Chapter 01 : Sociopath Monster

150 6 0
                                    

SOCIOPATH MONSTER

_____________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

_____________________

Kilalanin nyo nalang ako bilang Eurika Marco, call center agent ang trabaho ko, kaya madalas kapag umuuwi ako ay madalas umaga na o kaya naman papasok ako ng gabi.

Sa dinadami ng mga balitang nagkalat tungkol sa mga masasamang loob, ni isa wala akong kinatakutan pero hindi ko aasahan na isang araw I was abducted by a strange person.

Ang lakas niya at may katangkaran din siya, nakasuot ng nakakatakot na maskara na gawa sa rubber na may tahi tahi at dugo, bawat hampas na tinatamo niya na galing sa akin ay parang wala lang sa kanya.

Mas nagulat ako nong mahugot ko yung balisong na nasa bag ko para isaksak iyon sa dibdib niya ay parang hindi siya non tinablan, ni walang dugong umagas mula roon, napakalakas parin niya hanggang sa may kung anong panyo siya namay matinding amoy na nilagay sa ilong ko para tuluyang mawalan ng malay.

Gumising ako sa isang madilim na sahig, walang bintana, walang pinto, puro dingding ang nasa paligid, at tanging nagsisilbing ilaw lamang ay ang gaserang nasa tabi ng isang lamesa, mukhang hindi lang ako nag-iisa agad akong tumayo para kunin sa mesa yung gasera atsaka ko ito itinapat sa naririnig kong may umiiyak na babae.

Nagulat na lamang ako na nasa selda pala ako at ang mas kinatakot ko ay yung babaeng umiiyak na wala ng mga kamay, pumupulsik pa dito ang sariwang dugo na siyang ikinasigaw ko sa gulat. Nag-aagaw na ng buhay yung babae dahil nakahiga na siya at humahagulgol na lang siya at walang magawa.

Napaatras ako at umiiyak na umupo muli sa sahig nang maya maya lamang ay maririnig ko ang mga hakbang na papalapit para buksan yung selda nong nasa harap ko na babae, magugulat na lamang ako sa biglang sumisigaw na boses sa kabila na gustong humingi ng tulong, kasabay nito maririnig ko rin ang pagpuslit ng dugo sa bawat sigaw ng babae na unti-unting tumatahimik.

Kinuha ko muli yung gasera ko para lumapit doon sa kaharap kong selda, mapapatakip na lang ako sa bibig ko sa pag-iyak at takot nong makita kong kinakain nong kumidnap sa akin yung lamang loob ng babae na ngayon ay wakwak na ang katawan at sarap na sarap naman itong pinagpipiyestahan nong halimaw na yan.

Napabalikwas ako nong tumingin siya sa gawi ko kaya bumalik na lang ako sa pag-upo muli sa puwesto ko at doon nag-iiyak sa sobrang kaba at takot sa halimaw.

May anak ako na kailangan ko balikan at pamilya, single mother ako. Kaya sana mabuhay pa ako kahit pawang impossible sa kalagayan ko ngayon, kahit na isa palang hindi kapani-paniwalang halimaw yung kumidnap sa akin. Wala na akong ginawa kung hindi ang magdasal ng magdasal.

Mas kinakabahan din ako sa tuwing maglalakad siya sa harap ng selda ko para magwala, dumating pa sa puntong pinuntahan niya ako sa loob na inakala kong kakainin niya rin ako, pero pinagsasampal niya lang ako atsaka siya biglang tatawa ng pagkalakas lakas at kapag nagustuhan niya ay uulit-ulitin niya iyon hanggang sa magdugo yung bibig ko at mamula yung mukha ko.

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDWhere stories live. Discover now