Chapter 07: Terror Teacher

1.2K 20 3
                                    

TERROR TEACHER
Written by HenRex

Many people and student find that school is boring for them. Siyempre ilang oras madalas maghapon na nakatingin lang sa pisara habang nakikinig ng mga aral naman na siyang atin din namang matututunan, pero yung iba nagagawang hindi seryosohin ito kahit na alam nilang part ito sa magiging kaalaman o knowledge ng isang tao na madadala niya sa trabaho, sa buhay, o maipapasa pa nga sa iba.

Ngunit nakakatuwa bang gawin na ilan sa mga student ay makikitang hindi nag-aaral, hindi sumusunod sa mga panuntunan o alituntunin ng bawat guro, parating nale-late meron pa nga second hanggang last subject ay nagagawa pang pumasok, nagka-cutting para maglakwatsa, makibarkada, at gastusin ang mga baon na binibigay ng kanilang mga magulang na iniisip na nasa school talaga ang kanilang anak.

Nakakalungkot, napakahirap, nakakaawang isipin ang mga ganitong gawain na ng ilan sa mga student. How I wish may isang bagay o pangyayari ang puwedeng makapagbago ng kanilang gawain upang itigil na ito.

Lalo na sa section at classroom namin na mas magulo pa sa palengke na punong puno ng mga bumibili kahit may teacher na.

Subalit aaminin ko isa ako sa mga student na nabo-boring sa school.

I admit it. Sino ba namang hindi maboboring sa school kung minsan naman talaga hindi ka naging masaya, kung para sa iba ay nakaranas na sila ng saya sa student life nila ako hindi pa.

Ako nga pala si Yuri Gonzales.

Nabu-bully.

Yan ang karanasan ko sa Wilson High.

Not until....

Ngayon masasabi kong masuwerte kayo dahil iba parin ang school na pinapasukan niyo, sa school na pinapasukan namin. Sa classroom na papasukan namin.

Hindi allowed ang mga bagay na nabanggit ko sa mga student simula nong dumating ang isang halimaw na guro mula sa classroom namin.

Si Ms. Eve L. Garcia, isang terror teacher na hindi mo gugustuhin na maging guro. Typical na matandang babae na teacher ang itsura niya.

Isang aksidente ang nangyari sa former teacher namin, kaya nagkaroon siya ng substitute. Itoy ayon sa letter na nakalagay sa ilalim ng salamin nong lamesa niya mula sa harap.

Ngunit hindi namin pare-pareho alam na mala-impyernong pagtuturo pala ang mangyayari sa classroom na pinapasukan namin nong mag-umpisa na siya mag-discussion at lecture sa amin.

Hindi na niya kami kinausap upang makilala, tinitigan niya lamang kami ng matalim niyang mga mata isa-isa, inilapag ang malaking bag na dala niya sa gilid ng lamesa, pagkatapos ay tumalikod na siya para magsulat mula sa blackboard habang pinapakilala ang sarili niya.

Noong una, akala ko sadyang stricto lang siya dahil sa tinis at lakas ng boses niyang manaway sa mga classmate kong nagtatawanan sa likod at may sariling mundo habang nagdi-discussion si Ms. Garcia.

Ilang beses niya sinaway ang mga ito pero hindi siya pinakinggan.

Hinampas niya ang lamesa ng malakas, sabay sabay na napunta ang attention ng lahat sa kanya.

Ngunit sa mga sumunod na pangyayari pare-pareho kaming nagulat sa nakita namin nong hindi chalk, hindi pambura ng pisara ang lumipad at tumama sa mga makukulit kong classmate na iyon. Kung hindi mga matutulis na bagay at kutsilyo.

Kitang kita namin kung paano nangyari ang lahat.

Nanlilisik ang mga mata ni Teacher habang nakalapag ang dalawang kamay niya sa lamesa.

Maraming natakot, nagsigawan, at sinubukang lumabas sa classroom namin dahil sa pagputok at kalat ng mga dugo nong mga classmate ko na natamaan ng mga matutulis na bagay.

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDWhere stories live. Discover now