CHAPTER 15

60 10 2
                                    

"I can help her."

Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Rafael ang sinabi ng dalaga. Hindi niya alam kung anong ibig nitong sabihin ng sinabi nito ang mga katagang iyon kay Manang Cecilia.

Kung ang ibig sabihin nito ay tutulungan niya ang ginang na makakita gamit ang pera nito ay maaaring iyon ang dahilan. Imposible naman na mayroon pa itong ibang ibig sabihin.

Hinayaan niya muna ang dalaga na makipagkuwentuhan saglit kay Manang Cecilia saka niya ito inaya patungo sa kanilang silid.

"You should rest, I'll just take a shower."

"Okay." She smiled.

Pumasok siya sa banyo saka isa-isang hinubad ang suot. Pumailalim siya sa shower at hinayaang maglakbay ang kaniyang isipan. Napansin niya ang sarili na tila may nagbago. No, I've changed a lot.

Kung sa sarili ay marami ng nagbago sa kaniya. Sa pagpasok niya sa opisina noong nakaraang araw ay ngumiti siya sa mga empleyado niya na dati ay hindi niya naman ginagawa. Naging palangiti na rin siya at hindi kagaya noon na parang parating pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya. Hindi na rin siya umiinom ng alak kagaya noon.

See? I've changed. Kung sa babae naman ay sobrang laki ng pagbabago sa kaniya. Si Gáta lang ang tumagal ng ganoon sa kaniya, maliban roon ay wala na. Sa pagluluto ay hindi niya nga ito magawa sa sarili dahil madalas siyang kumakain sa labas at kung minsan ay hindi na. Si Gáta lang ang inasikaso niya sa kusina at siya pa ang naghugas ng pinagkainan nito. Si Gáta rin ang kauna-unanahang babaeng nakasama niya sa pagtulog ng ilang gabi. Si Gáta rin ang unang babaeng birhen na nakatalik niya. Si Gáta rin ang unang babaeng nakilala ng ina niya. Si Gáta lang din ang kauna-unahang babae na dinala niya sa sekretong kwarto sa opisina niya at dito sa rest house niya sa Palawan. Halos lahat ay kay Gáta niya naranasan. Ito lang din ang nag-iisang babaeng nagpapatibok ng puso niya ng sobrang bilis.

He sighed heavily. "I'm going insane."

Nang matapos siya sa pagligo ay lumabas siya na twalya lang ang suot. Naabutan niyang nakahiga na ang dalaga sa kama niya at tulog na tulog, tila pagod dahil sa kanilang mahabang biyahe.

Kumuha siya ng damit sa maleta niya saka isinuot. He's wearing a white shirt and a gray beach shorts. Pagkabihis ay tinuyo niya lamang ang buhok saka siya tumabi sa dalagang mahimbing na natutulog.

He kissed her forehead. "Sleep well, beautiful." Then he hugged her softly.

Madilim na ng magising si Gáta. Nakayap sa kaniya ang binata. His face burried on her neck while his hand embracing her waist. Malalim ang paghinga nito senyales na tulog na tulog ito.

She rubbed his hair. "I'm so glad that I met you again."

Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakayakap nito sa kaniya saka siya dahan-dahan rin na umalis ng kama. Tumungo siya sa banyo upang maligo dahil ramdam niyang nanlalagkit na siya.

After taking a bath. She puts a vanilla scent lotion on her whole body. She wore a high waist denim shorts, a black see through and on the inside she's wearing a black two piece. Baka biglang mapaswimming.

"Saan ka pupunta?"

Agad siyang napaharap sa kinaroroonan ng binata. Gising na ito, nakaupo na sa gilid ng kama habang nakakrus ang mga braso at matiim na nakatitig sa kaniya.

She smiled. "Kanina ka pa gising?"

"Kakagising ko lang." He opened his arms widely. "Come here, baby. Hug me."

Dali-dali naman siyang lumapit sa binata saka niya ito niyakap. Hiyaan niya lang din itong yumakap sa kaniya.

Bigla ay bahagyang pinisil ni Rafael ang kaliwang dibdib niya. "Lance!" Pinalo naman nito ang pisngi ng pang-upo niya.

Meow, My Sexy Cat (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon