Chapter 09 : Dangerous Obsession

934 25 0
                                    

DANGEROUS OBSESSION


Shipper si Ayone Pobe ng mga nagwa-gwapuhan at outstanding na lalake sa school nila lalo na yung mga feeling niya ay match sa isat-isa.

Ang hot basketball player na si Bank, ang hidden yummy school genius na si Rokai, ang napakagaling sa computer o technology gadget na si Sergi, ang star swimmer na si Yoshi, at ang kaibigan nitong si Robin.

Sinusundan niya talaga ang limang ito lalo na nagkataong magkakaibigan lahat sila at alam na alam ni Ayone kung nasaan ang room o secret barracks ng mga ito.

Nagagawa niya pang gumawa ng blog tungkol sa story niya na ang limang ito ang bida. Kapag may nagagawa yung mga ship niya na sa tingin niya ay dahil sa pagiging sweet nila ay agad niya itong nagagawan ng scene sa blog niya.

Si Bank at Yoshi yan ang main ship niya samantalang love triangle naman para sa kanya ang tagpo nila Rokai, Sergi, at Robin.

Kinikilig siya sa tuwing ini-imagine niyang threesome kaya ang ginagawa ng mga ito when it comes to s*x?

"Kyaaaaah!"

Tila nag-iinit yung pisngi niya at namumula sa tuwing iniisip iyon.

Yaoi : tawag sa mga fan ng mga hilig o gustong gusto ang boys love or boy to boy relationship. Base kasi ito sa pantasya nila ng mga babae mula sa mga manga sa japanese where this genre or theme of story started.

But how she wish na sana ang mga ship na ito nalang talaga ang mga magkatuluyan o maging totoo sa nilikha niyang relasyon sa mga lalakeng 'to, dahil ang totoo niyan ay sadyang magkakaibigan lang ang lima.

Papasok na siya ngayon sa classroom nila kaklase pa man din niya ang dalawa sa lalakeng ship niya na sina Rokai at Bank. Pero kagaya nga ng nasabi ko sadyang ang lahat ay pantasya lamang dahil ang totoo ay maraming fans na kababaihan ang limang ito at ang masama ay target si Ayone dahil sa ginagawa niyang blog tungkol sa boyslove na nangyayari sa lima.

Obsessed, ganun na maituturing si Ayone dahil kahit alam niyang ganito ang mangyayari sa buhay niya sa school pero nagpapatuloy parin siya sa ginagawa niya, nang hindi pinapansin ang mga ito na parang wala lang.

Nakita siya ng isa sa mga babae nong tila agawin nito ang pansin ng iba pa para sugurin si Ayone nong makita siya ng mga ito.

Walang nagawa si Ayone nong sabunutan siya ng mga kababaihan, tila nagawa naman niyang makatakas kaya tumakbo siya ng mabilis habang pilit na hinahabol nong mga ito.

Hindi na napigilan ni Ayone namay tumulo na luha sa mga mata niya, mabilis siyang nakatago sa isang madilim na sulok habang hinahanap nong parang mga nakikipag-race na kabayong mga babae.

Patuloy na pinupunasan niya ang mga luha nong laking gulat nalang niya nang may humila mula sa pulso ng kamay niya at mabilis siyang kinulong sa bisig ng isang lalake upang mas makapagtago sa mga kababaihan na pabalik.

Bagamat may kadiliman alam niyang lalake ito dahil sa laki ng palad nito at tangkad niya.

Sa matapang na halimuyak din nito na pabango na parang pamilyar pa sa kanya.

Naramdaman ni Ayone ang tila napakainit na hininga nong lalake mula sa tainga niya nong bumulong ito. "Ligtas kana."

Doon nakilala ni Ayone kung sino ang lalakeng ilang dangkal lamang niya na kalapit at hawak pa nito ang pulso at balikat niya.

Ang star swimmer na si Yoshi.

"Yoshi?" Nasambit niya pa sa sarili nong tila hilain na siya nito upang lumabas sa kinatatayuan nila ngayon at makapasok na. Hindi nga siya nagkakamali na si Yoshi ito? Ang tila napaka-amo yet sobrang hot nitong aura. Napapalunok nalang ng laway si Ayone habang nalilito kung saan titingin sa mga kamay ba nito na hawak siya o sa guwapo nitong mukha? Sa mukha nalang hindi na siya lugi doon.

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDWhere stories live. Discover now