Chapter 04 : Sigbin

1.3K 41 1
                                    


SIGBIN by Paranormal Experience

Summer yun ng 2007, Incoming 2nd year High school ako nun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Summer yun ng 2007, Incoming 2nd year High school ako nun. Hinding hindi ko pa rin makalimutan ang babaeng multo na nakita ko.

     Excited na akong pumunta noon sa Pangasinan. Sinama ako ng Lola ko sa Ancestral house niya. Di ko feel nung una pero ginusto ko na rin kasi bored ako sa bahay. Sa di inaasahan, boredom din ang nag-aabang sa akin doon.

     Napakaraming puno ang pumapalibot sa mga kabahayan, probinsyang-probinsya ang setting. Di ko feel ang mga ganung lugar. Nang makarating kami doon, lagi lang akong nakakulong sa kwarto, nakikinig ng music. Naisipan kong dumungaw sa bintana, nakakita ako sa bukirin ng lola ko ng isang duyan. Napag-isipan kong puntahan yun at doon magpahinga.

     Mga dapit hapon na yun, papalubog na ang araw. Medyo feel ko ang simoy ng hangin nun. Naka earphones ako nun at sinusubukan kong ifeel ang probinsya hanggang may hindi inaasahang nilalang ang nagnakaw ng aking pansin. Isang parang tarsier na nakakapit sa puno, may mahahabang galamay, namumulang mata, at matatalim na ngipin ang aking nakita na nakatitig sa akin. Mahilig ako sa animals at gusto ko maging zoologist noon kaya may alam ako sa mga hayop, pero di ko pa talaga nakikita o nababasa sa libro ang nilalang na ito. Nakaramdam ako ng takot dahil mababangis ang tingin niya sa akin na parang anumang oras ay handa ka niyang sakmalin.

     Nagmadali akong pumunta sa bahay at agad kinuwento at tinanong sa mga bata doon kung ano ang nakita ko. Ayon sa kanila isa daw yung "Sigbin." Agad agad kong hinanap sa internet kung ano ang sigbin, according sa wikipedia, "Sigbin is a both crypto and a mythological creature of Philippines. Its appearance is said to be similar to the Chupacabra and Tasmanian devil, although with spotty fur. It supposedly has a wide mouth with large fangs. It is also believed that there are families known as Sigbinan ("those who own Sigbin"), who possess the power to command them. The Aswang is said to keep it as a pet, along with another mythical creature, a bird known as the Wakwak. The Sigbin is said to bring wealth and luck to its owners. In the Eastern Visayas they are also known as the Amamayong." Kinilabutan ako sa nabasa ko dahil isa pala yung uri ng aswang.

     Noong gabing yun, inutusan ako ng lola ko na i-on ang ilaw sa banyo sa may bukid. Medyo nawala na sa isip ko ang sigbin kaya nagpunta ako dun ng buong tapang. Gamit ang flashlight ng cellphone ko, sinuong ko ang madilim na bukirin. Nang may bigla akong narinig na "Tikekkkekkekk" Kinutuban na ako dahil naalala ko ang tungkol sa sigbin. Kumalampag ang puso ko sa sunod ko na nakita, nakakapit nanaman ang sigbin sa may puno ng mangga at nakatingin nanaman sa akin. Lumipad siya at lumipat sa kabilang puno. May napulot akong patpat para gamiting self-defense pero di na siya nagpakita pa sa akin. Hindi ko sinabi yun sa lola ko dahil ayokong mag-alala pa siya at para manahimik na rin ang mga nilalang na yoon.

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDWhere stories live. Discover now