CHAPTER 2

159 35 1
                                    

Pagpasok ni Rafael sa walk-in closet ay nagbihis na sya. Pagkatapos ay kumuha sya ng boxer shorts at isang white t-shirt para sa dalaga.

"Oh." Paghagis nya sa kama, habang hindi nakatingin sa dalaga.

"What is this?"

"Magbihis ka." Hindi pa rin sya nakatingin sa dalaga.

"Okay." Wala pag-aalinlangang sagot ng dalaga.

"Hintayin kita sa kusina."

"Okay."

"Mag-uusap tayo."

"For what? Huh!" Pasigaw na sabi ng dalaga.

"'Wag ka ng magtanong." Naiinis na lumabas si Rafael sa kwarto nya saka tumungo sa kusina

Pagpunta sa kusina ay nagluto sya ng bacon at pritong itlog. Nagtoast ng tinapay saka inihanda sa mesa. Akmang uupo na si Rafael ng dumating ang dalaga.

"Hi! I'm done."

Napatingin si Rafael sa dalaga na nakatayo sa pintuan ng kusina. Pinagmasdan nya ang mapula- pula nitong paa, ang napakagandang binti at hita. Ang napaka...

"You!" Panduduro sa kanya ng dalaga.

Bumalik ang tingin nya sa dalaga.

"What?" Tanong ni Rafael.

"Kanina ka pa titig ng titig sa dibdib ko ah! Namimihasa ka!" Iritadong sigaw ng dalaga.

"Sorry, okay? Maupo ka na dito." Utos nya sa dalaga.

Sumunod naman sa kanya ang dalaga.

Paanong hindi ako mapapatitig sa dibdib nya, e wala syang suot na bra.
Napatingin na naman sya sa kaibigan nyang nagigising na naman.

"Fuck! Ano ba?!"

"Anong, ano ba?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

Napalingon sya sa babae na ngayon ay nakasalong baba habang nakatitig sa kanya.

"Nothing. Let's eat."

Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Rafael na napatingin sa dalaga na parang wala ng bukas kung kumain.

"Aftó to fagitó eínai tóso nóstimo san aftón." This food is so delicious, like him. Sarap na sarap na sabi ng dalaga.

"What did you say?" Kunot nuong tanong ni Rafael.

"Nothing." Sabay ngiti sa kanya ng dalaga. Napansin nya ang mga mata ng dalaga. Kagaya ito ng pusang ipinadala sa kanya ng mommy nya.
Hindi na lamang pinansin ni Rafael ang mga mata nito.

"Did you cook this?" Nakangiting tanong ng dalaga.

"Yeah, hindi ba masarap?"

"Masarap, san eséna." Like you. Nakangising sabi ng dalaga.

"What? Kanina ka pa salita ng salita ng language mong ganyan na ikaw lang nakakaintindi." Iritadong sabi ni Rafael.

"Nye, nye, nye." Nang-aasar pa ang dalaga.

"After this umalis ka na sa penthouse ko ah. Hindi nga kita kilala, malay ko bang may masama kang intensyon." Naiinis na sabi ni Rafael.

"As if kaya mong paalisin ang kagaya ko. Tsaka I'm a good girl." Kampanteng sabi ng dalaga

Pagkatapos kumain ay si Rafael na ang naghugas ng pinagkainan nila. Ang dalaga naman ay dumeretso sa sofa nya. Pagkatapos nyang maghugas ay sumunod na sya sa dalaga. Nakahiga ito habang hinihimas ang tyan.

Meow, My Sexy Cat (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon