Chapter 25 : Celine's Deja Vu

48 3 0
                                    

CELINE's DEJA VU

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CELINE's DEJA VU

Parati nalang ako nanaginip na nakatayo ako sa mundo ng mga oras, mga oras kung saan nakikita ko ang ibat-ibang pangyayari sa buhay ko sa nakaraan hanggang sa hinaharap through the time space. Hindi ko alam, pero siguro dahilan ito ng mga nararanasan ko this past few week.

Iyong tipong may nararanasan ako na minsan ko nang naramdaman na parang nangyari na ito? Ganitong- ganito mismo. Pero alam ko namang hindi pa. Katulad na lamang na parang napanaginipan ko na 'yung pangyayaring iyon tapos ilang araw lang magkakatotoo na. Ganun na ganun.

Pero hindi ko gusto 'yung panaginip ko nito lamang. Tungkol ito kay Christian. Ang lalakeng gusto ko, na mamamatay sa mga kamay ko. Umaagos ang kanyang mga dugo sa buong kamay at mga damit ko dahil ako ang pumatay sa kanya.

Ako si Celine,  matagal na akong may gusto kay Christian since nasa SCU pa kami. Naging obsessed ang pagmamahal ko sa kanya na umabot na sa puntong ayaw kong may ibang nagkakagusto sa kanya dahil dapat ako lang ang magugustuhan niya.

Marahil dahil ito sa pinagdaanan ko sa nakaraan ko. Ulila na ako, na naghahangad nang pagmamahal sa magulang. Naging muntikan pa akong maging biktima sa panghahalay ng umampon sa akin.

Walang naniwala sa akin, kaya lumayas ako at binuhay ko ang sarili ko.

Kaya heto, nanglilimos ako sa pagmamahal ng lalakeng inakala kong mamahalin din ako.

Ngunit ako lamang ang may karapatan na magmahal sa kanya. Ako lamang dapat. Dahil ako ang totoong nagmamahal sa kanya ng lubos.

Kahit na siya mismo ay alam kong malabong magkakagusto sa akin, kahit pa na parati akong dumidikit sa kanya at the point na ibinigay ko 'yung puri ko nang paulit-ulit para maramdaman niya 'yung pagmamahal ko pero ang mga mata niya ay nababaling parin sa iba.

Wala kaming relasyon pero madalas kami mag-away, nang dahil lamang sa pagseselos ko, at paulit-ulit niya ring sinisigaw at ipinamumukha sa akin upang magising ako sa katotohanang wala kaming relasyon at hindi niya ako gusto. Ako na ibinigay na ang lahat ngunit pilit paring tinatalikuran.

Umaga noon nang tawagan ko siya, ngunit pinuntahan ko na lamang siya sakay ng kotse ko sa hotel niya noong ayaw niyang sumagot. Sapagkat mahimbing siya na natutulog habang naka hubo't hubad pa.

Parati na may nangyayari sa amin ni Christian, kaya normal na lamang sa akin ito na makita siyang ganyan.

Kinagabihan galing kami sa bar noon nang magpunta kami sa unit ng hotel niya, dito palang may naramdaman na akong kakaiba. Kasama ko 'yung kaibigan kong si Daisy noon nang mauna na kami ni Christian.

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDWhere stories live. Discover now