Chapter 10

6.3K 120 9
                                    

Chapter 10

--Previously on Gossip Girl, spotted na magkasama sa loob ng elevator of the Grecian colossal building of College of Business and Entrepreneurship, bffs C and Y. Where to? I'll tell you--

Binitawan lang ni Yuan ang kanyang bff nang nasa isang deserted hindmost corridor na sila ng Admin. building.

"Balita ko nagtransfer dito ang lalake mo."

Nanlaki ang mga mata ni Charm. "LALAKE KO? At dinala mo pa ako all the way here para lang sabihin yan?!"

"Hindi naman. Sa greenhouse tayo."

"--Malay ko ba doon. I know may financial problem sila ngayon. Pero mas mahal ang tuition dito kaysa sa former school niya. So I guess he's trying to invest on 'someone'"

"Bingo." comment ni Yuan. Lumabas sila mula sa huge double door, at binagtas ang two meters distance into the spacious greenhouse of the university.

Circular ang building made of glass with a dome-shaped glass ceiling. Iba't ibang species ng bulaklak ang nkatanim doon. The landscape is excellent. May mga couches at coffee tables na naka-arrange stylishly na parang nasa isang outdoor café. At higit sa lahat, may bar counter offering refreshments and waiters to serve.

Dahil sa serenity ng lugar, marami ang bumibisita doon araw-araw bukod sa mga Biology student major in Botany.

"May kinalaman ka ba dun?" tanong ni Charm habang nakasunod kay Yuan.

Huminto si Yuan sa far end table kung saan nakatambak ang sandamakmak na folders at makapal na compilation of hardcopies. Tinanggal niya ang mounted paper na may nakasulat na RESERVED.

Inalalayan niyang maupo si Charm bago siya umupo.

"Maybe yes, maybe no. But then again--failing means making a wrong decision. At isa pa--" nagpacute ito "--masyado pa akong bata para pahirapan ang mga alamat na sa business world. Dito nga sa school I'm just number two--"

Tumikhim si Charm. "Yuan, it's not the age.. If you could just assess yourself, 85% ng utak mo ay devoted sa mga diabolical schemes mo and only 15% para sa studies--"

Lumapit sa kanila ang waiter na naka black slacks, waistcoat, and bowtie.

"What can I offer you Sir and Ma'am?"

"Two mango frappe."

Tumango ang waiter at umalis. Bumalik ito after ten minutes dala ang order nila. Iniabot ni Yuan dito ang kanyang school paycard. Ang paycard ay ang payment system ng mga estudyante sa lahat ng services and establishments inside the University. Para itong creditcard na ang mga charges ay binabayaran at the end of the term.

Charm grimaced habang nakatunghay kay Yuan na nagsimula nang buklat-buklatin ang makapal na libro. "Kaya ba ako nandito ay para maging PSG mo?" wala kasing lalapit kay Yuan pag nakita siya na kasama nito.

Nag-angat ng tingin ang kausap "Order anything you want. Or nandiyan ang tab ko, maglaro ka ng Tower Run. Just stay here until I'm done."

Hinablot niya ang Galaxy tab ng bff at naglaro nga. "Bakit hindi girlfriend mo ang i-sit-in mo dito?"

"Ayoko ng maingay na ka-table. Isa pa, narerelax ako kapag nakikita kita."

Natahimik siya sanhi ng kilig. Bumalik siya sa paglalaro ngunit pasulyap-sulyap sa bff. Ngayon lang niya napansin kung ano ang pinag-aaralan nito. Hindi pala iyon librong para sa isang subject kundi isang ledger na sa kapal ay malamang isang korporasyon ang may-ari niyon. Hindi iisang beses niyang nakita itong ganun. Ibig sabihin ay may gagawin na naman itong Buy-out.

Buy-out ang tawag ni Yuan sa overpriced na pagbili ng mga shares mula sa mga stockholders ng isang kumpanya under different issued names. Si James ang liaison niya para doon.

Before the owners knew it, wala na sa kanila ang company. Pero win or lose, sigurado na ang shares although matagal makarecover from overpricing lalo na kung palugi ang kumpanya.

Isang laro para kay Yuan ang Buy-out. Una niya itong ginawa sa isa sa kanilang mga company. He failed on his attempt pero nakuha niya ang 48% ng total shares. Then he tried it on someone else's. He succeeded. Then failed again on another.

Nahuli niyang sumulyap si Yuan. Ngumiti ito nang magtama ang paningin nila. Sa kabila ng kilig niya, may naramdaman siyang kaba na hindi niya maipaliwanag

----

--Whoops! Lagi ko na yatang nai-spot-an na magkasama sina D at little A, with some of their new followers na tatawagin nating 'kitty girls'. Watch out C. You'll never know kung kailan sila mangangalmot.


Naiiling si Charm na binabasa ang newest update from Gossip Girl.

'Kitty girls your face.' that bitchy group is going down.

"Hi Miss Charm."

Biglang sumama ang mood niya nang lingunin ang bumati sa kanya. "It's Miss Ashford to you, Mr. Belleford."

"Lagi ka na lang bad mood."

'Of course!'

"Wanna go to the Music Hall?"

"You have a reservation?"

Ngumiti si Andrei at tumango. "Yes I do."

She checked the time. 3 p.m. pa lang pero wala na siyang klase. "Okay I'll go with you."

Binagtas nila ang catwalk going to the Music Conservatory building. Katulad sa greenhouse ay may Café din dito. Pang-attract nila ang classical music performed by talented music students.

May kalakihan din ang area ng Café, the tall windows are decorated with heavy crimson curtains, may mga columns , may elegant chandeliers, ang floor ay carpeted in Persian; the Victorian armchairs, couches and coffee tables are state-of-the-art. May mga nakasabit ding paintings. Authentic din ang mga ginagamit nilang teacup sets, silver wares and chinas na puro mga imported pa.

Sa far end ng Café ay may malawak na stage at may black grand pianoforte sa gitna. Sa bandang gilid naman nakastation ang isang mamahaling drumset. Kapag regular days ay may tumutugtog ng piano. May araw ding may nagba-violin, or kung swerte ay may string quartet performance. Kapag Friday ay may bandang tumutugtog. At kapag Saturday naman ay nagpeperform ang Franciscan Orchestra and choir.

"What do you want to drink?" pasweet na tanong ni Andrei sa kanya nang makaupo na sila.

Namukhaan ni Charm ang music student na tumutugtog ng Chopin sa piano. Si Maddison Estrada iyon. Ex-gf ni Yuan. Mukhang ok naman na ito kahit mukhang namumutla.

"Italian espresso." request niya sa binata. Medyo nilalamig na siya dahil maaga pa lang ay babad na siya sa aircon.

"Two Italian espresso, and two slice of blueberry cheesecake." dikta ni Andrei sa waitress na attendant ng table nila. Tumango ito at umalis.

"You do love classical music. Hindi mo kasi tinanggihan ang invitation ko, for the first time." komento ng binata.

"Nakasanayan lang siguro because my Mommy loves the classics. Pero wala akong time magpareserve. And Mr. Sy hates this place--"

Nagchime ang bell sa pinto ng Café. Iniluwa niyon sina Athena at Daniela. Umupo ang mga ito sa likod nila.

Hindi siya lumingon pero ramdam niyang si Daniela ang nasa armchair katalikod ng kanyang armchair. Naririnig niyang umoorder ang mga ito.

"You're suddenly quiet Miss Charm?" puna naman ni Andrei.

"Oh, wala naman na akong sasabihin eh--"

"—Sige may itatanong na lang ako sayo... Ano ba si Mr. Sy para sayo?"

"He's my bff, anu pa?" plain niyang sagot.

"--Kung ganun ay may pag-asa ako sayo, tama?"

'Yan ang gusto ko sayo Andrei. Hindi paligoy-ligoy. But no thanks'

"Are you aware na wala na ako sa poder ng Dad ko?"

Tumango ang binata. "We're in the same boat. Independent din ako--"

"Mr. Belleford, I enjoy my being single, why can't you?"

"Because I'm in love with you. And I can't fight the feeling."

Tumango tango si Charm. Walang dating ang kumpisal ni ugok. Ang korni!

"Pag-iisipan ko Mr. Belleford. Alam mo kasi, tinanggihan mo na ako before. So I find it hard to believe--" napatigil siya nang biglang nakaramdam ng sobrang lamig. Basang-basa ang buong katawan niya at kumakalat pa iyon. Amoy mint at lemon. May mabigat na parang bumayo sa kanyang likod at nagslide iyon pababa dahil hindi naman siya nakasandal sa upuan. Mayroong mantsa ang kanyang balikat pagsulyap niya. Chocolate. Marahil ay mousse iyon.

"--Ma'am, sorry po talaga! Na out of balance po ako!" mamatay-matay sa pag-aapologize ang waitress ng kabilang table.

Ang dalawang bruha naman sa likod niya ay pigil na nagtatawanan.

Agad napatayo si Andrei na kumuha ng malinis na panyo at lumuhod sa gilid niya. Agad lumundag ang kamay nito sa may dibdib niya.

"Don't touch me.." kahit pa nasa state of shock ay nagawa pa niyang sabihin iyon.

Nasa kanya na ang mata ng lahat ng naroon. Kinuyom niya ang mga palad at tumingin sa nag-aapologize na waitress.

"Come here.."

Ninenerbyos na lumapit ang waitress. Hinaklit ni Charm ang nametag nito pagkalapit sa kanya. "Umalis ka na sa pani-ngin ko--" naramdaman niyang nagsimula nang magchatter ang ngipin niya.

Muling nag-attempt na lumapit si Andrei "Miss Charm-- Come on, giniginaw ka na--"

"I SAID DON'T TOUCH ME! DON'T COME NEAR ME!"

Hinablot niya ang bag ang searched for her phone. Pinilit niyang magtext sa gitna ng panginginig.

----

"--So the Assets and Liabilities should--" tumunog ang phone niya. Alert tone iyon na inassign niya sa iisang tao lang. Pasimple niyang dinukot ang phone at binasa ang text message.

Nangunot ang noo ng kanyang mataba at matandang prof. "Mr. Sy? Hindi ba bawal gamitin ang phone kapag may klase lalo na at you're in the middle of your presentation?"

"--Eh ma'am hindi po maiiwasan yun. Pano pag may emergency?" katwiran niya. Bigla siyang sumeryoso pagkatapos mabasa ang message.

--Yuu, I'm in Music Hall Café now T_T

A crying smiley from Charm is unusual.

Pinatay niya ang projector at isinara ang laptop. Then tuloy-tuloy siya sa pinto

"Mr. Sy? Don't tell me that's an emergency?"

"I'm afraid so Ma'am."

----

Tila tumigil ang oras sa Café. Hindi pa siya umaalis sa pwesto simula ng maganap ang aksidente. Ayaw naman niya tumanggap ng tulong kahit kanino.

Mayroong mga hater na iminumuwestra ang kani-kanyang phone. Kumukuha ng picture malamang.

Sa sobrang dami ng nagbubulungan ay hindi niya narinig ang bumukas na pinto. Nagtinginan ang mga ususero sa bagong dating.

"Si Mr. Sy!" narinig niyang bulong ng isang estudyante.

Hinawi ni Yuan ang mga nag-uumpukang ususero. Pagkakita sa bff ay agad niyang hinubad ang kanyang coat at ibinalot iyon sa nanginginig na katawan nito.

"Honey get your things.."

Tumalima ang dalaga; isinukbit niya sa balikat ang kanyang Chanel. Yuan bended towards her at isinampa ang mga braso niya sa balikat nito. With full force ay binuhat siya nito na parang prinsesa sa fairy tale.

Ang lahat ay sinundan ng tingin ang magbff na lumabas.

Napawi ang ngiti sa labi ni Daniela. Napahiya nga si Charm pero mala-knight in shining armor na to the rescue naman si Yuan dito.

----

Ipinasok ni Yuan si Charm sa kotse at binuksan ang heater.

"Punta tayo sa hospital?"

Umiling-iling ang dalaga. Umiiyak ito.

Niyakap siya ni Yuan. "Hush.. Magbabayad ang gumawa nito sa'yo. I swear."

--Gossip Girl here.. Aww poor C. She must be really devastated. Pero excited na akong malaman kung pano niya malalagpasan ang maliit na kahihiyang ito. Sometimes kapag hindi ka nakapagmove on, it will haunt you again and again.. Is there really a foulplay behind this? And what actions would Y take para mahuli ang perpetrator? We'll see..

XOXO Gossip Girl.

 

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon