Chapter 14 : VOODOO

861 25 2
                                    


VOODOO



ISANG taon nang magkasintahan sina Maymay at Mack. Nakatira sila sa probinsya ng San Carlos, Pangasinan. Kusang loob nakipag-tanan si Maymay sa kanyang kasintahan dahil mahal na mahal niya ito. Sa kanilang tahanan ngayon ay masaya silang namumuhay. Hindi pa nakadanas ng kahit anong problema si Maymay sa kanilang pagsasama. 

Isang araw dumating si Cathy sa bahay nila. Si Cathy ay isang matalik na kaibigan ni Mack mula pa noong High School pa sila. Agad sinalubong ni Mack si Cathy sa pintuan at pinatuloy niya ang babae sa loob ng bahay. 

Oh buti bumisita ka ditto Cath anong kailangan mo? 

Bati ni Mack sa kanya. Umupo sa upuan si Cathy. 

Wala lang bumisita lang ako

 Nasan nga pala si Maymay hindi mo yata kasama ngayon? Sabi ni Cathy sa kanya. 

Ah namalengke siya eh bakit ? 

Ah Mack kailan kayo balak magpakasal ng kinakasama mo� 

Siguro kapag dumating na yung nanay ko sa America. Siya kasi magbibigay sa amin ng budget eh. Mag-aabono lang kami ng kaunti.

Ganun ba, hindi kaba natatakot sa kanya?

Nangunot ang noo ni Mack sa sinabing iyon ni Cathy. 

Ha? Ano? Bakit naman ako matatakot sa kanya?

W-wala lang Eh galling kasi siya sa probinsya ng Capiz eh. Atsaka madalas kong mapansin ang kilos niya masyado siyang weird eh!

Ano ka ba naman Cath, paano mo naman nasabi yan?

Eh kasi hindi siya mahilig makiharap sa maraming tao. Kapag lumalabas ng bahay hindi naman siya lumilingon o namamansin. Atsaka kapag kumakain ayaw niya ng may bawang o asin ang pagkain, baka aswang yan ha!

Natawa naman si Mack sa sinabi sa kanya ni Cathy. 

Haha ano ka ba naman Cath, naniniwala kapaba sa mga kwentong ganyan eh hindi na uso yan no panahon pa yan ni kopong kopong! 

Pagbibiro pa ni Mack. 

Ah wala lang, natanong ko lang. Basta mag-ingat ka nalang ha? 

Bilin pa sa kanya ni Cathy. 

Napakamot ng ulo si Mack at sabay tawa. 

Hehe ikaw talaga Cath palabiro ka. Nagtawanan silang dalawa at ilang sandali ay dumating na si Maymay at dala-dala nito ang mga pinamili. 

Oh ayan na yung asawa mo! Sambit ni Cath. Tumayo na ito sa kinauupuan at nagpaalam na kay Mack. 

Sige ha pards, nextime na lang tayo mag-usap may gagawin pa ako eh. 

Oh sige Cath, masatos ya labi ed sika! 

Pagkapasok ni Maymay sa loob ng bahay at saktong palabas ng bahay si Cath. Nagkatinginan sila pero ngumiti na lamang si Maymay at tuloy-tuloy sa kusina. Sumunod naman si Mack sa kanya. 

Oh ano itong mga pinamili mo? Tanong ni Mack sa kanya. 

Wala, gulay lang. Mahinang sambit ni Maymay. 

Anong pinag-usapan ninyo kanina ni Cathy� Tanong ni Maymay kay Mack. 

Ha? Wala Ah nangamusta lang siya kanina sakin. 

Nilingon ni Maymay si Mack at sabay sambit na Sigurado ka? 

Natawa naman si Mack sa kanya. 

Ano ka ba naman syempre oo, wala kang dapat ipagselos dahil ikaw lang naman mahal ko no. Giit naman ni Mack sa kanya. 

MIDNIGHT HORROR STORIES | COMPLETEDWhere stories live. Discover now