Season 2 Chapter 25

3.8K 53 4
                                    

Chapter 25

--Gossip Girl, Gossip Girl, who's the fairest bitch of them all? :D

Oh well, you decide. But I know who's the shameless one.

Isa isang rumampa ang mga models sa isang built-in catwalk sa may poolside ng isang sikat na resort, all of them wearing Karine's summer collection.

To everyone's BIG surprise, Charm Ashford was there. Katunayan, nasa front row seat siya katabi si Karine.

"Is that Charm Ashford?" tanong ni Lara kay Czarina habang nakasungaw sa may backstage.

"--Ang kapal talaga ng mukha ng babae na yan. Pagkatapos mag-eskandalo sa internet may mukha pang ipapakita sa public--"

"--What are you saying?"

Inirapan ni Czarina si Lara. "Tonta."

"--Girls! Girls, line-up na for next set!" tawag sa kanila ng floor director.

Charm had to smile triumphantly despite ng kanyang pinagdadaanang issue. Kitang kita niya ang hindi maipintang pagmumukha ng mga bitch na kaaway niya kapag nadadaanan siya ng mga ito.

After the show, hindi na siya humiwalay sa kanyang Mommy Karine. As long as she stayed with her, safe siya from any harm.

"--Nasaan ang asawa mo iha?" napansin na yata ni Karine ang style niya kaya hinanap na sa kanya si Yuan. Iyon yata ang favorite topic nila kapag nasa event at no-show ang binata.

"--Alam niyo na tita, he's avoiding the media."

"--Oh eh ano? Hindi naman siya pagkakaguluhan dito. Everyone here knows he's a singer."

"Yes he do know that. Pero alam niyo din na may hierarchy rin pati ang mga press. May para sa high class at may para sa masa."

"Uunahin pa ba niya yun kesa ang samahan ka? Hayaan mo, I'll talk to him."

Tumango na lang si Charm. Di katagalan, pinag-umpukan na sila ng mga nagmodel for the event. Isa isang nagbeso ang mga ito sa designer.

"Congratulations to us, girls! You all did a very good job--" ani Karine.

"Hey Charm, nice to see you here." it was Daniela. Lumayo ito kay Andrei at nakipagbeso kay Charm. The expression in her face tells: look! I'm wearing an Oscar de la Renta!

"What? Hindi ba ako expected?" is there an alliance formed while she was away?

"Excuse me--" may tumulak sa kanya upang makalapit sana kay Karine. Pero hinya pa iyon nakakalayo, pinatid niya. Napaupo ito sa lapag.

Napatawa ang ibang nakakita.

The fallen bitch glared at her. "--YOU!"

"Oh Lara, ikaw pala. Why are you on the floor?" Charm said sweetly. Hinakbangan pa niya ito at tinapunan ng hawak niyang champagne.

"--Oops.. My hand slipped. Sorry about that."

After that, she walked away with her head held up high. One bitch exterminated.

Sinundan pala siya ni Daniela. "Girl wait!"

"WHAT?" now that she's back on the ball game, syempre kakampi na ulit sa kanya si Daniela.

"--Aalis ka na kaagad? Why don't we have a drink or two--" 

Hindi siya nakikinig sa sinasabi ni Daniela dahil napukaw ang atensyon niya sa babaeng nasa poolside at kinakausap si Andrei.

Gossip Girl PinoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon