CHAPTER 1

269 34 1
                                    

Nagising si Rafael dahil sa may yumuyugyog ng katawan nya. Tumingin sya sa wall clock ng kwarto nya. Its 1pm.

"Rafael?"

"Baby, wake up."

Naiiritang bumangon si Rafael at sininghalan ang babaeng nakaone night stand nya kagabi. Kahit pangalan ay hindi nya alam. Sanay na si Rafael na hindi kinikilala ang nakakasex nya dahil sa pananaw nya isang simpleng sex lang naman 'yon. Hindi na kailangan pang makilala ang isa't-isa.

"Can you just shut up your mouth?!" Pasigaw nitong sabi.

"Baby, let's eat breakfast?" Malandi nitong sabi.

Naiinis na iniwan ni Rafael ang babae sa kama nya saka pinagpupulot ang damit ng babae at itinapon sa mukha nito.

"Umalis ka na sa penthouse ko. I don't need you anymore!"

Tumayo ang babae saka mabilis na nagbihis. Lumapit ito sa kanya saka malutong na sinampal ang mukha nya at padabog na umalis.

Simula nang mamulat si Rafael sa kamunduhan sanay na syang masampal ng kung sinu- sinong babae na nakakaone night stand nya. Minsan pa nga ay hindi lang sampal ang inaabot nya. Naroon 'yong sipa, suntok, sabunot at kung anu-ano pa.

Pumasok si Rafael sa banyo saka pumailalim sa shower. Napapaisip sya kung ano na naman ang gagawin nya sa araw na 'yon. Ayaw naman ni Rafael na pumasok sa opisina kung hindi naman kailangan o wala namang papapirmahan sa kanya. Alam nya rin naman na kayang tumakbo ng kompanya nya kahit wala sya. Salamat sa secretary nyang si Rico.

Pagkatapos maligo ni Rafael ay dumiretso sya sa walk-in closet nya saka nagsuot ng boxer short. Pagkatapos ay humiga ulit sya sa kama. Akmang pipikit na sya ng biglang magring ang cellphone nya.

"Hello, my son!" Masiglang bati ng mommy nya.

"Hi, mom." Walang ganang sagot nya.

"Why is my son sounds sad? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng mommy nya.

"I'm okay, mom. Just a hangover."

"Yeah, yeah. May dinala ka na namang babae dyan na kinama mo pero hindi mo naman sineryoso."

"Mom, their just women. Tsaka sila naman lumalapit sakin e." Naiiritang sagot ni Rafael.

"Yeah. You're so mahangin like your dad."

"Well, we're both gwapo. By the way, how are you mom? Kamusta dyan sa Knossos?"

"Oh well, I'm okay. Kaya nga pala ko napatawag dahil may ipinadala kong package dyan." Excited na sabi ng mommy nya.

"What is it, mom?"

"It's suprise. I love you, son and I miss you. I have to go. Bye!" Nagmamadali nitong paalam.

Hindi na nakasagot pa si Rafael sa mommy nya dahil binaba na nito kaagad ang tawag.
Ipinikit nya ang mga mata at hindi namalayan na nakatulog na pala sya.

Nagising si Rafael sa ingay ng doorbell. Napatingin sya wall clock. It's 8pm. Ganun kahaba ang tulog ko? Mula 1pm hanggang 8pm?

Naiinis na bumangon sya para buksan ang pinto. Ngunit pagbukas nya ay wala namang tao. Akmang isasara nya na ang pinto ng parang may nakaharang upang maisara ito, napatingin sya sa paanan nya at tama nga ang hinala nya. Isang travel crate. May nakadikit na note sa ibabaw nito. For Rafael Lance Antonio.

Napaisip si Rafael kung saan nanggaling ang kulungan ngunit naalala nya ang sinabi kanina ng mommy nya. Ito ba yung pinadala ni mommy? A travel crate? Isinara nya ang pinto saka pinatong ang travel crate sa sofa.

Meow, My Sexy Cat (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon