Season 2 Chapter 16

4.2K 55 8
                                    

A/N: Good Reads!------------------- Isla La Fuentes, Way Back into Love and A Night With Mr. Arrogant

----

Chapter 16

--Gossip Girl here. Look who's ALSO back in the hospital? The one that got away. Hayan, nasa iisang lugar na naman ang bipolar twins.

You can't really see one without the other these days. :D

Xian left Mahren and her cousin sa out-patient department upang ipacheck-up ang huli. Siya naman ay dumalaw sa ward ng kanyang ama. Tatlo tatlo ang nag-aalaga ditong nurse; bukod doon, halinhinan din itong binabantayan ng kanilang mga security personnel.

Mahigit isang buwan na itong comatose at hindi pa rin nagigising.

Hindi naman masyadong mabigat ang bearing ng pagkakacomatose ni Lauro Sy sa lahat ng kanilang business. Salamat sa matalino at organisadong phantom executive na walang iba kundi si Yuan.

Pinaalis ni Xian ang lahat ng tao na nasa loob ng ward. Sumunod ay naupo siya sa isang armchair kaharap ang nakaratay na ama.

"Fu qin, gigising ka pa ba?"

Siraulo lang. Hindi naman sasagot ang tatay niya. Pero ang sabi nila nakakarinig pa naman daw ang mga taong comatose.

"Alam mo, matagal ko na itong gusto itanong sayo, kaso natatakot akong magtanong.." huminga muna siya ng malalim. "Bakit pinapahirapan mo ng husto si Yuan? Bakit ako hindi?"

Nakikita niya dati kung paano pagmalupitan ng ama ang kanyang kakambal. Nakakatrauma. Kaya siguro pag natatakot siya dati, dinadaan na lang niya sa kain. Hayun, tumaba siya ng husto.

"Dahil ba kay Liu Wei?"

Paboritong anak si Liu Wei. Natural, first love kasi ng tatay nila ang nanay nito. Yun nga lang, maagang namatay ang nanay ni Liu.

Kahit siguro mabigat ang ginawang kasalanan ni Liu noon ay papatawarin pa rin ito ng ama nila. Nagpakamatay nga lang ito.

"--Pero alam mo, kahit ganyan ka, mahal ka ni Yuan. Pinapasan niya ngayon ang responsibilities na hindi naman para sa kanya--"

Humikbi siya. "--Kaya lang, naiisip ko na dapat alam natin kung ano ang mga limitasyon. Isang araw bibigay din si Yuan. Tao lang din siya hindi ba?

Alam mo kasi Fu qin-- gusto ko nang pirmahan yung waiver. Pagod na tayong lahat eh."

Nineteen years old pa lang siya. Isang Music student. Kaya na nga ba niyang manahin ang pamumuno sa angkan nila?

Eh kung hindi ngayon, kailan pa?

"Makinig ka Fu qin-- kung kaya mong makinig. Kapag hindi ka pa gumising, ipapatanggal ko na ang life support mo. Walang sisihan."

Lumapit siya at pinagmasdan ang ama. Malaki na ang ibinagsak ng timbang nito.

Kaunti lang ang naitutulong ng mga therapist para masustain ang mga kalamnan ng ama. Sabi pa ng doktor ay posibleng magka-muscle athropy ito sanhi ng matagal na pagkakaratay.

Hindi na yata niya kakayanin ang mas malala pang sasapitin ng ama sa hinaharap.

Ang euthanasia.. Kakayanin din ba niya?

'God bakit ba ako lagi ang naiipit sa mga tough desicions?'

Finally, he stood up and went out of the door.

----

--beeep!

--Gossip Girl here. Have you seen the it-girl lately? Ang tsika ko ay tumatambay si girl ngayon sa ward ng kanyang super sikat-sikatang sweetheart na nainvolve DAW sa isang accident.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon