

"YUAN!" sigaw niya.

Bahagyang yumuko si Yuan "Ano?"

Hmp.. Hindi gumagana sa kanya ang inis effect ko! Well try this--

Binago niya ang expression ng kanyang mukha, mangiyak-ngiyak "Masakit ang paa ko, may umapak sakin tapos may nanunulak tapos--"

Pumunta sa likod niya si Yuan at hinawakan ang dalawa niyang balikat.

"Okay dito ako, I'll be your shield."

Natawa siya habang umiiling.


"Masaya naman diba? Nandito tayo sa gitna ng crowd, walang nakakapansin satin."

Tumango na lang siya kahit hindi totoong walang pumapansin sa kanila. Malakas ang intuition niya na gusto lang man-chancing ng mga dumidikit na lalake sa kanya at mga babae kay Yuan.

--I feel the salty winds come in.. I feel them crash against my skin--

Pero ano nga kaya ang buhay kapag hindi ka multi-millionaire? Just a commoner perhaps. Yung hindi ka talaga kapansin-pansin?

--and I smile as I respire because I know they'll never win--

Masaya ba kagaya ng napapanood niyang mga runaway rich people sa tv soaps?

--There's a haze about my tv that changes everything I see--

Or talagang mahirap kapag walang pera? Gaya naman ng npapanood niya sa news?

--and maybe if I continue watching I'll lose the traits that worry me..

Wooooh! Nagsigawan ang mga fans.

Humigpit ang kapit sa kanya ni Yuan, halatang iniinda nito ang mga nanunulak sa likod nila.

Nagtawanan na lang silang dalawa. It can't be helped.

----

Pagkatapos ng concert ay niyaya niya ang bff na sumakay sa giant ferris wheel. Maraming ganito out of the country pero iba pa rin pag dito sa Pilipinas. Simple lang ang view pero it feels nostalgic.

"Yuu, sa tingin ko, kaya ko na ihandle mag-isa ang plans ko tungkol sa--"

"--Sigurado ka Charm?" sarkastikong tanong ni Yuan. "--o natatakot ka lang dahil nangyayari ang mga ayaw mong mangyari?"

Umiling siya. "No--pero--"

"Fine.." mahinahong sabi ni Yuan. "Daanin na lang natin sa pustahan."

"Call." pustahan lang ang solution kapag may arguments silang dalawa.

Yuan stroked his hair. "Kapag napigilan mo ang susunod na mangyayari sa pamilya mo, you win. Hindi kita papakialaman. Pero kapag nagfail ka-- we'll do things my way."

Natutop ni Charm ang bibig. "Oh my God Yuan? Don't tell me--"

Ngumiti ang bff. Ngiting nakakaloko. "I don't have to tell you honey. The gears are already set, I'm just some unsuspicious lubricant."

"HOW DARE YOU?" bulyaw niya.

"50-50 lang ang chance na maaaring mangyari yun, kaya may 50% probability na hindi iyon matuloy. So pagpustahan natin fair and square."

"Tama nga ang iniisip ko.." bulong niya.

"I thought gusto mong maghiganti? Why are you so lame Charm? Nakalimutan mo na ba ang mga grudges mo? Or mahal mo na ang social life na namulatan mo?"

"Wala akong nakakalimutan Yuan. It's just that dumadami ang bitches sa pamilyang Ashford! You're overdoing it!"

Nagtawa si Yuan "Wala akong ginagawa Charm. Swerte lang."

"You want something, isn't it?"

Namalayan na lamang niyang may nagbukas na ng kanilang chamber. Time's up.

Naunang bumaba si Yuan. "I do. Pero wala kang malalaman kung hindi ka kikilos."

Sumunod siyang bumaba. "You're going to take everthing from me Yuan? That's bull."

"Why not? After all ako lang ang kailangan mo.. wala nang iba."

--Do I sense a Y vs. C? That's pretty fascinating..

Bago pa man siya makapagsimulang magplano ay umakyat na sa 80% ang winning rate ni Yuan.

She crumpled a light blue scented card pagkatapos niyang mabasa ang laman niyon.

For the next moment ay sakay na siya ng kanyang Volvo. She tried to call her Dad na kasalukuyang nasa office nito sa Makati and asked for an appointment. Pumayag naman iyon knowing kung ano ang pag-uusapan nila.

In less than an hour ay narating na niya ang A.S. Group Tower. Pagkatapos ipark ang sasakyan, dire-diretso siya sa elevator ng lobby, ignoring the employees na bumabati sa kanya.

Ting!

Pagbukas ng elevator, di inaasahan na bumungad sa kanya ang pigura ng isang babaeng nasa late 40's na. Slim ito at mukhang sagana sa botox at face lift dahil banat na banat ang mukha nito. She's immaculately dressed in a white blazer and pencil-cut skirt. Three inches ang suot nitong brown Parisian. Dangling from her arm is a genuine Louis Vuitton piece.

"Good morning Miss Sylvanna." walang ganang bati niya.

Agad bumeso sa kanya ang babae "Hija, nice to see you."

"Okay.." sagot naman niya. Agad siyang sumakay sa elevator.

'A mutton dressed as lamb.. Sylvanna, that is.'
saisip-isip niya.

Bumaba siya sa floor ng office ng kanyang Dad. His secretary showed her inside the spacious extravagant work office for the president of the company.

Bihira lang siya mapunta dito. She wanted to give her Dad an impression na half-hearted siya when it comes to business.

But her Dad would never know na at the mere age of eighteen, she's already an investor.

Her Dad was seated behind a handsome desk, rummaging over some documents.

"Sir, Miss Charlotte is here." pagkasabi noon ay kagyat na lumabas ang secretary.

Iniangat ng ama ang ulo. "What is it Charlotte?"

Dinukot ni Charm ang lukot lukot na card mula sa kanyang Gucci bag at inihagis iyon sa table ng ama bago umupo sa isang armchair kaharap ito.

"You knew I don't want her!" singhal niya. "Cancel your engagement right at this instance."

"And just who are you para utusan mo ako? You're just my daughter!" bulyaw naman ng kanyang Dad.

She was taken aback. She thought all along na nagbago na ito. She even want to forget the past because he was still her Dad.

Muli itong nagsalita. "Umaabuso ka yata Charlotte. Kaysa pakialaman mo ang personal life ko, bakit hindi mo na isipin ang future ng ating company? Samantalahin mo habang interesado sayo ang anak ng mga Sy at si Andrei."

Pakiramdam niya ay nanginig ang buo niyang katawan. Before she could explode, nag walk-out na siya.

Kaya gumanda ang trato sa kanya ng Dad niya ay hindi dahil nagbago na ito. Kundi dahil may pakinabang siya dito. Hindi dapat siya nagfalter, at hindi dapat siya nagbigay ng chance para patawarin ito.

Four years na ang nakakaraan mula nang mamatay ang kanyang Mama. Hindi pa gaanong maalwan ang buhay nila noon. Ang maliit na family business nila ay baon pa sa utang.

Palaging lasing ang kanyang Dad. Kapag umuuwi ito na wala sa mood, sinasaktan siya o kaya ang kanyang Mama.

"You ugly child! I really wonder if I'm your biological father!" hindi pa fluent magtagalog noon ang kanyang Dad. Pero naiintindihan na niya ang gusto nitong sabihin.

Panget siyang bata. Kakatanggi lamang sa kanya ng anak ng mga Belleford.

Niyakap siya ng kanyang ina "
Don't hurt her, please Rick.."

Hindi naman talaga kagandahan ang kanyang Mama, domestic helper ito noon sa Charlotte Amalie, doon sila nagkakilala ni Rick. Siguro ay nagmahalan talaga sila dati, pero simula nang magpakasal sila, naghirap sila financially. Iniisip ng Dad niya na malas silang mag-ina.

Matalim at nakakatakot ang mga mata ni Rick na tumitig sa kanilang mag-ina "You shut your mouth you slut!"

The following month, nadiagnose ang Mama niya with stage 3 breast cancer. Hindi man lamang ito ipinagamot ng ama. Ang relatives pa nilang mga Filipino ang nag-ambagan para sa chemo cycles nito. Nasa tabi lamang siya ng kanyang Mama at halos ayaw humiwalay dito.

"Anak, labas ka muna, please. Bumili ka ng gusto mong pagkain." mahinang utos ng kanyang ina.

Agad siyang sumunod. Pagsarado niya ng ward, dinig niya ang pigil na palahaw ng ina. May nararamdaman na naman itong sakit na ayaw ipakita sa kanya. Naiyak siya.

"Baket ka-- umi-iyak?" nag-angat siya ng
paningin. Napatda siya pagkakita sa isang binatilyong chinoy sa harap niya. Gwapo ito, mas gwapo kaysa kay Andrei. Naka-cast ang kaliwa nitong paa at may alalay na dalawang saklay.

"Sino ka?" tanong niya.

"A-ko s-si Yu-an Sy.." sagot nito na pautal. Nag-iisip siya kung may problema ito sa dila. Pero kagad niyang naisip na hindi ito sanay magtagalog.

"Can you speak English?"

Tumango ito at muling nagsalita. "I'm sorry, I'm still learning Filipino. I just speak English, French and Mandarin." perfect ang accent nito, nakakaimpress.

"What's wrong with your leg?" usisa niya.

"I--car accident." ngumiti ito. "How about you? Why are you crying?"

"My Mom is sick--
cancer.."

"I'm sorry to hear that." sagot nito with sympathy. "Do you want to come along with me? Let's explore."

Doon nagsimula ang pagiging magbff nila. He even attended her mother's wake and burial eight months prior to their first meeting.

Nag-alisan na ang mga nakipaglibing, at naiwan siyang mag-isa sa harap ng puntod ng kanyang Mama na umiiyak.

"I hate Dad! He killed you! I swear--" umulan na, pero nanatili pa rin siya sa kinatatayuan. "I-swear he'll--" wala na siyang patak ng ulan na nararamdaman. May payong sa ibabaw niya. Hawak iyon ni Yuan.

"Gusto mo'ng gumanti? Tutulungan kita." fluent na ito magtagalog.

"I don't know how--"

"Babae ka, and you're intelligent. Use your charm--"

"I'm a nobody. An eyesore--"

"Don't belittle yourself. Maganda ka Charlotte. But you're like a rough diamond ore. You need to be polished to show your brilliance."

Isinandal niya ang noo sa balikat ng kaibigan. "Bakit mo ako pinoprovoke?"

"Simply bored." sagot ni Yuan sa kanya.

They stayed like that for a long time.

"Charm.."

"Anu yon?" tanong niya.

"I want to call you Charm. Ikinuwento mo na malas ka daw sabi ng Dad mo. I don't think so. Nung nakilala kita I've never been so lucky."

Bahagya niyang tinulak ang bff. "Bola!"

Natatawa ito "Totoo, minamalas ako pag wala ka--"

Mabilis na ang mga pangyayari after nun. May investor na nagpahiram ng malaking amount sa kanilang company. Hanggang sa nagboom ito.

At pati siya ay nagtransform on her junior year in high school. She replaced her thick eyeglasses with fashionable contact lenses. Her braces were removed dahil maayos na ang ngipin niya. Nag-aral siya tungkol sa fashion. Hindi nagtagal ay siya na ang no.1 it-girl at prom queen ng campus nila. Bumait sa kanya ang Dad niya nang dumami ang kanyang suitors lalo na nang magreconsider si Andrei.

Everything was all thanks to Yuan, her first love.

Pero ngayong mulat siya na ang mga taong nasa paligid niya ay may kanya kanyang schemes, at naggagamitan, sure siya na hindi malabong one day ay magbabanggaan sila ni Yuan.

--hey there. Gossip Girl here. Our favorite it-girl is yet to face another family trouble. But I do hope she'll attend the engagement party to keep the gossips rolling.

XOXO Gossip Girl.

 

 

 

 

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon