Chapter 08 : It's Miracle, We Met

1K 27 3
                                    

It's Miracle, We Met

Why is the cycle of human life is not fair? Bakit may mga taong mapanakit at may mga taong nasasaktan? Bakit may mga nang-aabuso at nagpapa- abuso? Totoo ba talaga ang Diyos?
These are also the questions that go through the mind of Henry Guzman a boy who is 19 years old at isang senior highschool student.

         Halos mawalan na siya ng pag-asa at pananalampalataya sa kanyang buhay na punong-puno ng frustrations, a weak person, at wala ng aasahan pa kung hindi ang sarili niya lamang. Ganyan siya mailalarawan. Sapagkat matagal na siyang itinakwil nang kanyang tumayong mga magulang matapos mamatay ang kanyang Ina at Ama sa isang aksidente.

        Okay lang naman sana ang lahat kung magpapatuloy nalang siya sa kanyang buhay pero. Hindi at huwag ang i-bully, mapagkaisahan, at mapaglaruan ng ibang tao dahil lang sa kanyang antas na katayuan.

        Wala naman siyang ginagawang masama at kailanman wala siyang pakialam sa mga ito. Ngunit nagising nalang siya na para siyang human toys ng mga nangbu-bully.

        Kung hindi mga suntok, pagpapahirap, at bugbog ang inaabot niya sa mga ito. Para siyang senisetensyahan sa mga galos, pasa, at mga hiwa sa balat na kanyang tinatamo. May minsan pang muntikan na siyang mamatay sa pagsusuka ng maraming dugo.

        Hanggang sa isang araw nalang nag-decide siyang magpakamatay. Umiiyak siya, patuloy siya sa paghagulgol habang nanlalabo na ang kanyang paningin. Makirot-kirot din ang bahagi ng ulo niya sapagkat may umaagas na dugo sa kanyang ulo, pinukpok ito ng isa sa mga kasamahan ng mga nambu-bully sa kanya noong sinubukan niyang lumaban.

After nga nilang makitang may umaagas ng dugo sa ulo ni Henry ay saka lamang ang mga ito umalis at nagmamadaling lumayo.

         Nakagat ni Henry ang mga labi, sa isang rooftop umakyat siya para balaking tumalon. Wala naman ng saysay ang buhay niya. Hindi na niya kaya, kesyo ang mamatay sa mga kamay ng ibang tao, mas mabuti ng mamatay sa sarili niya.

         Patuloy parin siya sa pag-iyak noon, nang gusto nalang niyang ipaubaya ang sarili niya sa haplos ng hangin kaya ipinikit niya ang mga mata. Mas maganda nang ganito ang mangyari at least hindi na siya ulit niyan mumulat pa, at least makakatakas na siya sa masamang mundo na ito para sa kanya.

Nang maya-maya ay nakarinig nalang siya ng isang boses ng babae na tinatanong ‘kung talaga bang gusto niya ang magpakamatay? Talaga bang gusto niya sayangin ang buhay para lang sa mga taong nananakit sa kanya?’ Agad niyang iminulat ang mga mata hindi siya typically pinipigilan nito, naging desidido siyang ituloy ito ngunit patuloy parin noon na nagsasalita ang babae nang sa pagkakataon na ito ay nilingunan na niya ito.

Hindi alam ni Henry kung dahil lang ba sa nanlalabo ang paningin niya at sa sakit ng ulo at sugat, kaya blurred niyang nakikita 'yong babae?

“Sa tingin mo ba talaga kapag namatay ka, may saysay iyon? Sa tingin mo malulutas talaga ang problema mo kapag nalagutan ka ng hininga? Nakakatuwa ka, kahit kailan hindi nalulutas ang problema ng isa pang problema,” mga salita ng babae noon, hindi niya rin alam subalit kung ano ang itinakbo ng isip niya ay iyon na iyon ring siyang malinaw na ipinaliwanag ng babaeng ito.

Muli nanamang nagpatuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. “Pero, pagod na pagod na ako,” tugon niya sa babae. “Hayaan mo nalang akong mahimlay, hindi ko na kaya.”

“Ano bang sinasabi mo? Ngayon narito naman ako. Hindi mo kailangan mamatay, maniwala ka sa akin,” inilapag ng dalaga ang mga kamay niya sa harapan ni Henry para tulungan itong makababa, nang noong mga oras na iyon sa unang pagkakataon ay may ibang naramdaman na puwang sa puso niya ang binata.

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum